▪ seventeen

7.6K 233 34
                                    




After that incident, hindi nagparamdam si Achaicus. Oo, paasa talaga 'yon. Ghoster. Kaya walang araw na wala ako sa mood. Nadadamay pa si Gaius kaya hindi ako kinakausap. Kanina ko pa siya binubulyawan kahit wala siyang kasalanan.

Nakakabuwisit kasi talaga. After niyang umakto na selos na selos sa harap ko tapos hindi siya magpaparamdam? Pero nakikita ko naman siya sa classroom nila at nakikipagtawanan sa mga babae niyang classmate? The fuck?

From: Sky

Mango graham with fish ball later or fries. Please?

Hindi ako tinantanan ni Sky kahit halos sapakin na siya ni Achaicus no'n. Masaya siyang kasama kaya hindi ko siya tinatanggihan, at saka tinutulungan ko rin siya kung paano ba siya aamin sa gusto niyang si Kaye.

To: Sky

Okay, hintayin mo ako sa labas ngayon.

"Bye, Gaius! Makikipagkita ako kay Sky eh." Nakangiti kong sinabi sa kan'ya. Hindi ko na siya binigyan pa ng chance na makapagsalita dahil alam kong aasarin lang niya ako.

Tumakbo ako palabas at nakita ko si Sky na prenteng nakasandal sa kotse niya habang naka-shades pa. Pinagtitinginan siya ng mga iilang schoolmates ko pero wala siyang pake. Mukha ngang hindi siya aware eh dahil sa phone lang niya siya nakatingin.

Sorry, kay Kaye lang kakalampag 'yan.

"Uy, Sky!" Tinapik ko ang balikat niya nang makalapit ako sa kan'ya.

Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit no'n. Kung iisipin ng iba, aakalain talagang may namamagitan sa aming dalawa pero hindi, gentleman lang talaga siya.

Itong mga Fulgencio, marunong talagang magbigay ng motibo sa babae pero wala naman palang meaning sa kanila 'yon.

"Mango graham at fries sa akin, ha? Libre mo."

"No problem." Nagmamayabang sagot niya sa akin.

Humawak ako sa braso niya. Parang wala lang sa kan'ya 'yon dahil alam namin sa isa't-isa na may iba kaming gusto.

"Uhm... umamin na ako kay Kaye kahapon." He started a conversation.

"Ano sabi niya?"

Napakamot siya sa kan'yang ulo at umiwas ng tingin. "Hindi siya nakapagsalita hanggang sa tawagin na siya ng Daddy niya para makauwi. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin."

"Baka nasobrahan sa kilig." Pilit kong pinapalakas ang loob niya. "S'yempre, si Sky ba naman ang aamin sa 'yo. Talagang kikiligin ako ng higit isang araw!"

Natawa siya sa sinabi ko. Nang marating namin ang Middle V, the place kung saan kami madalas kumakain ni Sky ay hindi kami muling nagsalita pa. Siya ang bumili ng pagkain at ako ang naghanap ng mauupuan namin.

Mabilis siyang nakarating dala-dala ang isang tray na may dalawang mango graham shake, isang plate ng fish balls, ng french fries, at dalawang spaghetti. Hindi ko mapigilan hindi matawa dahil palagi na lang niya akong nililibre kaya nakakatipid ako.

"Hindi ka ba naiinis kay Achaicus?" Tanong ko nang magsimula kaming kumain.

"Hindi. Isip-bata 'yon eh." Sagot niya habang sumisipsip sa mango graham niya.

"Kuwento mo nga sa akin 'yong story nila ni Steph."

"Selos ka lang eh."

"Ulol, hindi."

"Selos!"

"Hindi nga!"

"Selos ka eh!"

Magkatabi kaming dalawa kaya ang dali-dali lang niyang hampasin. Tinatawanan lang niya ako kapag hinahampas ko siya. Minsan ay umiilag siya pero mas gusto niyang nahahampas ko siya.

"Aminin mo na kasi na may gusto ka–"

"Sino'ng gusto ni Euty?"

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napahawak agad ako sa braso ni Sky kaya hinila niya ako palapit sa kan'ya.

"Oh, Achaicus, naparito ka? 'Di ba hindi ka mahilig dito?"

"Bakit? Masama bang kumain dito?" Barumbado niyang sagot sa pinsan niya.

"Kung may balak kang manggulo sa amin, please, lumayo ka na lang. We're having fun here." Mapait kong sinabi.

"Talagang manggugulo ako, Euty! Kung palagi kang sasama sa Sky na 'yan, palagi akong manggulo!" Nahila ako ni Achaicus palapit sa kan'ya kaya napatayo si Sky.

I sighed in relief dahil dalawang tao lang ang nandito. Hindi kami masiyadong pagtitinginan ng marami. Nagpumiglas ako kaya nabitiwan ako ni Achai. Nakita kong dumaan ang 'sakit' na emosyon sa mata niya ngunit mabilis niyang napawi 'yon.

"Ano naman, ha?! Mind your own business! Si Sky ang gusto kong kasama, hindi ikaw kaya puwede ba?! Umalis ka na rito!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

"No, no." He looks devastated. "You're coming with me, baby, please."

Natahimik ako. Tiningnan ko si Sky na nakatingin lang sa pinsan niya. Na para bang ito ang pinakabobo sa buong mundo.

"And you, motherfcker, subukan mong lapitan pa si Euty, alam mo ang kaya kong gawin kay Kaye!"

Nasindak si Sky roon. Nagsimulang maglakad si Achai papalayo habang hawak-hawak ako. Tiningnan ko si Sky upang humingi ng tulong pero nag-peace sign lang siya sa akin. I get it.

"Huwag kang magagalit sa akin kung ito na ang huli nating pagkikita!" Dinig kong sigaw niya bago namin tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

Dinala ako sa parking lot ni Achaicus. Tahimik lang ako at hindi nagbalak na gumawa ng gulo sa daan. Ayaw kong sumama pero wala akong magagawa dahil mahihigpit ang hawak niya sa akin at para bang ayaw niya na akong pakawalan.

"Ano ba, Achaicus? Alam mo, napakabuwisit mo! Hindi pa ba obvious sa 'yo?! Ayaw kong makasama ka!"

Umigting ang panga niya at lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin. Nanghina siya sa nasabi ko.

"You don't mean it!"

"I mean it!"

"No! Nadadala ka lang ng galit mo!"

"Hindi nga! Ayaw ko ngang makasama ka! Mas gusto ko pa si Sky!"

"Bullshit!" Buong sigaw niya. Mabibilis ang paghinga niya. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinipilit na kumalma. "Let's go somewhere."

"Ayaw ko."

"Please. . ." Nagsusumamong sabi niya.

Himinga ako nang malalim. Nagsisimula na akong kumalma. Magpapadala na naman ako sa pagiging paasa niya.

"Fine." Sagot ko ngunit nagdadalawang-isip pa rin.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon