||•Chapter 18: Wind vs Fire(Part 1)•||

2.8K 68 1
                                    

Trinity Blythe's POV

Naglalakad na kaming lima papunta sa locker room... Nung makarating kami roon ay nakita ko sila Snow at Trish na nag-uusap...

"Waah! Hindi parin talaga ako maka-move on dun sa kanina!" -Trish

"Oo nga... My ghad kasama ni Blythe ang mga Royal's!"-Snow

"Nainggit tuloy ako haha" -Trish

"Sana all parang si Blythe na nakakasama ang mga Royal's" -Snow

Hindi naman sila dinig na dinig diba? (Note the sarcasm please)...

"Ehem!" pekeng tikhim ko para makuha ang atensyon nila... Narinig ko naman sa likod ko na nagbu-bungisngisan ang mga tao sa likod ko pero if I know si Phoenix lang ang walang imik nanaman or more precisely walang reaction...

Humarap sa direksyon namin sila Snow at Trish at...

Syempre nagulat.... Sino ba namang hindi magugulat kung yung pinag-uusapan niyong tao or should I say Elementalist ay nasa likod niyo at dinig na dinig ang usapan niyo tungkol sakanya or sainyo...tsk

"U-uhmm... H-hi... K-kanina pa ba k-kayo j-jan?" halata mong kabadong tanong ni Trish habang nakatungo silang dalawa...

Pfft... Pinipigilan konlang ang tawa ko dahil sa mga reaction ni Snow at Trish... Its all priceless haha

Wala ni isa saamin na nagsalita... Pfft... Di parin nila inaangat yung mga ulo nila hahaha...

"M-may narinig ba kayo?" kabadong tanong ni Snow

"Hmmm.... Wala naman masyadong importante bukod sa sinabi niyong di kayo maka-move on sa ganap kanina kasi kasama ko ang mga Royal's at na sana lahat parang ako na nakakasama sila... Pfft" wahaha malapit na akong matawa nun

"My ghad nakakahiya! Huhuhu!" bulong ni Snow sa sarili niya pero di naman talaga yung bulong dahil dinig na dinig ko yun at malamang ay narinig rin ng mga Royal's yun...

"Hahaha ok lang yan Snow Smith at Trish Clarkson... Actually nandito kami para sana yayain kayo na makinood sa paglalaban nila Phoenix at Aeron" Sabat ni Aesha

"Hahaha oo nga para mas maraming manonood" Dagdag naman ni Willow

"S-seryoso po ba kayo?" Nauutal na tanong ni Snow

"Oo, ako nagsabi kaya magsi-ayos na kayo diyan ng tayo at sumama na saamin tsk" Sagot ko para matapos na 'toh

"Blythe una na muna kami dun sa battle field... Sunod nalang kayo pag okay na silang dalawa hahaha" natatawang sabi ni Aesha sabay talikod at naglakad na sila paalis saamin

Nang wala na kaming marinig na mga tunog ng mga sapatos nila ay saka lang inangat ng dalawa ang mga ulo nila

"Huhuhu... Blythe! Nakakahiya! Narinig nila kami!" nakapikit na sabi ni Snow... Tss ba't ba sila masyadong nahihiya sa mga yun? Dahil ba sa posisyon nila?

"Waah!! Oo nga! Tapos nakisali ka pa sakanila! Lalo tuloy kaming nahiya!" Segundo naman ni Trish

"Magsitigil nga kayo! Nakakairitang pakinggan yang mga reklamo niyo!" inis na sabi ko... Dahil nakakainis naman talaga kasing pakinggan paulit-ulit lang eh

"Hayst oo na... Pero Blythe ba't ka nga pala ganun?" Tanong ni Snow

"Anong ganun?" tanong ko pabalik dahil di ko naman talaga alam kung ano yung tinutukoy niya, di nalang kasi maging specific aish!

"Ang ibig niyang sabihin, bakit ganun yung ugali mo pag kasama mo sila or kung hindi lang tayo-tayo yung magkakasama?" paliwanag naman ni Trish

"Ahh... You mean yung pagiging cold ko sa iba?" paninigurado ko para naman alam ko kung anong isasagot ko diba?... Hindi yung tumatalon ka nalang sa mga conclutions tapos malalaman mo nalang na mali ka pala tapos ano? Ikaw ang masasaktan sa huli... Tsk!

[Author: Hep hep! Ano yan Blythe? Ba't ka humuhugot? Bitter ka? Wala ka pa namang nagiging boyfriend pero bitter lang ang peg? Tsaka iba naman yung tinutukoy nila Snow noh! Wala koneksyon yung hugot mo sa sinasabi nila!]

Ay himala bumalik ka ulit matapos ang ilang chapters! Woii wag mo nga kong pakialaman kung maghuhugot ako? Bilisan mo nalang mag-type para makapag-ud ka naman... Tagal mong di nag-ud

[Author: Psh oo na]

"Oo yung pagiging cold mo yung tinutukoy namin... Ba't ka ganun sa iba?" pagkumpirma ni Snow

"Ahh ok... Ganto kasi yan... Kailangan kong maging cold dahil ayokong makita nila yung totoong ako... Kakakilala pa nga lang namin diba? Di pa ako handa na ipakita sakinila yung side ko na yun... Tsaka yun rin yung kahinaan ko. Kaya ayun" paliwanag ko

"Eh? Kung ganon, bakit samin pinakita mo, eh kakakilala lang rin naman natin diba?" tanong ni Trish... Hayst! Ba't ba ang dami nilang tanong?

"Eh diba kayo rin naman dahilan" Walang gana kong sabi

"Panong kami ang dahilan?" sabay nilang sabi habang nagtatakang nakatingin sakin

"Psh! Diba kapalit ng pagpapaliwanag niyo sakin ng magic world ay yung ipapakita ko sainyo kung ano talaga ang personality ko?" Sabi ko sabay irap... Hayst ka stress ng mga toh

"Ahhh ok" sabay ulit nilang sabi habang tumatango-tango pa

"Punta na tayo sa battle field tayo nalang hinihintay dun eh" irita kong sabi sabay talikod at nagsimulang maglakad

"U-uy teka! Hintayin mo naman kami!" Sigaw ni Snow habang nagmamadali nilang nilalagay ang mga gamit nila sa locker... Pano ko nalaman? Syempre naririnig ko yung pagbukas at pagsara ng locker tapos yung mga gamit nila na tumutunog

"Bilisan niyo na jan!" sigaw ko dahil medyo malayo na ako sakanila

........................

Nakarating na kaming tatlo sa battle field at nakita ko sila Phoenix at Aeron na nakapwesto na, parehas silang kalma malamang iniisip nila na mananalo sila laban sa isa't-isa

Lunapit kaming tatlo kina Aesha at Willow na nakaupo na isang bench at mula rito ay maganda at kitang-kita mo ang mangyayari sa laban mamaya

"Eyy! Buti pumunta pa kayo kala ko maglalagi na kayo sa locker room eh" natatawang bati samin ni Willow

"Nah" sagot ko saka umupo sa tabi niya at naupo naman sa side ko silan Snow at Trish... Malawak ang bench na toh kaya kasya kaming lima

"OK! KOMPLETO NA TAYO! MAGSIMULA NA ANG LABAN! WIND VS FIRE!!!" Masiglang sigaw ni Aesha para marinig nila Phoenix at Aeron

Kita ko mula rito na naging tense si Aeron pero si Phoenix ay kalmado lang... Walang sino pa man ang gumagawa ng galaw animo'y nagpapakiramdaman silang dalawa

"Hindi ba't may disadvantage ang wind sa fire... Kasi diba ang wind napapalakas niya ang fire?" tanong ko kila Aesha at Willow ng hindi tumitingin sakanila

"Well yeah, may disadvantage nga pero di pa naman natin alam kubg sino ang mananalo malay mo" sagot ni Willow

Oh well.... I guess we'll just wait and see...

◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌

A/N: Happy November! Hope you enjoy reading this....

Vote

Follow
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Please😂

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon