||• Chapter 33: The Talk •||

1.5K 59 5
                                    

Trinity Blythe's POV

His name really suits him... His appearance right now just tells it all.

Like a Phoenix he is now glowing with fire around him while he is retrieving his myst from the Earth Dragon.

Unti-unti ay nawala na ang myst na umaaligid kanina sakanya, ngayon ay dahan-dahan na siyang bumababa mula sa pagkakalutang hanggang sa makababa na siya.

Nang maayos na siyang nakatayo ay tumingin siya sa direksyon namin- or more like, saakin at ginawa ang isang bagay na nagpainis saakin... Kumindat siya

At syempre dahil sikat siya, tumili ang mga babaeng nasa harapan ko na akala mo hihimatayin na sa kilig tss. Hindi ba nila alam na nakakarindi pakinggan mga boses nila?

(Author: Selos ka lang ●_●)

Tsk hindi... Bat naman sana ako magseselos?

"Thank you Prince Phoenix for helping me demonstrate" nakangiting saad ni Prof Lenora

"Okay, that's all for today class. I hope you enjoyed it, please be prepared tommorow for a quiz." ani Prof Lenora kaya nagsitayuan na kaming lahat para umalis at pumunta ng cafeteria para kumain ng pananghalian.

~♥~

Kasalukuyan na kaming kumakain, at syempre kasama naming tatlo ang Royals. Kaya yung mga tao na kumakain rin dito sa cafeteria ay masasama ang tingin saamin, may mga naririnig rin akong nagbubulungan at pinag-uusapan kami,  kesyo raw malandi ako, nakiki-close, feeling close at iba pa, pero di ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain.

As usual maingay sina Trish at Snow tapos yung tatlong Royals na sina Aeron, Aesha at Willow, pinag-uusapan yung ginawa ni Phoenix kanina sa pag-de-demonstrate, at kung paano daw ka-cool yung pagliwanag ng katawan niya.

Kami namang dalawa ni Phoenix ay tahimik lang na kumakain, minding our own business.

"Uy Trinity..." tawag saakin ni Trish

Tumingin naman ako kay Trish at sumagot ng "Hmm..." dahil may laman pa ang bunganga ko

"Bakit sobrang tahimik mo yata?" nagtatakang sabi niya

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot "Wala lang" ani ko saka nagpatuloy sa pag-kain

"Meron yan eh... Sabihin mo na..." pag-uudyok saakin ni Snow

"Wala nga... Gusto ko lang na tahimik akong kumakain" sagot ko

"Hmmm... Ok" ani Trish saka nakipag-usap nanaman kay Snow

Ako naman ay tinapos na ang pagkain ko saka tumayo at nagpaalam sakanilang anim.

"Mauna na ako sainyo, maglilibot lang ako... Kita-kita nalang tayo sa klase Snow, Trish" ani ko at tumango naman sila, kaya tumalikod na ako at naglakad na paalis

Patuloy lang akong naglalakad-lakad, tumitingin rin ako sa paligid ko para pagmasdan yung magandang paligid.

Nandito ako ngayon sa hallway, at syempre maraming estudyante dahil lunch naman, at dahil nga tinagurian akong "bitch" daw sa school na ito ay masasama ang tingin nila saakin. Tss

Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng isang napakalaking puno. Mataba ang kahoy nito at maraming sanga pati narin mga dahon.

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon