||•Chapter 10: The Cat•||

3.6K 87 11
                                    

Phoenix's POV

"In that case I need you and the other royals for a mission..." Utos ni HM

Tumango lang ako bilang sagot.

"I'll go ahead" paalam ko at tumango lang naman si Head Mistress bilang sagot

Tumayo na ako at naglakad palabas ng office ni Head Mistress. Kailangan kong puntahan ang ibang royals para tawagin sila tsk.

Bat ba kasi hindi pumasok yung mga yun? Tsk. Ako pa tuloy mag-a-adjust para matawag sila sa Mission namin.

Trinity Blythe's POV

Kasalukuyan kong nililibot ang ground ng school kasi nga wala akong magawa.

Nagiging uncomfortable lang kasi ako sa mga tingin ng nga ibang students dito. Yung parang nagtataka sila sa itsura ko.

Hayst! Bat naman kasi ganto itsura ko? Ang weird lang... Kasi iba talaga yung dating nung akin kumpara sa iba na parang common lang.

(Author: Wow yabang)

Woi! Di ako mayabang! Im just stating the truth!

(Author: Wew umi-english na ang lola niyo!)

Hoy anong lola?! For your information im only 17 years old so dont you dare call me lola!

(Author: okay! Okay! Geez your crazy!)

Tsk! Papansin na Author!

At dahil pagod na ako sa paglalakad ay napagdesisyonan kong magpahinga muna at umupo sa ilalim ng isang puno.

Nung makaupo ako ay ipinikit ko muna ang mga mata ko para namnamin ang simoy ng hangin na matagal ko ng hindi nabibigyan ng pansin simula nung mapunta ako diyo sa eskwelahang ito.

Hayst! Kamusta na kaya si Tita? Matagal ko na rin siyang hindi nakikita... Miss ko na siya...

(Author: Define "matagal"... Eh isang araw mo palang naman siyang hindi nakikita ah)

What the?! Nag-mo-moment po ako dito ok?! At tsaka ano ba pake mo kung isang araw ko palang siyang hindi nakikita eh miss ko na siya?! Alam mo bang dun ko naipapakita na talagang mahal ko yung tita ko?! At tsaka bat ka ba-

(Author: Oo na! Oo na! Kanina ka pa dada ng dada diyan back to the story na nga!)

Tsk papansin as always!

Naantala ang pagnamnam ko ng sariwang hangin dahil may narinig ako na ungol...

Oy wag kayong ano jan! Ungol ng pusa yun! Hindi kung ano-ano!

(Author: Eh bat ba ang defensive mo? Ano ba sa tingin mo iniisip nila? Baka naman ikaw)

Hoy! Kanina ka pa talaga sabat ng sabat eh! Sa next chapter ka na nga lang ulit sumabat! Papansin!

Idinilat ko ang mata ko at nakakita ako ng isang pusa sa harap ko na nakatingin sakin.

Tumaas naman ang isa kong kilay at tinignan rin ang pusa sa harap ko. Kulay black ito na may mga pulang mata.

Grabe ngayon lang ako nakakita ng pusang may pulang mata. Baka dahil magical cat ito? Pwede rin diba?

Tumingin-tingin ako sa paligid kung meron itong amo. Baka hinahanap na siya.

Pero wala naman akong makitang tao dito na naghahanap ng alaga or what so ever.

Tumingin ulit ako sa pusa at nakatingin parin ito saakin. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko dito at nakapagtatakang hindi ito gumalaw o kahit na ano, nanatili lang itong nakatingin sakin

Dahan-dahan kong hinimas ang ulo nito hanggang sa kunin ko na ito at ipatong sa hita ko habang hinihimas-himas parin ang ulo niya at maya-maya lang ay pati na ang katawan nito.

Napangiti nalang ako nung mapansin kong humiga na ito sa hita ko na wari moy gustong matulog. Hinayaan ko lang ito at patuloy parin itong hinihimas.

Maya-maya ay tumayo ito at tumingin uli saakin. Napagdesisyonan ko na ring tumayo para pumunta na sa dorm ko, baka hinahanap na rin kasi ako nina Snow at Trish.

Tinignan ko ulit ang pusa at lumuhod para himasin ang ulo nito sa huling pagkakataon.

"Alis na ako ah. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kasama ko eh" nakangiti kong sabi sa pusa na parang naiintindihan ako nito

Nagulat naman ako nung kumaripas ito ng takbo at iniwan ako dun na nakatingin lang sakanya hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.

Aba't tignan mo nga naman ako pa talaga iniwan? Eh ako nga tong nagpaalam eh. Hayst! Iba na talaga sa panahong ito, pati mga hayop nang-iiwan na

dT^Tb

Tumayo nalang ulit ako at nagsimula ng maglakad papunta sa dorm ko. Nung makarating ako dun ay kumatok muna ako sa pintuan at di rin nagtagal nung mabuksan ito at salubingin ako ng isang ngiti galing kay Snow.

Pinapasok niya naman ako at dumeretso naman ako sa sofa at umupo.

"Oh san ka nanggaling?" Tanong ni Trish

"Jan lang sa ground" sagot ko at tumango naman siya

"Grabe Blythe di parin ako maka-get over sa itsura mo" biglang sabi ni Snow

"Oo nga, unexpected kasi eh" usal naman ni Trish na sinang-ayunan ni Snow

"Ako nga rin eh di ko inakalang ganto kakalabasan pag sinuot ko yung enchantlet ko" usal ko habang nakatingin sa mesa sa harap ko

"Speaking of, bat ganyan enchantlet mo?" Takang tanong ni Snow

"Oo nga, kakaiba kasi eh" ani Trish na nagtataka rin

"Ewan ko ba. Hinayaan ko nalang, di ko rin naman makukuha yung sagot eh" sagot ko naman

"Nga pala Blythe punta ka daw sa Office ni HM bukas ng lunch" biglang ani ni Snow

"Bakit daw?" Takang tanong ko

"Ewan ko rin mukhang mahalaga eh" si Snow

"Sige pupunta ako" ani ko nalang

"Punta na ako sa kwarto ko pagod na ako eh" usal ko bago tumayo at pumunta sa kwarto ko

Pagkarating ko ay agad kong isinara ang pintuan ko at dumeretso sa Queen size bed ko. Ano naman kaya kailangn ni HM? Bahala na bukas...

=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

A/N: So ayun na nga! Meron na pong Chapter 10 ang Mystic Academy! Sana tuloy tuloy na pumasok yung nga idea ko para naman makagawa ako ng marami pang chapters! Sorry ko kung may mga Error...

Hope you guys liked it! LOVE YOU ALL😘💕

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon