▪ nine

10.2K 307 19
                                    




I watched my little sister, Drusilla, sneaking to hide from my brother because they're playing hide and seek. Halos mahilo na ako dahil kanina pa nila iniikot-ikot ang bahay. Dapat ay aalis na kami ni kuya papuntang school, kaso ang kapatid ko ay nagpumilit na makipaglaro muna habang matagal pa ang oras.

Hinipan ko ang buhok kong nakaharang sa aking mata. Naiinip na ako kakahintay sa kanilang dalawa na matapos kaya hindi ko na naiwasang hindi tumayo. Humakbang na ako papunta kay kuya at sinabi sa kan'ya ang pakay ko.

Tumigil siya sa paghahanap kay Drusilla at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang aking noo. Pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong hine-head to foot ako dahil nakapanliliit sa sarili. Alam kong alam 'yon ni kuya pero mas lalo na naman niya akong iniinis.

"Let's go, kuya. We're going to be late kung makikipaglaro ka pa," I said firmly.

Matagal niya akong tinitigan bago tumango. Tinawag niya si Drusilla at sinabing aalis na kami dahil malapit nang magsimula ang aming klase. Hindi naman matigas ang ulo ng kapatid ko kaya pinaalis niya kami kaagad nang hindi siya nagta-tantrums.

Nagtaka ako nang maramdaman kong tahimik ang kuya ko sa buong b'yahe. Parang may bumabagabag sa kan'yang isipan kaya hindi na niya ako ako halos maramdaman na nasa tabi niya. Talagang diretso ang mata niya sa daanan at ni hindi man lang ako nilingon o kinausap hanggang sa makarating namin ang eskuwelahan.

Ako mismo nagbukas ng pinto ng kotse niya, na lagi niyang ginagawa sa akin. Lunod pa rin siya sa kan'yang iniisip kaya hindi niya naramdaman ang pag-alis ko.

Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa sa kan'ya because I know, he needs time for his self. Kung ano man ang gumugulo sa kan'yang isipan ngayon, alam kong malalim iyon, dahil halata mo ang dark circles sa ilalim ng kan'yang mga mata. I hope he finds peace.

"Hi, bEtch." Gaius greeted, beaming at me, so I smiled back genuinely.

I know, she's faking her smile and happiness to me. I know, there's something wrong. Her eyes couldn't lie. You can see a pure sadness through her eyes.

"What's wrong, Gaius?" Matigas kong tanong.

Napabuntong-hininga siya. Sabi na nga ba, may dinaramdam 'tong isa 'to. Kung kaya niyang magpanggap sa iba, p'wes sa 'kin hindi, dahil kilala ko na siya.

"Do you think I am a git?"

Nagdikit ang kilay ko dahil sa tinanong niya. Mabibilis ang paghinga ko. "What the fuck? No!"

Bumuga siya ng isang malalim na hininga at tumingin sa itaas.  "I am up all night. Could you see my eyebags? "

Ako na ang nagugulahan sa kinikilos niya. Kanina, si kuya napakatahimik niya. Ito namang si Gaius, parang may tililing sa ulo. Hindi kaya...

"Ano ba'ng nangyari? Tell me," wika ko.

May koneksyon kaya ang kinikilos nila sa isa't-isa? Pero no, kilala ko si kuya. Hindi 'yon kikilos ng gano'n sa mga gan'tong bagay.

Nang hindi siya sumagot ay nagsalita ako. "Is it because of Caiaphas?"

Tumawa siya nang mapakla nang marinig niya ang pangalan ng kuya ko.

So, si kuya nga.

"Ano'ng ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka ba niya? Physically? What?"

"You know, he can't do that, Euty. Yes, he hurted me emotionally." Umupo siya sa tabi ko na parang wala sa sarili. "I just realized, he can't love me the way I love him. Should I give up? I'm so stupid." She laughed bitterly.

"What did my brother do to you?" Dinidiinan ko ang pagbigkas sa bawat salita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kuya ko 'pag malaman kong may ginawa siyang masama kay Gaius. Ngayon pa lang ay nanggigil na ako sa kan'ya.

"Wala, Euty. Don't worry, hindi nga kami nag-uusap no'n, eh," pinahid niya ang tumulong luha na kanina pa niya pinipigilang ilabas.

I tapped her back. Ang hirap 'pag mahal na mahal mo 'yong isang tao pero hindi ka kayang mahalin pabalik.

Hindi ko naman kayang diktahan si kuya kasi ayaw ko ng gano'n; 'Yong mahalin niya si Gaius dahil lang sa sinabi ko. Gusto ko mahalin niya ang kaibigan dahil mahal niya, hindi dahil sa may nagsabi sa kan'ya.

Tiningnan ko ang wall clock sa harap na nakasabit sa taas ng white board. May sampung minuto pa bago magsimula ang klase. Mabilis kong hinila patayo si Gaius.

Naglaro ang lito sa kan'yang mga mata kaya mainit ko siyang nginitian. Gusto kong ilabas niya ang dinaramdam niya at alam kong hindi niya mahahanap ang kapayapaan sa class room. Lilipad lang ang isip niya at baka malagot pa siya 'pag nahuli siyang hindi nakikinig.

"Saan mo ako dadalhin?" Nalilito niyang tanong.

"Sumunod ka na lang." Hila-hila ko ang kamay niya.

Hindi ko rin alam kung saan ko siya dadalhin dahil hinayaan ko na lamang ang mga paa kong maglakad sa kung saan. Basta naglakad-lakad na lang kami. Dinala kami ng aming mga paa sa likod ng mga building na tambayan madalas ng mga students sa SHS.

Maraming tao rito kapag vacant ng mga estudyante. Sa ngayon, malapit na kasing magsimula ang first subject kaya kakaunti lang ang nandito. Huminga ako nang malalim at hinila siya sa ilalim ng puno na isa sa mga nakatayong puno rito.

Gustong-gusto ko talaga rito dahil sobrang fresh ng hangin at malamig. Talagang makakapag-isip ka nang maayos dahil tahimik at masarap sa tainga ang huni ng mga ibon sa itaas.

"Oh my gash, Euty, magdi-ditch tayo ng klase?" Natatarantang tanong niya nang makita niyang hindi ako kumilos sa kinauupuan ko kahit na simula na ng first subject.

"Obviously, Gaius, kaya umupo ka na rito sa tabi ko at pag-isipan mo nang mabuti 'yang problema mo."

Bagsak ang balikat niyang napatingin sa akin. "Okay, I'll just text someone. Papapuntahin ko siya rito."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kiniskis ko sa bawat isa ang aking mga palad habang sinisipa-sipa ang mga paa ko sa kawalan. Doon ko natandaan na may lollipop pala ako sa bulsa kaya mabilis ko itong hinugot at binuksan.

"Ayon! Magka-cutting din siya, o! Sabi na nga ba, e!" Sumigaw-sigaw si Gaius na parang tanga. Parang hindi niya alam na andito ako sa harap niya.

Nagulat nga ako kaya muntik ko nang mabitiwan ang lollipop na nasa kamay ko. Buti na lang hindi. Bagong bukas pa naman 'to.

"Sino ba 'yang pinapapunta mo?" Tanong ko habang nasa bibig ko ang lollipop.

"Basta!" Kinikilig niyang sambit.

Ewan ko rin sa babaeng 'to. Parang kanina, iiyak-iyak siya, tapos ngayon naman, ang creepy niya kasi tumatawa at ngumingiti siya mag-isa. 'Yong pinapunta lang pala niya ang katapat niya, e.

Masaya siyang umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kan'ya at mas lalo akong nagtaka nang suot-suot niya ang mapang-asar niyang ngiti.

Ano na naman 'to, Gaius?

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon