||• Chapter 2: Welcome •||

5K 108 1
                                    

Trinity's POV

Naalimpungatan ako sa tulog ko nung narinig kong may kumakatok, si tita siguro yan, kami lang naman nasa bahay na 'to eh

"Pasok" sabi ko nalang para tumigil na si tita kakakatok

"Trinity ok ka na ba?" Tanong ni tita

"Oo naman po" sagot ko

Pero teka nga bat tinatanong ni tita kung ok lang ako? May nangyari ba sakin? Baka naman kahapon? Pilit kong inaalala yung kahapon hanggang sa maalala ko na... Nanlaki ang mata ko nung maalala ko... Totoo ba yun o panaginip lang? Kasi pano naman ako napunta dito sa kwarto ko?

Nabalik ako sa realidad nung marinig kong magsalita si tita

"Mag-empake ka na may pupuntahan tayo" nakangiting sabi ni tita

"Ho? San po tayo pupunta? " takang tanong ko

"Basta mag-empake ka nalang" sabi ni tita

Sinunod ko nalang siya kaya pagkatapos kong mag-empake ay naligo na ako at nag-ayos... San ba kasi kami pupunta hayst!

Bumaba nalang ako dala-dala yung bagahe ko... Lumabas na kami ng bahay ni tita at lumapit sa sasakyan niya, agad ko namang linagay yung gamit namin sa compartment ng sasakyan at sumakay na ako sa kotse

Sumakay na rin si tita na agad namang pinaandar ang sasakyan...

"Tulog ka muna mahaba pa naman byahe natin" sabi ni tita habang tinitignan ako sa rear view mirror

"Sige po" sabi ko at natulog na

=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

Nung nagising ako ay nanlaki agad ang mata ko sa gulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung puro puno ang nasa paligid mo at walang kahit anong gusali or signs manlang. Tsaka ang dilim sa lugar na 'to. Creepy! >_<

"T-tita sure ba kayo sa daanan na dinadaanan natin?"

Tumungin lang sa rear view mirror si tita at nginitian ako. Yaah!! Yan nanaman si Tita eh may pa myste-mysterious effect pa siya *pout* san ba kasi kami pupunta?!

Nanahimik nalang ako sa likod at isinuot ang headset para makinig ng music. Nakinig ako ng 8 dimension na music ng Everything I Need mula sa Aquaman ^_^

Now Playing- Everything I Need by Skylar Grey

Born on the wrong side of the ocean
With all the tides against you
You never thought you'd be much good for anyone
But that's so far from the truth

I know there's  pain in your heart
And your covered in scars
Wish you could see what I do

Sumabay na ako sa Chorus ng kanta dahil na-fe-feel ko yung kanta eh T^T

'Cause baby everything you want
Is everything I need
You're  everything to me
Baby, every single part
Is who you're  are meant to be
'Cause you were meant for me
And your everything I need~

Nung matapos yung kanta ay saka ko lang napansin na huminto na kami sa isang malawak na lugar. Ang ganda! Puro green ang nakikita ko sa paligid tahimik lang dito.

"Tita bat tayo pumunta dito? Mag-pi-picnic ba tayo?" Takang tanong ko, ano ba kasing ginagawa namin dito?

"Much better" nakangiting saad ni Tita. Huh? Anong much better? Much Better ba na kanta ni Skusta Clee? Hayst!

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon