▪ forty

7K 190 22
                                    




"Gago talaga 'yon! Hindi ko alam kung bakit ko naging pinsan," kanina pang rant ni Sky.

Pagkahatid pa lang niya sa akin sa condo ko, wala ng tigil ang bunganga niya kakaback-stab sa pinsan niya. Hindi ko alam kung bakit malaki ang galit niya. Hindi naman siya ang nagawan ng mali, pero kung maka-react, parang siya 'yong dehado.

"Dapat sinuntok mo rin," sabi ko habang dinadampi-dampi ang cold compress sa gilid ng kan'yang labi.

"Kunwari ka pa. Alam ko namang kahit gano'n, ayaw mo pa rin ng nasasaktan siya," pang-aasar niya sa akin.

"Aray naman!" Napadaing siya nang diinan ko ang cold compress. Serves you right, jerk.

"Ang sabihin mo, 'di ka lang marunong manuntok." Nagmamaldita kong sambit.

"Marunong nga akong humalik, manuntok pa kaya?" He wiggles his eyebrows, halatang nagmamayabang.

"Nasabi nga sa akin ni Sydney na hindi ka pa raw nakakahalik sa kan'ya." Ako naman ngayon ang nang-asar.

Mukha siyang nainsulto sa sinabi ko. I grinned because of his lame reaction. He looks so annoyed. Lihim akong natawa dahil mukhang sapul na sapul siya.

"Old fashion kasi 'yon! Sabi niya, sa kasal daw namin, doon kami puwedeng mag-kiss. Tingnan mo, nag-break agad kami." Iritado niyang paliwanag.

"Anyway, ano'ng problema mo kanina? Bakit ang dami mong nainom?" I changed the topic because he looks uncomfortable when we're talking about Sydney.

"Your ex-boyfriend annoys me! Pinuntahan ako sa site kanina at sinabing mang-aagaw raw ako!" Parang batang sumbong niya. "Huwag na huwag ka na ulit lalapit doon, Euty. Sinasabi ko sa 'yo." Banta niya.

I tilted my head and raised my one eyebrow. Mang-aagaw? At sino naman ang aagawin ni Sky? Ako? Bakit gano'n maka-react ang buwisit, e siya naman ang puno't dulo ng lahat? Ano, paglalaruan na naman niya ako? Bakit? Hindi tanggap ng ego niya na nasa mabuting kamay ako ni Sky na pinsan niya?

"Hinding-hindi na," alanganin kong sinabi, unsure of my answer.

Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n at ngumiti lang sa akin. Naisipan niyang umuwi pagkatapos ko siyang gamutin dahil mas'yado nang madilim sa labas at delikado sa daan. Hinatid ko siya hanggang sa pintuan dahil ayaw rin naman niyang ihatid ko siya sa baba.

"Mag-iingat ka." I said in a genuine way.

Kinabukasan, dumaan ako sa Starbucks to buy a coffee. I'm wearing a gray blazer, a white t-shirt, gray trousers, a leather bag in my right arms, and leather boots.

"One caramel iced coffee, please."

"Name, Ma'am?"

"Eutychus." Binuksan ko ang aking purse at inabot sa kan'ya ang starbucks card ko.

Bahagya akong umiling upang makalimutan ang ala-alang nagpapakita na naman sa aking isipan. Yes, my order is his favorite coffee here in Starbucks. Naging paborito ko 'yon no'ng nagsimula kaming mag-date dahil kung ano'ng gusto niya, gusto ko rin, hanggang sa hindi ko namalayan, nahihiligan ko na rin pala ang mga bagay na gusto niya.

Umupo ako dala-dala ang coffee na binili ko gamit ang aking kaliwang kamay. Nilabas ko ang aking Macbook at inilapag sa lamesa para makapag-prepare ng mga financial reports.

Nakatutok ang aking mata sa screen at mabibilis ang aking mga kamay sa pagtitipa nang biglang may umupo sa aking harap. Ilang segundo bago ako nag-angat ng tingin at bigla kong nasarado nang malakas ang aking macbook at napahawak nang mahigpit sa aking kape.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon