||• Chapter 35: Preparation •||

1.3K 48 2
                                    

Someone's POV

"How's your spying doing?" walang emosyon kong tanong

"We have trouble on reading her mind..." pahina ng pahina ang mga sinasabi niya

"And why is that?" sagot ko na may halong inis

"H-Her mind has a b-barrier now..." sagot naman ng isa niyang kasama

"YOU TWO ARE USELESS!!!" nanggagalaiti kong sigaw. Kitang kita ko naman ang panginginig ng katawan nila. Tss

"W-We promise to d-do our jobs p-properly..." nauutal at naginginig na sabi ng espiya ko

"You better be! Once you fail I will not think twice to end your useless lives!" sigaw ko. Tumayo na sila at yumuko saakin, akma silang tatalikod nung magsalita ako ulit "Make sure to make her suffer or else..." dagdag ko

"Y-Yes Master!" sabay nilang sigaw at tumalikod na sabay lakad na paalis.

~♥~

Trinity Blythe's POV

Kasalukuyan akong nandito sa classroom. Pagkapasok ko kanina ay tinanong nila Snow at Trish kung saan ako nanggaling sinabi ko naman na galing ako sa office ni Head Mistress.

Nung dumating na si Prof Jesse ay nagsitayuan na kaming lahat para maghanda na sa pagtakbo nanaman namin.  Simula nung araw na nahimatay ako ay binawasan ni Prof Jesse ang layo ng tatakbuhin namin kaya nakakayanan naman naming lahat.

"May I ask all of you to sit down?" ani Prof Jesse na nakapagpalito saamin

"Aren't we gonna run?" tanong ni Stacey, yung babaeng nagsabi na mahina lang daw ang magiging myst ko. Hanggang ngayon bina-bash parin ako ng babaeng 'to.

Ngumiti muna si Prof Jesse bago sumagot "You aren't"

"But why?" tanong ng isa ko pang kaklase

"Let's just say that I'm allowing all of you to rest and prepare for the upcoming activity" sabi ni Prof Jesse at nagsimula ng magdiscuss

DISCUSS DITO

DISCUSS DOON

DISCUSS DIYAN

TAAS KAMAY DOON

TAAS KAMAY DIYAN

TAAS KAMAY DITO

SAGOT DIYAN

SAGOT DOON

SAGOT DITO

*ringgggg~*  *ringggg~•

Hayy! Sa wakas tumunog din ang bell! Antagal din nun ah...

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako humarap kina Snow at Trish, nagtaka naman ako na nakakunot ang noo nila saakin. Tumingin ako sa mga nakaupo sa likuran walang iba kundi ang mga Royals, nadagdagan pa ang pagtataka ko dahil naka-kunot din ang noo nila saakin, oo lahat sila pati si Phoenix. Ano bang problema ng mga 'to? Pinag-tritripan ba nila ako? O may dumi ang mukha ko?

"Bakit ganyan kayo makatingin saakin? May problema ba? O may dumi ba ako sa mukha?" usal ko pero di sila sumagot

"Aish! Ewan ko sainyo!" sigaw ko at padabog na umalis. Tinatanong ko sila ng maayos tapos gaganyan-ganyan lang sila? Ano ba kasi talaga ang problema?

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon