▪ thirty-eight

6.2K 204 29
                                    




"Fuck, fuck, fuck! I can't believe this!" Sumbong ko kay Sky. Kanina pa ako paikot-ikot sa harap niya habang siya, mataman na nakatitig sa akin.

"Puwede bang huminahon ka muna?" Hinila niya ako paupo at pilit na pinapakalma.

"Paano ako hihinahon kung bumalik na siya?!"

"What?" Nagtataka niya akong tiningnan, kalmado pa rin.

"Achaicus is back! He's the new CEO of BDO!"

"So what?" Parang hindi siya nataranta nang sabihin ko iyon.

"Anong 'so what', Sky? 'Yong ex ko, Sky, 'yong ex ko, si Achaicus, 'yong potangina, nagbabalik!"

"Bakit naman siya hindi babalik? They have business here. Si Achaicus na ang nakatalaga sa Pilipinas, while si Nexxus, sa U.S.A." Mahinahon niyang saad. "Also, he currently serves as the president and director of the Bankers Association of the Philippines and the BAP Credit Bureau."

Pinitik ko siya nang malakas dahil parang alam na alam niya ang lahat. Hindi man lang siya nagsasabi. So, alam niya talagang babalik si Achaicus pero hindi man lang ako sinabihan? 'Yon ba 'yong dahilan niya kung bakit siya nagtanong sa akin kung naka-move-on na ba ako kay Achai?

"Hindi ba niya sinabi sa 'yo 'yong business nila noong panahong kayo pa?" Nakakunot ang kan'yang noo, marahil nagtataka dahil parang hindi ko alam ang lahat.

"Hindi! Hindi ko alam! Kung alam ko lang, edi sana sa ibang bank ako nagtrabaho!"

"Sigurado ka? Do you know Artaxerxes Chase and Co.?" Nagtataka pa rin siya dahil sa reaksyon ko.

"Hindi nga! Wala akong alam sa business nila!" Tumayo ako dahil sa pagkataranta. Pa'no ako matatahimik kung alam kong nasa paligid lang si Achai?

"Ayon 'yong pinag-aagawan nilang magkapatid noon. Artaxerxes Chase & Co. is an multinational investment bank and financial services holding company. It is the largest bank  in U.S.A. and sixth largest bank in the world by total assets," kalmado niyang paliwanag.

"Wala akong pake! Gusto mo lang isampal na mayaman pamilya niyo!" Nag-cross-arm ako harap niya kaya natawa siya nang malakas.

"Mataas kaya magpasahod mga Fulgencio," nang-aasar ang kan'yang mga mata at boses.

"Magre-resign na ako!"

"Bakit? Mag-aapply ka ba bilang asawa ko?" His eyebrows arched while waiting for my response.

"Ew!" Inirapan ko siya. H'wag na lang! Mas gusto ko pang maging accountant!

"Maka-ew ah, parang hindi ako nahalikan,"

Natigilan ako sa pagra-rant dahil sa huling sinabi niya. Uminit ang aking ulo at ramdam kong namula ang buong mukha ko. Huminga ako nang malalim bago siya bulyawan.

"Ikaw, hahalikan ko?" Pinakitaan ko pa siya ng nandidiring mukha kaya mas lalo pa siyang naaliw at inasar ako.

"Oo, kaya hindi ka makahanap ng ibang boyfriend eh. May gusto ka nga talaga sa akin,"

Nag walk-out ako dahil hindi ko na talaga kaya ang pang-aasar niya. Pare-parehas silang mga Fulgencio! Ang gagaling mangpikon! Alam na nga nilang pikon 'yong tao, mas lalo ka pa nilang aasarin!

Nang matapos ang trabaho ko, naglakad ako papuntang waiting shed. Nag-text kanina si Sky na susunduin niya ako. Inayos ko ang takas kong buhok at nilagay ito nang maayos sa likod ng aking balikat.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon