Things went well for the whole week. Achai is doing his responsibilities being my suitor. Kahit na minsan ay busy siya, lagi siyang naghahanap ng time for me. Achaicus is too good to be true. He deserves my world.Nagre-review ako dahil malapit na ang finals. We decided na huwag munang magpakita at magparamdam sa isa't-isa pero hindi niya ata kaya na hindi man lang ako makausap kahit ilang minuto lang.
I felt my phone beeped because of his message. Kanina ko pa 'yon hindi binabasa at kanina pa siya nagte-text. He's being clingy but I love it. He's being a baby but I am letting him to do that. Mas'yado siyang maarte at laging nagpapalambing.
On the other side, kuya's still not contacting me. Kapag tinatanong ko si Gaius kung nag-text man lang ba siya sa kan'ya, ang sagot niya ay hindi. Kapag kino-contact ko naman si kuya ay hindi matawagan. I even texted him but he didn't reply.
Nag-review ulit ako hanggang sa makatulog ako. Nang magising ako, mabilis akong nag-ready. Tiningnan ko ang phone ko at nabasa ko na nasa baba na si Achai. Habang wala pa si kuya, sabi niya, kami raw muna ang sabay kahit minsan, hindi tugma ang schedule namin para hindi raw ako ma-late. Mas'yado rawng hassle kapag nag-commute pa ako.
Hindi na ako kumain at mabilis na bineso si Achai. Hinawakan niya ako sa baywang at sabay kaming pumunta sa kan'yang kotse. Ako na ang nagbukas ng pinto sa shotgun seat dahil parehas kaming nagmamadali. Of course, pupunta muna kami sa restaurant bago kami pumasok sa klase. Napag-usapan na namin 'to kagabi.
"How was your sleep?" He asked while driving and I know that he's trying not to lose the cool. He always tease and call me 'taba pisngi' kahit alam niyang inis na inis na ako sa kan'ya.
"It was fine. I have a nightmare. Sobrang tumaba raw pisngi ko," I pouted.
Nagpakawala siya ng isang malakas na tawa kaya hindi ko napigilan na batuhin siya ng plastic bottle na hawak ko.
"Nananaginip na ako kakaasar mo sa akin!" Galit kong sabi.
Binasa niya ang kan'yang pang-ibabang labi at blankong tumingin sa akin. He stopped laughing and that's when I realized kung ano ang nagawa ko.
Shit. I forgot.
"What did I tell you kapag nagda-drive ako? 'Di ba sabi ko don't do something that can distract me from driving? Paano kapag maaksidente tayo? Paano ka?"
Umiwas na lamang ako ng tingin at nanahimik. Okay, it was my fault. Okay, fine, pero kasalanan niya pa rin! Bakit siya tatawa kung alam naman niyang napipikon ako sa gano'n?! Sakit talaga sa ulo mga lalaki!
Huminga ako nang malalim at kinalma ang isip ko. Iniiwasan kong mainis o magalit dahil ayaw ko rin ako ang magpasimuno ng away naming dalawa. The hell! Alam na ngang ayaw pero ayaw pa rin tumigil. Tanga talaga.
Inabala ko na lamang ang aking sarili sa mga social media accounts ko. I posted a tweet at umalis agad sa twitter app. I took a pictures of me at nilagay ko 'yon sa Myday at IG Storie ko.
Suwerte nitong Achaicus na 'to, siya laman ng highlights ko sa IG. Duh.
"Cute kaya 'yong gano'n." Bigla siyang nagsalita.
Hindi ko siya pinansin. Kapag hindi ko siya pinansin, edi hindi rin ako maiinis.
"Cute 'yong mataba pisngi. Bagay nga sa 'yo eh," nang-aasar na ngayon ang tono niya.
Mariin akong napapikit.
"Ayaw ko nga ng cute! Gusto ko pretty! Pretty, okay?!" Tinarayan ko siya at hindi na ulit pinansin hanggang sa makarating kami sa isang fancy restaurant.

YOU ARE READING
Hidden Star (Engineer Series #1)
RomanceAchaicus will do everything for his dreams. He worked hard for this. Dugo't pawis ang inilaan niya. Matagal niya nang gustong abutin ito with the help of his father. He is really a goal oriented. A dream is a dream, and it is what he wants to achiev...