▪ fourteen

8.7K 261 13
                                    




Naglalakad ako habang bitbit ang tatlong libro. Mas'yado na akong abala nitong nakaraang araw. Hindi ko napagtutunan ng pansin ang ibang bagay. Puro na lang ako academics, academics, academics. Hindi na ako nakapagsasaya kasi pine-pressure ako nila Mommy.

Na dapat ganito ako, dapat gan'yan ako, kasi kapag hindi ko sinunod, masasakit na naman na mga salita ang matatanggap ko. Pagod na ang tainga kong makinig sa mga salita nilang hindi naman talaga ako gano'n. Kaya para walang masabi, tatahimik na lang ako at papakalunod sa mga bagay na gusto nila para sa akin.

Sabado ngayon at kahit walang pasok, kailangan kong pumasok. May training kasi ako. Mamayang gabi pa ang uwi ko. Wala rin si kuya kaya walang maghahatid o mag-aaliw sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit tuwing sabado o linggo ay wala ang kuya ko. Napapansin ko rin na namumutla at lumalaki ang eyebags niya. Baka nasosobrahan na siya sa pagba-bar. Pagsasabihan ko na talaga 'yon.

Pagdating ko sa school ay nakita ko agad ang mga kasamahan ko. Nginitian ko sila at nginitian din nila ako. This is one of the great feeling na mararamdaman mo. 'Yong nginitian mo ang isang tao, tapos ngingiti nang mas matamis pa sa ngiti na ibinigay mo sa kan'ya.

Dumating ang tagapayo namin kaya nag-ingay ang mga kasamahan ko. Nanahimik lamang ako sa dulo. Ganito talaga ako. Marunong naman ako makihalubilo, pero kapag ayaw ko, mananahimik ako. Sabi rin nila, hindi rin daw nila ako malapitan dahil kakaiba ang aura ko. Parang mataray pero once daw na ngumiti, parang nagliliwanag daw ang mundo nila.

Natawa ako nang sabihin sa akin 'yan ng kaklase ko. Hindi ko naman maiiwasan 'yon. Kusa nang makapal ang kilay ko kaya maraming nai-inggit. Isa 'to sa asset ko eh.

Naging abala ako sa paperworks na kailangan kong gawin. Umupo ako sa silya at sinimulan gawin iyon. Hindi ko namalayan ang oras. Ala-sais na pala ng gabi.

Tiningnan ko ang mga kasamahan ko sa training na 'to, nagsisimula na silang magligpit ng mga gamit nila. Tumayo na rin ako at nag-unat. Hindi naman ako napagod dahil nae-enjoy ko ang ginagawa ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit ng aking gamit nang tumunog ang cellphone ko. Achaicus agad ang aking nakita kaya napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang answer button.

"Hello... " Napapaos na boses ni Achaicus ang bumungad sa akin.

"Yes?"

"Tapos ka na ba? Can I fetch you?"

"Bakit mo ako susunduin? Kaya ko sarili ko." Angal ko.

"Wala, basta susunduin kita ah." Aniya. "Hintayin mo ako d'yan. H'wag matigas ang ulo." Huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.

Hindi na ako nakatanggi pa. Sinabi ko rin kasi sa kan'ya na may training ako ngayon at gabi na ako makakauwi. Kahapon pa niya ini-insist na sunduin ako, pero ilang beses akong nagsabi na huwag na, kasi kaya ko namang umuwi mag-isa.

Binitbit ko ang tatlong libro na dala ko at lumabas. Nilakad ko ang distansya mula rito papuntang gate. Hindi na ako nakapaghintay pa nang matagal dahil nakita ko agad ang kotse ni Achaicus.

Lumabas siya galing doon at pinuntahan agad ako.

"How's your day? You look exhausted." Sabi niya sa mababang tono.

Ngumiti ako. "Ayos lang. Marami kasing ginawa."

"Give me your book."

Tiningnan ko siya at nakangiting itsura niya ang bumungad sa akin. Nakalahad ang kan'yang isang kamay kaya ibinigay ko sa kan'ya ang aking mga libro. Hindi naman 'to patatalo eh.

"Do you want to eat somewhere? My treat." Nakangisi niyang saad.

"Hin—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang hilahin ni Achai ang isa kong kamay gamit ang isa niya pang kamay. Pinagbuksan niya ako ng pinto, at hinayaan akong makapasok. Umikot siya para siya naman ang makapasok sa driver's seat.

"Tatanggi ka pa, e ililibre ka na nga. " Natatawang sambit niya sa akin.

"Nakakahiya, tanga."

"Ngayon ka pa mahihiya?"

"Why are you doing this?" Natanong ko na lamang bigla dahil naguguluhan ako. Bigla na lamang siyang sumusulpot, e hindi naman kami gano'n ka-close.

"Your brother asked me to do this. No malice. Just taking care of you. " Sagot niya sa tanong ko habang hindi nakatingin sa akin.

Sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng kirot mula sa aking dibdib. Umiling ako para mawala ang atensyon ko doon. Mas'yado ata akong nag-expect.

Impossible naman. Ang rupok mo naman, Euty, kung nahulog ka agad. Ang rupok mo, gaga!

"E bakit ka naniniwala kay kuya?" Wala sa sariling tanong ko.

"Your brother is my closest friend. May pinagsamahan kami. Tine-treasure ka niya, so I'll treasure you, too, morethan your brother treasures you."

Umiwas ako ng tingin. Ang galing kasi magsalita e. Ayan, parang kumabog na naman 'yong dibdib ko. Hindi niya alam sinasabi niya sa akin. Hindi niya alam na nabibigyan ko ng ibig sabihin.

Pero sabi sa akin ni Gaius sa akin dati, si Achaicus, chick boy. Magbibigay motibo sa babae, tapos 'yong babae, aasa, samantala kay Achaicus naman ay wala lang daw iyon. Natural lang daw sa kan'ya ang pagiging caring.

Dinala niya ako sa isang malapit na restaurant. Wala akong imik nang makapasok kami.

Kailangan ko iligtas sarili ko hangga't maaga pa. Ako ang kawawa. Kailangan hindi ako mahulog nang gano'n kalalim. Ayaw kong malunod. Ako ang kawawa.

"What's bothering you?" Tanong niya nang ibalik niya ang menu sa waiter at sabihin ang order namin.

"None." Ngumiti ako para hindi siya mangamba.

Wala pa rin akong imik hanggang sa dumating ang order namin. Nagtataka na si Achaicus sa inaakto ko. Hindi ko siya tinitingnan at patango-tango lang ako kapag may sinasabi o tinatanong siya.

Ako ang naunang matapos kumain. Nang matapos siya ay ako ang naunang tumayo at naglakad palabas. Hindi naka-lock ang kotse niya kaya pumasok agad ako sa passenger's seat nang hindi man lang siya nililingon.

"Euty!" Sigaw niya.

Mariin akong napapikit. Ayaw ko nang ganito.

Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong kontrolin ang nararamdaman ko. Kailangan kong masalba ang aking sarili.

Dahil sa huli, ako, ako ang kawawa.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon