▪ ten

10.3K 299 40
                                    




Laglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy ni Gaius na 'pinapapunta' niya rito. Sa lahat ng tao na mayro'n ang school, bakit siya pa? Bakit si Achaicus pa?!

Isang linggo na simula noong hindi siya nagpakita sa akin, ah? Pagkatapos niya akong pakiligin sa coffee bean, bigla na lang siya mawawala na parang bula? Hindi nga niya mapanindigan 'yong landi niya sa akin. Tss.

Noong una, he got me mad sa starbucks, sunod naman ay pinakilig niya ako sa Coffee Bean. So, anong sunod na emosyon ang mararamdaman ko at saang coffee shop? Para naman mapaghandaan ko ang biglang pagwala niya.

"Kung gusto mong mag-ditch, Eutychus, ayan, o, si Achaicus na lang ang isama mo, dahil never akong magka-cutting! Hmp!" Nagpagpag si Gaius mula sa pagkakaupo at bigla na lang akong iniwan kasama si Achaicus.

"Humanda ka sa 'kin, Gaius!" Sigaw ko nang hindi pa siya nakakalayo. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napanganga ako nang iwan niya ako. Tinulungan ko na nga siyang magpalamig ng ulo, ta's ito ang ipapalit niya sa akin?

"My cousin is really a crazy human, isn't she?" Natatawa niyang usal habang papalapit nang papalapit sa akin.

Natutop ko ang aking bibig dahil sa narinig. Pinanliitan ko siya ng mata. "Ano? Pinsan mo si Gaius?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Namamangha ang reaksyon niya habang marahang nakatingin sa akin. Namumula ang magkabilaan niyang tainga sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Hindi mo alam? Halos lahat alam 'yon, ah."

Parang tumigil sa pag-function ang aking utak. Mariin akong napapikit. Sa tinagal-tagal ko nang andito, hindi ko alam na magkadugo pala ang dalawa? God, Euty!

"Why? I mean, paano?" Nahihirapan kong bigkas sa mga bawat salita.

Humalakhak siya dahil sa tanong ko. "Simple, my father and her mother are siblings. I thought, you're her friend? Don't you know her middle name? Fulgencio?"

Parang napantig ang tainga ko dahil sa narinig ko mula sa kan'ya. Bumilis ang aking paghinga at tinapunan siya ng masasamang tingin.

"Bakit? Porket ba kaibigan, dapat alam mo na lahat?" Nanggigigil kong wika.

Nakakainis talaga mag-isip 'tong si Gaius. Iiwan na nga lang ako, sa gago pa niyang pinsan pala niya. Akala ko mabait na 'to, e. Wala, nainsulto niya lang ako sa banda ro'n. Parang pinalabas niya na hindi ka matatawag na kaibigan kung hindi mo alam lahat 'yong tungkol sa kaibigan mo.

Ayaw ko pa naman nang pinagdududuhan 'yong pakikitungo ko sa isang tao. I mean, hindi naman sa pinagdududahan niya ako, pero parang gano'n na rin 'yon.

"No, baby. It's not like that." Mahinahon niyang sinabi sa akin. Inaabot niya ang braso ko ngunit mabilis ko itong naiiwas.

Parang na-highblood ako nang marinig ko ang tinawag niya sa akin. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong tinatawag ako ng gano'n lalo na at hindi ko naman siya boyfriend! Ramdam kong kahit anong oras ay masusuka ako!

"What? Baby? Baby?! What the hell are you saying? Do I look like a baby?" I shouted because of irritation.

Mas lalong namula ang magkabilaan niyang tainga. Napalunok siya at tiningnan ang kabilang gilid ko. Hindi na niya kayang makatingin ng diretso sa aking mga mata.

Ako naman ang napalunok nang kinagat niya ang kan'yang pang-ibabang labi. He's so... hot while doing it. Parang nalunok ko ang inis ko sa kan'ya.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon