||•Chapter 14:Meet the Royal's•||

3.3K 78 2
                                    

=×=×=×=×=×=×=×=×=
I Dedicate this Chapter to amythysnichole
Sobrang na-a-appriciate ko po talaga pagiging patient mo... Thank You po!!!!
=×=×=×=×=×=×=×=×=

Trinity Blythe's POV

Waaaaaah!!! Di na ako nakatulog!!! Huhuhu... Kasalanan kasi toh ng pusang yun eh!!! Di ako maka-move on sa nangyari kagabi!!!

Ang weird lang kasi para sakin yung pag-dila nung pusa sa labi ko... Bigla akong napahawak sa labi ko habang natutulala...

Napaigtad ako nung tumunog yung alarm clock ko na nasa tabi lang ng Queen Size bed ko...

Hayst! Ano ba yan!!! 6:00 na at hindi pa ako nakakatulog simula kaninang madaling araw!!!

Padabog akong bumangon at tinatamad na pumasok sa C.R upang maligo... Makalipas ang ilang minuto ay agad akong nagbihis ng uniform ko at lumabas ng kwarto ... Pagkalabas ko bg kwarto ay sinalubong ako ng nakakapangakit na amoy... Sinundan ko kung saan ito nanggaling at natagpuan ko nalamang ang aking sarili sa aming kusina kung saan nandoon na sina Snow at Trish... Si Snow ang nagluluto ng aming kakainin samantalang si Trish naman ay mahahalata kong bagot na sa kahihintay...

"Good Morning!!!" Masigla kong bati sakanila kahit na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi tsk

d-,-b

"Morning!" Sabay nilang bati

Umupo na ako sa harap ng lamesa at naghintay na rin ng pagkain. 7:25 na nung matapos kaming kumain, eh pano ba naman may kasaling chikahan yun syempre... agad kaming lumabas ng dorm namin at tinahak na ang daan patungo sa aming classroom.

Pagkarating namin sa classroom ay agad kaming umupo at nag-usap-usap tungkol sa itsura ko... Hayst wala na bang katapusan tong pag-uusap namin tungkol sa itsura ko?

Napansin kong wala pang masyadong tao, sabagay 7:40 palang naman... 8:00 pa naman simula ng klase namin siguro mga 7:50 magsisipasok yung iba kong mga kaklase.

Maya-maya pa ay nagsimula nang pumasok ang mga kaklase ko at huling pumasok si Prof Jesse buti nalang isang syllable lang pangalan niya para madaling mamemorize..

Umupo na ang mga kaklase ko pero parang may kulang.... May apat kasi na upuan sa likod na bakante ang alam ko yung isa eh kay Phoenix pero yung tatlo hindi ko alam kung sino nakaupo dun kasi wala naman akong nakitang nakaupo dun kahapon.

Nang makatayo na si Prof Jesse sa harap ay ilinagay niya sa mesa ang kanyang mga gamit at inilibot niya ang kanyang paningin na wari mo'y may hinahanap hanggang tumigil ang kanyang mga asul na mata saakin...

dO_Ob

Uhmmmmmmm.....

Maya-maya ay napangiti siya habang nakatingin sakin kaya naman napatingin na ang lahat saakin kasabay nun ang paglaki ng kanilang mga mata... Napayuko nalang ako at itinutok ang aking paningin sa mini table sa harapan ko...

Ine-expect ko naman na magugulat sila kasi parang kakaiba ako, yung tipong di ako kabilang sakanila... Nakakahiya tuloy...

"I see that your form looks different now" narinig kong sabi ni Prof Jesse dahilan para itaas ko ang aking paningin at salubungin ang mga tingin nila.

"Uhmm sir may I ask?" sabi ng isa kong kaklase habang nakataas ang kamay... Ano kayang tatanungin niya?

"Yes you may" sagot naman sakanya ni Prof Jesse... Aish isa rin tong si Prof eh pinayagan pang magtanong yung isa kong kaklase...

dT•Tb

"Bakit po ganyan ang itsura niya? Parang iba saamin" takang tanong ng kaklase kong nagtaas ng kamay kanina.

"Its for you magic users to fing out and for me to know" nakangiti paring sabi ni Prof Jesse

Sa sagot niyang iyon ay nadismaya ata sila sa sagot niya dahil siguro gusto nilang malaman kung anong dahilan ng ganito kong itsura.... Edi sisihin niyo yung Enchantlet duh!

Nung muli kong inilibot ang paningin ko ay nagulat ako dahil ang sasama ng mga tingin nila

dO_Ob

Uhmmmmm.... Ano bang ginawa ko at ganyan sila makatingin sakin?

"Miss Avery is right it was the Enchantlet that made her look like that" biglang sabi ni Prof Jesse

Wait..... Loading..... Ay ang tanga mo talaga TRINITY BLYTHE AVERY!!!!  nasa MAGIC WORLD ka nga diba? Kaya pwede nilang mabasa isip mo.... Dapat kasi di ka nalang nag-isip! Hayst di naman yun pwede kasi pag di ako nag-isip magmumukha akong tanga....

Matapos ang pag-i-interview nila saakin ay nag-discuss na si Sir Jesse at nakinig naman akong mabuti kasi kailangan ko ito para makapag-adjust sa Mundong ito....

*LUNCH TIME*

Matapos naming kumain ng pananghalian nina Snow at Trish ay eto akong naglalakad sa mahabang hallway papunta sa Office ni HM... Habang kumakain kami kanina ay napag-usapan namin ang tungkol sa biglaang pag-papatawag sakin ni HM...

Andito na ako sa harap ng office ni HM kaya lang di ko magawang pumasok kasi kinakabahan ako na ewan.... Hayst here goes nothing...

Hinawakan ko na ang door knob at handa ng pumasok.... Kaya ko to!!! 


Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon