||• Chapter 45 : Survival 3 •||

707 25 3
                                    

Xander's POV

Everyone is with their own partners discussing on what spot of the island they would claim.

*sigh*

"Ano namang binubuntong hininga mo jan?" masungit na tanong ng partner ko na si Willow.

"Wala pa akong ginagawang mali, masungit ka na?!" reklamo ko

"Eh ano bang pakialam mo?!" sabi niya

"Ang akin lang naman, pwede bang bumait ka naman konti para maka-survive tayo sa activity na 'to?" sabi ko habang nakatingin sakanya.

"Pano ako babait eh makita ko lang mukha mo nasisira na agad araw ko!" inis niyang sabi saakin.

Humawak naman ako sa dibdib ko at umaktong nasasaktan sa sinabi niya, "Ouch..."

"Kung ako ikaw, tumigil kana sa mga kaartehan mo at tulungan mo ako sa paghanap ng camping spot." utos niya

"Ikaw na bahala jan." sabi ko sakanya

"At bakit naman? Umiral nanaman ba katamadan mo?" masungit niyang tanong

"Eh diba sabi mo kanina 'More importantly, don't you dare say that this land, which is my land, dangerous and scary looking." sabi ko habang ginagaya ang boses niya at ang paraan ng pagkasabi niya sa mga salitang yun.

"Wag mo nga akong gayahin! Tsaka, ano naman ngayon kung yun nga ang sinabi ko eh totoo naman." sabi niya

"Edi ibig sabihin alam mo kung nasaan yung mga lugar na maganda para sa survival activity natin." sabi ko sakanya

"Para sa iyong kaalaman, hindi porket dito sa kaharian na ito ako nakatira, eh napuntahan ko na lahat ng mga lugar dito. Masyado kasi akong naging busy, yun lang. Wag ka na ngang magtanong ng kung ano ano jan, tulungan mo nalang ako dito para naman magkaroon ka ng silbi." sabi niya habang nakatingin ng masama saakin.

"Psh. Oo na..."

"Kung pwede lang sanang makipagpalit ng partner edi si Blythe nalang sana kasama ko ngayon..." bulong ko sa sarili.

"Aray!" bigla kong sigaw dahil pinalo ako ng malakas ni Willow sa braso, "Ano ba?!" sigaw ko sakanya

"Hoy,  kung meron man saating gustong maging kapartner si Blythe, eh ako yun! Mas gusto ko pa siyang kapartner kaysa sayo na childish!" sigaw niya pabalik saakin

"Saakin lang si Blythe!" sigaw ko sakanya habang tumatayo

"Hindi! Saakin siya!" sigaw niya pabalik saakin habang tumatayo rin.

"Ako ang number 1 best friend niya!" sigaw ko

"Panong ikaw, eh mas nauna niya akong naging kaibigan!" sigaw niya pabalik

"Sungit!!!" sigaw ko

"Ambisyoso!!!" sigaw ni Willow

"YOU TWO! STOP ARGUING AND START PLANNING! OR DO YOU TWO WANT ME TO SEND YOU BACK TO THE ACADEMY?!" malakas na sigaw ni Head Mistress na nagpatigil saaming dalawa ni Willow at sa iba pang elementalists na nakapaligid saamin.

Aesha's POV

Napatigil kaming lahat sa pag-uusap dahil sa biglang pagsigaw ni Head Mistress.

Hahaha, buti nga sakanila.

Pag-agawan ba naman si Blythe, eh halata namang akin siya. Tsaka ako yung nag-aya sakanya na maging magkaibigan kaming laha-

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon