▪ nineteen

7.3K 247 35
                                    




"Ano ba, Achai! Napakagago mo! Ayaw ko ngang sumama!" Sinipa-sipa ko ang dashboard. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-igting ng kan'yang panga.

"Bakit ba ayaw mo? Ano bang mayro'n?"

"Ayaw ko lang sa 'yo!" Mabibilis ang aking paghinga dahil sa umuusbong na emosyon.

"Euty, calm down. Sasamahan lang naman kita." Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

"Ayoko nga. Pababain mo na ako. Kaya kong umuwi nang mag-isa."

"No, Euty. Bakit ba ayaw mo akong kasama?" Lumabas na ang inis sa kan'yang boses.

"Ayaw ko sa 'yo!" Buong boses na sigaw ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang hinampas niya nang malakas ang manibela. Halos magkasalubong na ang kan'yang kilay. Umigting ang kan'yang panga nang tingnan niya ako.

"Um-oo ka kanina tapos ngayon ayaw mo nang sumama? Hibang ka na ba, Euty?!"

"Eh nagbago na isip ko eh! Pababain mo na ako, ayaw kitang makasama!"

"Fine." Mariin siyang napapikit at nag-concentrate ulit sa pagmamaneho. "Hayaan mo lang ako na ihatid ka ngayon."

Sumuko ako sa pangungulit. Lalaki 'to, matigas, hindi magpapapigil. Pride ang mananaig.

Umirap ako sa kawalan. Paasa na naman siya. Mas'yadong pa-fall. Tapos sasabihin na naman niya inutusan siya ni kuya na gawin 'to. Nagmumukha pa akong abala sa kan'ya.

Hindi ko siya pinansin nang makarating kami sa bahay. Mabilis akong lumabas sa kan'yang kotse at padabog na pumasok ng bahay. Nang silipin ko siya sa bintana ay mabilis din siyang nawala.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Gaius. Habang nagri-ring ay pumunta ako sa kuwarto ni kuya upang salubungin sana siya kaso wala akong naabutan na presensya niya.

Mabilis akong bumaba at tinanong si Drusilla na naabutan ko sala na kinakain ang binili ko sa kan'yang chocolate.

"Where's kuya?"

"I don't know. Lagi siyang umaalis kapag gabi, ate, and up until now, wala pa rin siya. Why?"

"Nothing."

Umakyat ako at narinig ko ang boses ni Gaius sa kabilang linya. I can hear that she's doing something. Humiga ako sa kama ko at pumikit.

I miss kuya.

"Do you know where kuya is? Lagi siyang pawala-wala sa bahay." I asked.

Matagal siyang natahimik. Maybe, busy with something.

"I heard may gig daw ang mga kaibigan niya sa Versus. Baka ando'n." Malumanay ang kan'yang boses.

"Oh, sige. Baba ko muna. May ginagawa ka pa yata."

"Sure."

I ended the call.

Lumipas ang ilang linggo at gano'n pa rin ang nangyari sa akin. Tinataboy at hindi ko pinapansin si Achaicus dahil ayaw ko ngang masaktan. Ginagawa niya akong tanga sa pinaggagawa at pinagsasabi niya sa akin.

Hindi niya rin naman pala ako gusto.

Naglalakad ako papuntang field. Tapos na ang klase ko and I am doing good in our school. Mas importante 'to. Ito dapat ang iniisip ko.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon