||• Chapter 38: First •||

1K 37 8
                                    

Trinity Blythe's POV

Pagkatapos naming ayusin ang mga extrang gamit na binili namin ni Phoenix ay mas dumami ang mga binibitbit namin. Habang binibili kasi namin yung mga nasa lists namin ay bumili kami ng malaking paglagyan ng mga yon. Buti nalang lalake ang kasama ko para mas madaling magbuhat. 5 minutes nalang at aalis na kami papunta sa Ethania, tumingin ako sa paligid at nakitang hindi lang pala kami ang marami ang dala, pati sila Aesha, Aeron, Snow, Trish, Willow, Xander at ang iba pa sa mga kapwa naming mga estudyante. Pero ang napansin ko ay hindi sila nabibigatan sa mga dinadala nila, at halatang hindi mabigat ang mga dala nila, ano kaya ang mga laman nun? Pati nga yung kina Aesha ganun din eh.

"Ahh Phoenix puntahan ko lang sila Aesha, may tatanungin lang ako. " paalam ko kay Phoenix na tumango lang bilang sagot.

Pagkalapit ko kina Aeaha at Aeeon ay agad kong itinanong ang kanina ko pa gustong malaman "Anong gamit ang kinuha niyo para sa activity?" tanong ko

"Kumuha kami ng mga kakailanganin namin..." sabi ni Aesha "Kaya kumuha kami ng..." pagtuloy ni Aeron sa sinasabi ni Aesha habang binubuksan ang malaking bag kung saan nila inilagay ang mga kinuha nila.... At doon ko nakita ang napakaraming...

"Snacks!!!" sabay nilang sabi habang sobra ang ngiti saakin

"Snacks?! Wala na kayong kinuhang iba?" tanong ko

"Meron syempre, kumuha rin kami ng tubig" nagmamalaking sabi ni Aesha

"Kumuha kami ng tubig dahil pagkatapos naming kainin ang mga snacks namin ay iinom kami syempre ng tubig" dagdag pa ni Aeron na may pagmamalaki rin

"Hindi kayo kumuha ng pang survival manlang  in case survival nga ang activity? 3 weeks yun Aesha at Aeron, 3 weeks!" di makapaniwala kong sabi habang nakatingin sakanilang dalawa

"Hindi na yun kailangan Trinity, kasi nga diba sabi ng mga Professor nandun na daw lahat ng kailangan natin?" sabi ni Aesha

"Sigurado akong nandun na yung mga tent, unan, kumot at iba pa. Besides hindi naman tayo pababayaan nila Head Mistress at ng mga Professors natin" sabi naman ni Aeron

"Kung sabagay..." saad ko

"Wag kang masyadong mag-alala Trinity, isipin mo nalang na bakasyon nating mga estudyante ito" nakangiting sabi ni Aeron kaya ngumiti rin ako sakanya at nagpaalam na sakanila.

Nang makaalis ako sa pwesto nina Aesha at Aeron ay hinanap ko naman kung nasaan sina Willow at Xander. Agad akong lumapit kung nasaan sila nung matagpuan ko na sila. Habang palapit ako ng palapit sa pwesto nila ay napansin ko agad ang naiinis na mukha ni Willow. Ano naman kaya nangyari sa dalawang 'to?

"Blythe!" tawag ni Xander sa pangalan ko habang kumakaway nung makita niya akong papalapit sa kanila. Kumaway naman ako pabalik habang nakangiti.

"Hayy! Buti nalang nandito ka Blythe." sabi ni Willow sabay buntong hininga "Bakit? Ano bang problema?" tanong ko kay Willow, tumingin naman ako kay Xander pero nagkibit balikat lang siya kaya ibinalik ko nalang ulit kay Willow ang atensyon ko

"Siya! Siya ang problema ko!" inis na sigaw ni Willow pero hindi ganon kalakas ang sigaw niya para makaagaw ng atensyon ng iba

"Ano nanaman ba ginawa ko?!" nagtatakang tanong ni Xander

"Puro pagkain ang kinuha mo! Hindi mo nalang inisip na baka survival 'tong pesteng activity na 'to!" galit na galit na sigaw ni Willow kay Xander.

"Uhmm... Buti pa alis na ako hehe" sabi ko habang umaatras

"Blythe! Wag mo ko iwan sa high blood na 'to!" halata ang takot na sabi ni Xander. Sorry Xander!!! "Good luck nalang!" sabi ko sabay talikod at hinanap naman kung nasaan sina Snow at Trish

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon