▪ eighteen

7.7K 246 20
                                    




I am not in the mood the whole time. Nakatulala lang ako sa professor naming kanina pa salita nang salita sa harap. Naririnig ko ang mga sinasabi niya pero hindi nada-digest ng utak ko ang lahat.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko na nakita si Achaicus pagkatapos niya akong iuwi noong araw na 'yon. Hindi lang siya paasa! Hindi lang siya ghoster! Sinungaling pa! Akala ko dadalhin niya ako sa isang lugar na romantic pero fuck? Inuwi lang niya ako!

"Saan mo ba ako dadalhin? Sinira mo ang date namin ni Sky!" Galit na galit kong sigaw sa kan'ya.

Nanliit ang aking mga mata nang makita ko ang pamilyar na daanan. Hindi ko maiwasang hindi siya hampasin nang malakas. Biglang tumagilid ang kotse kaya kinabahan ako.

"What the hell, Euty?" He said in disbelief.


"Tangina, sa bahay mo lang ako dadalhin? Edi sana hindi ka na nakigulo pa sa amin!"

"Ano ba, Eutychus? May gusto na 'yong tao! Ano, papatol ka pa rin?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

"Ano ba'ng pake mo?" Iritang-irita na talaga ako.

"May pake ako!"

"May pake? Bakit? Dahil sinabi na naman ng Kuya ko? Oh, please, kaya kong mabuhay kahit wala 'yang pake mo!"

Hinampas niya nang malakas ang manibela kaya natahimik ako. Napasandal ako sa upuan at mariing napapikit. Please don't make this hard for me, Achai. Please. Hinilot ko ang aking sentido at hinarap siya.

"Achaicus, kumakain lang kami ni Sky. Bakit kailangan mo akong iuwi? Mamaya pa ako uuwi!"

"Then sasabihin ko kay Bethuel na nag-cutting ka noon!" Walang pagdadalawang-isip niyang sinabi sa akin.

Natutop ko ang aking bibig. Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang nataranta.

"Fuck, Achaicus. I can't believe you. . ." Humina ang boses ko. "Hindi ko aakalaing kaya mo akong ilaglag dahil lang sa pagiging selfish mo." Umiling ako dahil sa pagkadismaya.

Napatitig siya akin. Nanahimik siya. He licked his lower lip. Hinarap niya ako at binagalan ang pagda-drive.

"Selfish ako pagdating sa 'yo. . . "

Ilang minuto akong natahimik sa sinabi niya. Bumilis ang heart beat ko. Winaksi ko 'yon sa isip ko at matapang siyang tinitigan.

"At, bakit? Dahil ano? Dahil kailangan mo ng rebound para sa inyo ni Steph?" Hindi ko na makilala ang boses ko. "Hindi pala nakaka-move-on ah! Halos lumuhod na pala para lang balikan noong Steph na 'yon!"

"Eutychus! Walang Steph na naganap sa buhay ko! Wala 'yon! Lahat 'yon, kasinungalingan lang nila! Gawa-gawa lang nila 'yon! Ano'ng tingin mo sa akin? Luluhuran ang mga babae?" Mahabang lintanya niya.

Umiling ako. "Totoo 'yon! Hindi nila masasabi 'yon kung hindi nila nasaksihan 'yon!"


"Jesus, Eutychus." Kitang-kita ko na nafa-frustrate na rin siya. " 'Yong sinasabi nilang Steph, hindi 'yon nag-eexist, okay? Wala akong niluhuran, wala akong iniyakan na Steph!"

"Oh, bakit, sino pala ang iniyakan mo?"

He was caughta-off guard by my question.

"W-wala!"

Hindi ko na siya ulit tinanong pa. Parang nabunutan ako ng tinik nang sabihin niya sa akin 'yon. I felt... happy. Fuck.

"Ayaw ko nang may kasama kang iba. Kahit pinsan ko pa 'yan. You get me, Euty?" Huling sinabi niya sa akin bago ko pasukin ang bahay.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon