▪ forty-seven

7.5K 216 20
                                    




Days passed and my heart is really happy. I can't contain my happiness anymore. Kagagaling lang namin sa mall because we bought some food dahil nauubos ni Sky. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Ang sabi niya, sobrang hectic daw talaga ng kan'yang schedule.

"Are you tired?" Bulong niya nang nasa harap na kami ng pinto ng aking condo.

"Not really," I giggled.

Achaicus held my hand then in just a swift movement, he intertwined it. I blushed and smiled like an idiot. Parang may mainit na hangin na dumaan sa aking tiyan.

Nang mabuksan ko ang pinto, bumungad sa akin si Sky na prenteng nakaupo sa sofa. There was a hard hat beside him, halatang kagagaling lang sa trabaho. Bumaba ang kan'yang tingin sa kamay naming dalawa na magkahawak. Napasipol siya at lumikot ang mga mata, kunwari ay walang nakita.

Nabitiwan ko ang kamay ni Achai dahil sa pagkataranta. Pumasok ako at pekeng napangiti kay Sky. Ngumisi siya sa akin, halatang nang-aasar.

"Kumusta, Eutychus?" He smirked. "Ilang araw lang akong nawala, ah? Kayo na agad? Rupok mo naman, Euty," nang-aasar niyang sambit.

"Oh, bakit ikaw? Kunwari ka pa, alam ko namang hinahabol mo si Sydney," natawa ako nang matigilan siya.

Umiwas siya ng tingin at hinarap si Achaicus na tahimik na nanonood sa aming dalawa. Lumaki ang ngiti ni Sky at biglang tumayo. Tinampal niya ang mukha ni Achai kaya bahagyang napagitla ito sa kan'yang kinatatayuan.

"Fulgencio ka talaga, bro! Hilig natin maghabol, 'no?" Humalakhak siya nang itulak siya ni Sky.

"Makakaalis ka na," mariing saad ni Achai.

"No way, bro," bumalik sa aking tabi si Sky, mukhang naghahanap ng kakampi.

"Leave. We don't need you here," mapait niyang utos.

"Selos ka lang sa akin, eh," barumbadong sagot ni Sky.

He rolled his eyes and crossed him arms over his chest. He slowly walked towards me and held my hand firmly, halatang nilalayo ako sa tabi ni Sky.

"Edi h'wag," asik ni Achai. "Basta h'wag kang didikit kay Euty."

"Oh," sky responsed. "Sino 'yong nandito noong panahong kailangan ka niya, Achaicus? Sino 'yong nag-alaga sa kan'ya noong wala ka? Hell! I sacrificed my lovelife just for her!"

Achai glared at him, his cheeks flushing. Hinawakan ko ang kan'yang braso at bahagyang hinaplos 'yon para mapakalma siya. Kumuyom ang kan'yang kamao at umiwas ng tingin. Mariin siyang napapikit at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Manood na lang tayo," pag-iiba ko ng usapan. "Alam niyo, para kayong mga tanga. Naturingan magpinsan pero ang lalaki ng galit sa isa't-isa. Ayusin niyo nga 'yang ugali niyo. Parehas ko kayong papatapon sa labas eh." Pagbabanta ko.

Wala silang nagawa nang umupo ako sa couch. Hindi ako tumabi sa kanilang dalawa kaya wala silang choice kun'di ang magtabi. Tahimik lang din silang nanonood kasama ko. Nang sulyapan ko sila, nakita kong naglalaro sila ng bato-bato-pick at kung sino ang talo, pipingutin.

Napangiti ako at kunwari ay hindi sila nakita. Umayos ako ng upo. Lumalakas na rin ang boses nila habang naglalaro kaya inis ko silang tiningnan dahil hindi ko marinig ang pinapanood ko.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon