▪ twenty

7.4K 246 3
                                    




"Pack your things, Eutychus. We're going somewhere." Wika ni kuya nang pumasok siya sa aking kuwarto.

Kaninang madaling-araw siya nakauwi. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong pa kung saan siya galing. Kahit si Mommy ay wala ring kibo sa kan'ya.

Are they hiding something or Is he seeing someone?

OMG! I have to tell this to Gaius!

"Where, kuya?" Tanong ko nang buksan ko ang closet ko.

It's weekend but I could still remember how Achaicus left me when he confessed. It's been two days na hindi siya nagpapakita sa akin and I am worried.

Did I say something wrong that time? Bakit kami bawal?

"Just pack some things. No more questions." Then kuya left my room.

Hinintay ako ni kuya at siya mismo ang nagdala ng gamit ko. Sinundan ko siya sa labas at nagtungo kami sa kan'yang kotse. Nilagay niya sa backseat ang aking gamit at nakita ko roon ang mga pagkain at iilan sa mga gamit niya.

"Kuya, did you know where Achaicus is? I am really worried because he's not contacting me for two days." I said when he started the engine.

"Do you miss him?"

I want to answer him 'Yes' but I don't know if kuya will agree about us. Ayaw ko pang malaman niya but knowing kuya, alam kong may alam siya.

"By the way, where are you for the past weeks?"

Matagal siya bago nakasagot. "Inasikaso ko 'yong inutos ni Mom." Maikling sagot niya.

Ramdam ko ang pagod sa kan'yang boses. Hindi ko alam kung ano'ng pinagkakaabalahan niya o kung pumapasok pa ba siya sa school dahil kahit sa school ay hindi ko rin siya nakikita.

Tinitigan ko siya nang mabuti. Parang wala namang nagbago sa kan'ya kaya nanahimik na lamang ako. I don't know what's going on but I hope he's okay. I hope na magka-girlfriend na siya.

Dahil sa sobrang tahimik ay nakatulog ako. Sinabi rin ni kuya na puwede akong matulog since malayo raw ang pupuntahan namin.

Ginising ako ni kuya nang makarating kami. I adjusted my sight at umupo ako nang maayos.

I wore my shades at lumabas na ako. Nagulat ako nang makita ko si Gaius at iilang mga kaibigan ni kuya. Nando'n din si Achaicus na tahimik lang.

Tinulungan nila si kuya sa mga gamit namin at dinala sa hotel. Hindi man lang sinabi ni kuya na sa beach kami pupunta. Edi dapat nakapag-prepare ako!

Tumabi sa akin si Achai habang naglalakad ako. He held my waist and kissed me on the head. Lihim akong napangiti dahil sa ginawa niya.

"I'm sorry. I was busy."

Nginitian ko siya. "It's okay."

Nilipad ang aking buhok nang humangin nang malakas. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig. Ang suot ko kasi ay tank top and maong short. Hindi ko naman kasi alam na we're going here. Duh.

Parang nabunutan ako ng tinik. Parang hindi na ako suffocated kasi finally, nalabas ko na rin ang nararamdaman ko and we have feelings for each other naman pala. That's why I'm really happy so as my heart.

Bukas pa raw kami magsi-swimming dahil hapon na nang makarating kami. Mas'yado nang malamig ngayon at malakas ang hampas ng alon kaya pinagpaliban na muna namin. Nasa kama lang ako at nagla-laptop.

"Lil sis, kanina ka pa nagla-laptop. Nag-aya sila sa labas. Wear your cardigan."

I nod and close my laptop. Hinanap ko ang puti kong cardigan at lumabas na. Mabilis ko rin silang nakita sa tabi ng dagat. May bonfire doon at mukhang nagkakasiyahan sila habang umiinom.

Umupo ako sa tabi ni kuya.
Pinaggigitnaan nila ako ni Achai. Inilapag ko ang aking cellphone at nilibot ang tingin.

"Ayan! Kumpleto na!" Sabi ng isa sa kaibigan ni kuya. Cedric ata ang name?

Someone gave me a drink. Tiningnan ko si kuya at hindi siya umiling. Means, puwede akong uminom. Of course! I'm on legal age na kaya!

"Let's play truth or dare!" Excited na sabi ni Samantha.

Lahat kami ay umagree. Pansin kong kanina pa tahimik si Gaius, Achai, at si kuya pero hindi ko pinansin. Gusto ko magsaya kaya hindi ko muna papakialamanan ang buhay ng iba.

"So the instruction is kung kanino matututok ang ulo ng bote, siya ang tatanungin ng truth or dare, kung kanino naman matututok ang puwetan ng bote ay siya ang magtatanong." Natawa ang lahat dahil sa ginamit niyang term na 'puwetan.'

Umikot ang bote at tumutok iyon kay Kitty. Si Cedric ang natapatan kaya siya ang nagtanong.

"Truth or dare?" Nang-aasar niyang tanong.

"Truth! Mahirap ka mag-dare eh!" Natatawa niyang sagot. Marahil ay natataman na ng alak.

"Mahal mo pa ba si Marc?"

Matagal niyang inisip ang sagot at ngumiti nang matamis. "Hindi na."

Nakita kong nakahinga nang maluwang si Cedric at umikot ulit ang bote. Laging natatapat 'yon sa mga  kaibigan ni kuya hanggang sa natapat iyon kay kuya Bethuel at si Gaius ang magtatanong.

"Dare." Sagot agad ni kuya.

Inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo. Masaya ang mga mata ni kuya habang nakatingin sa akin at napunta kay Gaius. Napatigil si Gaius doon.

Natawa ako sa aking isip. Syempre, kinikilig na 'yan.

"Don't give up." 'Yon lamang at mabilis na inikot ni Gaius ang bote.

Hindi ko naintindihan pero nginitihan ko pa rin sila.

Hindi na ako nagulat nang sa akin tumapat ang bote. Si Achai ang magtatanong sa akin. Nagningning ang aking mga mata at mabilis akong sumagot.

"Truth."

"Can I court you?"

Nagihiyawan silang lahat. Natahimik si Gaius at nakatingin lang kay Achaicus.

Tumingin ako kay kuya. Nginitian niya ako. Parang wala ng paki si kuya kung ano man ang sasabihin ko. Hinahayaan niya na ako magdesisyon.

"Yes."

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon