||• Chapter 1:Release of Power •||

8K 125 10
                                    

Trinity's POV

"Trinity! Wake up! Your gonna be late for school!! "

"Aish just 5 more minutes!"

"5 minutes? Oh come on Trinity it's already 7:30! Your class is gonna start in 30 minutes!"

"Babangon na po! "

Padabog akong bumangon sa pagkakahiga sa kama baka mamaya sugurin na ako ni tita dito, kaya pumasok na ako sa banyo para maligo... Hayst! I hate school days! Lalo na pag first day of school! Lagi nalang kasing may nangyayaring di maganda pag first day tsk! Tsk!

Matapos kong maligo ay sinuot ko na yung uniform ko tapos yung sapatos ko... Nung bumaba ako ay nakita kong naghahanda na si tita ng kakainin...

Si tita lang ang umampon at nagpalaki sakin mula nung sanggol palang ako... Pag tinatanong ko kung nasaan yung mga magulang ko lagi niyang iniiwasan yung tanong ko kaya nag-sawa na akong itanong kay tita yung tungkol sa mga magulang ko

"Kain na" nakangiting sabi sakin ni Tita

Tumango nalang ako kay tita tsaka umupo at nagsimulang kumain... Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay tita tapos nagsimula na akong maglakad papunta sa school... Walking distance lang naman yung school mula sa bahay kaya bakit pa ako gagamit ng sasakyan? Tss. Palibhasa yung mga rich kids na brat's gustong magpasikat!

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may nakatingin sakin. Wierd. Binalewala ko nalang yun tapos nagtuloy nalang sa paglalakad. Baka guni-guni ko lang yun, lakas naman ng pakiramdam ko kung ganon.

Pagkarating ko sa school agad akong lumapit sa School Board at tinignan kung anong section ko nakita ko naman yung pangalan ko at sa Cream Section ako, yung pinakamataas na sectio, pinaka-respetadong section na akala mo sila yung modelo ng lahat ng estudyante pero yung ugali nila sa totoo lang ay nakakasuka tss.

Pumunta na ako sa room ko, pagkadating ko dun ay agad na akong pumunta sa upuan ko ng hindi pinapansin ang nga tingin nila... Tss wala ng pinagbago masama parin tingin nila sakin... Ako kasi yung estudyante na hate ng lahat, bakit? Sabihin na nating dahil sa ugali ko... Ewan ko ba kung bakit ba nila ako pinapakialaman eh buhay ko naman 'to, kung may problema sila sa ugali ko di ko na yun problema, eto ako eh tsk!

Nung dumating yung teacher namin ay tumahimik na yung mga kaklase ko na kanina lang eh ang i-ingay tss.

"Good Morning Class" bati ng teacher

"Good morning ma'am " sabay-sabay na bati namin

Pinaupo naman na kami ng teacher kaya na-upo na ako...

"Okay since it's the first day of school why don't we know each other? " nakangiting suhestiyon niya

Tss and all I thought waking up early in the morning to go to school is the worst thing to do, Psh! I don't even care if they don't know me 'coz it's better that way, I hate so much attention, and for sure no one would be interested to know me, tsk the hell I care!

"Ok let's start with you" turo niya sa kaklase kong nasa unahan

Nagpakilala sila ng nagpakilala at ako naman walang pakealam tss. Nung natapos ng magpakilala yung mga kaklase ko ay ako na..

"Trinity Blythe Avery, 17" pakilala ko pagkatapos ay umupo agad ako

Yup! My name is Trinity Blythe Avery, alam niyo naman na siguro ugali ko kaya di na ako mag-aabala pang sabihin isa-isa yun tss. Kung itsura naman ang pag-uusapan, eh may ibubuga naman ako tsk... Oo maganda ako pero hindi sa pagmamayabang talagang honest lang ako...

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon