▪ forty-three

6.7K 190 4
                                    




"Leave, Achaicus! Leave!" Tinuro ko ang pinto sa kan'ya. Mabibilis ang aking paghinga dahil sa nag-uumapaw na galit.

Nanatiling nakatayo si Sky, pinapanood ang mga galaw ko. His lips formed into a thin line. Mukhang ayaw nang makisali.

"Bakit? Kapag si Sky, puwede? Kapag ako, hindi?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Magkaiba kayo! Hindi siya manloloko! Hindi siya kagaya mo na sinungaling! Hindi siya manggagamit, kaya umalis ka na, please lang!" I shouted at the top of my lungs. Biglang nanumbalik ang mga pinagdaanan ko noon at si Sky ang nariyan, siya ang gumabay sa akin noong mali na ang tinatahak kong daan.

"Will you please calm down? Bakit ba hanggang ngayon, tingin mo, niloko pa rin kita? Pakinggan mo ako! Pakinggan mo explanation ko dahil nilulunod mo ang sarili mo sa pag-ooverthink!" He looks frustrated. Pain is evident in his eyes. He's hurt ngunit iniiwas niya ang kan'yang tingin.

"Pinagbigyan kita noong mga ilang araw. Ngayon, hindi na. Umalis ka na sa condo ko, Achaicus. Umalis ka dahil ayaw kong makita 'yang pagmumukha mo!"

"Bakit ba gan'yan kalaki 'yong galit mo sa akin?" Kitang-kita ko kung paano siya nanghina.

Natigil ako sa pagsigaw. Huminga ako nang malalim at mariing napapikit. Pinaypayan ko ang sarili ko para kumalma.

"Umalis ka na, Achaicus. Matagal na tayong tapos," pilit kong pinatatag ang boses ngunit nabigo ako. Dinig na dinig ko kung paano nabasag ang aking boses.

Napatingala siya. Kitang-kita ang mga ugat niya sa kan'yang leeg. Napahilamos siya at ginulo ang buhok. Napaatras ako nang titigan niya ako. May tumulong butil sa kan'yang mga mata ngunit mabilis niyang napunasan 'yon.

"Hayaan mo lang akong magpaliwanag," nakikiusap ang boses at mga mata niya.

Mariin akong umiling. Matalim ko siyang tinitigan para malaman niyang seryoso ako.

"No." Dinaluhan ako ni Sky at marahang hinawakan sa aking braso. Naramdaman niya sigurong kahit anong oras, magbe-breakdown ako.

"I hate you now. I really hate you now, Achaicus, as much as I loved you before." Umiwas ako nang tingin at tinuro ang pintuan.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang marahan niyang pagtango. Pinilit niya ang sariling tumayo nang maayos. Hindi na niya ako nilingon nang lakarin niya ang daang palabas ng aking condo.

Nang mawala na siya sa aking paningin, I broke down. I cried hard. I cried my heart out again in the arms of Sky. Napasubsob ako sa kan'yang dibdib habang umiiyak.

"Shh. He's not worth of your tears." He strokes my hair softly. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang aking likod kaya napapakalma niya ako.

"I hate him! I hate him for doing this to me! Bakit ganito? Bakit ganito palagi ang ginagawa niya sa akin? Minahal ko siya nang sobra noon, bakit sakit ang sinukli niya sa akin?" I said in between of my sobs.

Nanatili siyang tahimik. Mas lalo niya pa akong inilapit sa kan'ya at mahigpit akong niyakap. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya.

Lumipas ang ilang minuto, napatahan niya ako. I smiled weakly. Ginantihan niya ako ng isang blankong tingin. Kitang-kita ang pagkagalit sa kan'yang mukha.

"Good night, Eutychus." He kissed my forehead before leaving me in my room.

Bumigat ang talukap ng aking mga mata dahil napagod sa pag-iyak. Ilang minuto akong tumitig sa kisame, iniisip ang ginawa ko kanina kay Achaicus. Dahil na rin sa pagod, nakatulog ako.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon