▪ thirty-four

6.3K 198 22
                                    




"So..." Gaius can't look straight into my eyes.

She showed up in front of my door while I was sleeping a while ago. Hindi niya ako tinigilan tapikin hanggang sa magising ako. She is there, standing, so desparate to talk with me.

Hindi ko pinahalatang nagulat ako. I thought she wants me to stay away from her? I looked around to avoid her gaze. She sat on my bed while tapping something on her phone. Nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kaniya ay bigla siyang umayos ng upo.

"I am here to say sorry," she looks guilty while saying it. "I did it because I am guilty about it. Gusto kong lumayo sa 'yo dahil alam kong may alam ako sa ginagawa ni Achaicus pero hindi kita binalaan."

"What is it?" Parang pumalakpak ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni Achai.

"Narinig ko kay Nexxus ang nangyari."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Lumikot ang mga daliri niyang nasa ibabaw ng kan'yang hita. Kilala ko siya. Mannerism niya 'to kapag kinakabahan siya.

"I am sorry because I asked you to stay away from me. Ayaw ko kasing madamay sa inyo kapag nalaman mo na ang totoo. I warned Nexxus about this. Gusto kong lumayo na lang para isipin mo na lumayo ako for unknown reasons, kasi kung hindi kita iiwasan, mas lalong lalaki galit mo dahil parang niloko din kita." She said. "At 'yon ang ayaw kong mangyari. I treasure you. You are my bestfriend. . ."

"Mas close ko si Nexxus kaysa kay Achaicus dahil mas friendly ang Kuya niya. Ilag sa tao 'yon. Alam ko ang deal nilang dalawa. . ." Her lips shiver while looking at me.

"Nexxus is in love with you since then. Ako 'yong nakasaksi kung gaano ka niya kagusto. Then, there, Achaicus showed up. Nexxus asked his brother for a favor. Umagree si Achai dahil kapalit no'n, walang makukuha si Nexxus kahit isa sa yaman ng pamilya nila. . ."

"Wala naman pake si Nexxus doon eh, kaya ayos lang 'yon. Kung nagtataka ka, bakit pa kita pinagkakanulo kay Achai e mas close kami ni Nexxus, dahil 'yon sa buwisit na ex niya. . ."


"Naisip ko na puwede niyang mabaling ang atensyon niya sa 'yo kaya gumagawa talaga ako ng paraan para magsama kayo, kaso mali ang nagawa ko, akala ko makakalimutan niya si Steph, ikaw pa tuloy ang dehado. . ."

"Edi ayon, iniwasan kita. . . dahil alam kong malaki ang kasalanan ko. Hindi ko sinabi sa 'yo sa lalong madaling panahon and I am really really sorry about it."

Umusbong ulit ang sakit na lagi kong nararamdaman. Sa ilang linggong lumipas, akala ko manhid na ako, akala ko naiyak ko na lahat, pero isang banggit lang ng pangalan niya, nanghihina ulit ako.

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya dahil alam kong anytime, tutulo ang luha ko. Ayaw kong makita niya na mas'yado akong apektado sa pinsan niya. Ayaw kong ipakita na mas'yado kong mahal si Achaicus.

"It's fine, Gaius. No need to worry." Nginitian ko siya para ma-assure na ayos lang.

"I am so sorry. Akala ko makakalimutan niya ang galit niya kay Nexxus. Akala ko rin titigilan niya na ang business nila. Akala ko, nakamove-on na siya kay Steph. Sorry talaga, Euty. Alam kong ikaw ang pinakaapektado rito." Mahabang lintanya niya.

Umiling lamang ako. Hindi pa pala nakaka-move-on sa ibabang babae, huh. Baka nga kaya niya ako niligawan dahil nga sa ganti at para maging rebound ako. Fuck. Putangina. Bakit ang sakit sakit naman?

"It's fine. Don't worry about it." Mapait ang aking tono. Kahit sabihin kong ayos lang, hindi pa rin pala talaga ako magaling magsinungaling.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon