Arguing with someone you don't know is stupid. He was so rude! He doesn't know me to judge me easily! If ever that I have a chance to meet him again, I'll punch him hardly to destroy his oh-so-handsome-face. His face doesn't suits his attitude.Hindi ko alam kung bakit kadalasan sa mga guwapo, mga mayayabang, masasama ang ugali. Siguro, alam nila sa sarili nilang g'wapo sila, at feeling nila lahat ng gusto nila, makukuha nila. To be honest, my brother is handsome, that's why, his attitude was like that.
Hindi natuloy ang pag-shopping ko dahil nabuwisit ako sa lalaking nakabangga ko kanina. Umuwi kaagad ako ng bahay at hindi ako makapaniwala nang makita ko si kuya na prenteng nakaupo sa sofa habang nakatutok sa kan'yang phone. Once in a blue moon lang mangyari 'to dahil kadalasan, mas gusto niyang nasa condo niya siya 'pag wala siyang ginagawa rito sa bahay.
"Why are you here?" I asked in monotone.
"Is there a policy that I'm not allowed here in my house?"
"Oh, is this your house? Just to remind you, Caiaphas, this is our parent's house." I rolled my eyes.
"Don't call me by my firstname, you fcking brat!"
Natawa ako sa aking isip. Oo nga pala, ayaw niya sa pangalan niya dahil ang pangit daw sa pandinig. Unique nga raw ang pangalan niya, kaso mukha namang bantot sa pandinig niya.
"Kasalan ko bang demonyo ang papangalanan nila kaya hindi mas'yadong pinaghandaan nila Mommy?"
"Can you please shut your ugly mouth? I'm here to invite you to watch our game later. You'll go with me because I want you to be proud of your handsome brother."
Napa-'o' ang aking bibig nang marinig ko ang sinabi niya. Like what I have said earlier, bihira lang siya maging mabait at kung magiging mabait siya, magugulat ka dahil kung gaano siya kasama, gano'n naman siya kabait.
Nilapag ko ang maliit kong bag sa coffee table na malapit sa akin. Tinitigan ko siya diretso sa mata. "Sino'ng kalaban?"
"I can't remember his name, but due to rumors, I heard, he's great at playing basketball, at never siyang nakilahok sa mga tao, ngayon pa lang." Inakbayan niya ako. "And, you know what, Euty? He's our schoolmate and he is your batchmate."
Tumaas ang kilay ko. "What's the big deal, duh? He's not that gorgeous to get the attention of one and only Eutychus."
"Are you checking the school's page? Aside from me, most of girls in our school are crushing over him, so definitely, Eutychus, he's that handsome!"
"Eww, brother. You're talking like a pokpok girls out there. Are you attracted to that boy?"
"Eww, sister. Do you think I'ma gay? That's so stupid of you, brat." He pushed me to stand. I glared at him and he chuckles because of my sudden movements. "Your tube and denim skirt can catch most of boy's attention there in court. Is that okay with you?"
"Hindi naman 'to malaswa, kuya, ah?"
"I know, I know. I'm just asking you and you know, I'm being possessive here because to be honest, h'wag lumaki ang ulo, you are gorgeous inside and out, from head to foot, from physical to inner."
Nagtataka ako sa ipinapakitang ugali sa akin ng kuya ko. Naiinis siya sa una 'pag nagdadamit ako ng gan'to pero 'di kalaunan ay hahayaan na lang niya ako pagkatapos niyang sipatin ang mga dinadamit ko. Pero ngayon? Nakangiti pa siya habang sinasang-ayunan ang damit ko!
He is playing with his keys. Sumunod ako sa kan'ya pagkatapos kong mag-retouch. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Umikot siya upang makapasok sa driver's seat. Pinaandar niya ang makina at nagsimulang magmaneho ng kotse.
"Cheer mo 'ko mamaya, Eutychus. Dapat umaalingawngaw ang boses mo."
"Bakit?"
"Para mainggit sila."
"Ba't sila maiinggit?"
"Ba't ko sasabihin?"
"You motherfvcker!" I cursed him. Umiwas ako ng tingin nang siya naman ang tumitig ng masama sa akin. Ayaw ng kuya ko na nagmumura ako kaya 'pag nakaaligid siya sa akin, finifilter ko ang bibig ko.
"Nakalimutan mo na ba sinabi ko sa 'yo? How many times do I have to tell you that stop cussing! It's not good!"
He's treating me like a child.
"We're already here." Pinark niya ang kotse. Tinanggal ko ang seatbelt ko ngunit bago ako makalabas ay pinigil ako ng mga salita niya. "One more cuss, Euty, and I'll tell Mom to confiscate all your gadgets and lock your library."
"Yes, kuya. Hindi na po mauulit." Pagdidiin ko sa salitang 'po'.
Siya ang naunang lumabas, sunod ako. Kumapit ako sa braso ni kuya habang papasok sa gymnasium ng school. Mabilis ang naging b'yahe dahil mabilis ding magmaneho ang kuya ko. Nang makapasok kami, bigla akong napabitaw sa braso ni kuya at napatakip sa aking tainga. Dumagundong ang Gym dahil lang sa pumasok ang kuya ko.
Oo, gano'n siya ka-g'wapo, kaya gano'n din kataas ang tingin niya sa sarili niya.
Ngiting-ngiti siya habang naglalakad patungo sa mga team mates niya, habang ako naman ay tahimik na sumusunod sa kan'ya.
"Wow, Bethuel, this is the first time you brought your sister here."
"And man, she's hot and sexy."
"Hold your tongue, Angelo." Mariing bigkas ni kuya.
"But it's true. You know, just look at her, damn man, is that really your sister?" Sang-ayon naman no'ng isa.
"I said, hold you tongues." Natahimik sila dahil sa tono ng boses ni kuya. Naiirita na rin naman ako dahil harap-harapan nila akong ginagano'n.
Napatingin sila sa pintuan nang tumili na naman ang mga babaeng nasa gym. Tumayo sila ng tuwid at nagkatinginan.
"Look who's here." Dinig kong bulong ng isa sa kanila.
Tumingin din ako sa kung sinong pinagtitinginan nila, at nang makapasok siya ng tuluyan, agad nagdikit ang kilay ko. Fck, hindi maaari. Dumiretso siya mga team mates niya at sa totoo lang, sirang-sira na araw ko ngayon. Oo, hiniling ko kanina na makita ko siyang muli pero hindi pa sa ngayon, dahil sariwa pa rin ang ginawa niya sa akin kanina.
Yes, siya 'yong lalaking nilapag lang ang coffee ko at hinablot ng malakas sa kamay ko ang kan'ya at sinabihan pa akong noob.
Hindi ako mapakali rito sa inuupuan ko. Parang gusto kong pumunta ro'n at tapunan siya ng kape sa kan'yang mukha hanggang sa mamaga dahil sa init na tubig na nagmumula doon.
"What's wrong, Euty? Well, I told you, kahit ikaw maa-attract diyan." Asar sa akin ng katabi ko.
"Naririnig mo ba sinasabi mo? Bakit ako maa-attract diyan, e' ang sama ng ugali niyan?"
Tumawa siya nang marinig ang aking sinabi.
"Hay nako, Euty. Kunwari ka pa. Lahat na lang sa 'yo, masama ang ugali," he said in a low tone.
"Well, I encountered him at starbucks and I don't know na siya pala ang tinutukoy mo." Iritado kong wika.
Narinig ko siyang tumawa. Tumingin ako sa kan'ya at sinamaan siya ng tingin.
"Chill, sis. May naalala lang ako. Someone talked to me one day ago. Tingin ko magiging masaya 'yong school year mo ngayon." Hinila niya ako palapit sa kan'ya at tinitigan nang mabuti sa mata. "Just don't let anyone break your heart, hmm?"

YOU ARE READING
Hidden Star (Engineer Series #1)
RomanceAchaicus will do everything for his dreams. He worked hard for this. Dugo't pawis ang inilaan niya. Matagal niya nang gustong abutin ito with the help of his father. He is really a goal oriented. A dream is a dream, and it is what he wants to achiev...