||• Chapter 32: Creature Class •||

1.6K 49 4
                                    

I just wanna say thank you to 1k votes. I hope you won't stop waiting for my updates 😅

Stay home and be safe guys!

I Love you all! ❤

~♥~

Phoenix's POV

"Thanks..." sabi ni Blythe saakin na hindi na ginagamit ang isip namin para mag-usap, bago siya ngumiti ng matamis saakin na siyang nagpatigil saakin.

I was sitting there frozen in place as I was staring at Blythe's smiling face, my eyes stopped to look at her lips that are formed into a sweet smile, a smile that was for him...

Seconds later her gaze left mine and she focused her attention infront where Prof Lenora was talking about something. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi ni Prof sa kadahilanang nakatingin at nakapokus ang attention ko kay Blythe na nakikinig kay Prof...

Tumingin na ako sa harapan ko at saka ko lamang nalaman na pigil-pigil ko pala ang hininga ko kanina at yangon ko lang napansin...

Isinawalang bahala ko muna ang nangyayari saakin at tumingin kay Prof Lenora na nagsasalita...

Am I... In a dangerous situation now?

Trinity Blythe's POV

"You all know that in my class we are here to tackle about creatures that you can commonly see outside our school and also creatures that are rarely seen and can only be found on their habitats on other lands..." paninimula niya

"Today, we are going to see and talk about..." pambibitin ni Prof Lenora, maya-maya ay biglang bumuka ang lupa na nasa likuran ni Prof Lenora at unti-unting lumabas ang isang napakalaking dragon!

Σ(O_O;)

What the heck?!

A Dragon?! Coming out of the GROUND?!

"Earth Dragon" pagtuloy sa sinasabi ni Prof Lenora kanina

"Woah~"

"Cool! "

"I wish I had one!"

"It looks strong!"

Earth Dragon... So yun pala ang tawag sa mga yun...

"Okay class, listen to me... " pagtawag ng atensiyon ni Prof Lenora saamin, kaya tumahimik na muna kami at nakinig sa mga sasabihin niya

"Ang mga Earth Dragon na ito, as you can see, it is made out of rocks, its element is pretty obvious, which is the element of Earth, they live underground with peace but be careful on not harming anything from their territory and also offending them, they can shoot a very high temperature of fire breath, these creatures don't eat meat, instead they eat fruit and vegetables." sabi ni Prof Lenora, habang tine-take note ko naman ang mga sinabi niya

Nagpatuloy ang pag-di-discuss ni Prof Lenora tungkol dito habang halos kaming lahat na estudyante niya ay manghang-mangha sa nakikita, pinapaliwanag ni Prof Lenor ang bawat parte ng katawan nito, mula sa ulo, patungo sa mga spikes nito sa likuran, hanggang sa makarating sa buntot nito.

Napansin ko naman na habang nag-di-discuss si Prof Lenora ay focus na focus sina Willow at Trish sa pakikinig. Siguro gusto nilang mag-summon ng mga ganito?

"Any questions?" tanong ni Prof Lenora

Walang nagtataas ng kamay nila kaya naman ay kinuha ko na ang opportunity para maitanong ko na ang gusto kong itanong...

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko na siyang kumuha ng atensiyon ni Prof Lenora...

"Yes Ms. Avery, what is your question?" tanong ni Prof

Nagsitinginan naman ang lahat saakin at nag-a-abang ng itatanong ko, ang iba ang masasama ang tingin...

"Ahmm... I just want to ask if an elementalist can combine his/her power with the Earth Dragon, so that the attack will be more critical or severe? And if it can, how will it combine?" pagtanong ko

"I am glad that you asked that..." nakangiting sabi ni Prof Lenora kaya naman umupo na ako "may I call on Prince Phoenix to join me here infront for a demonstration" pagtatawag ni Prof Lenora kay Phoenix na tumayo na at pumunta sa harapan, syempre hindi mawawala ang mga tili ng mga kaklase kong babae

"We are gonna show you on how to combine the myst of fire with the
Earth Dragon... Only fire myst can combine with the Earth Dragon." paliwanag ni Prof Lenora. Napa-'ohh' naman kaming nakikinig

"Ok. Prince Phoenix, I want you to use your ability pyrokinesis to generate fire, afterwards, place your palm on the Earth Dragons body, then use Thermokinesis to heat its body up." pagtuturo ni Prof Lenora ng gagawin ni Phoenix

Tumango naman si Phoenix bago lumapit sa Earth Dragon na nakaharap sakanya. Nakita ko na may ibinubulong si Phoenix at maya-maya ay nagkaroon ng apoy sa palad niya at unti-unti nitong inilapit sa katawan ng Earth Dragon. Nang maidikit ni Phoenix ang kamay niya ay napansin ko na napapikit ang Earth Dragon na animo'y pinapakiramdaman ang apoy ni Phoenix. Inilayo na ni Phoenix ang kanyang palad sa katawan ng Earth Dragon at muling bumulong, maya-maya ay biglang umatungal ang Earth Dragon at unti-unting binalutan ang mga cracks na nasa katawan niya na gawa sa bato ng lava.

"And that is how you combine a fire myst with an Earth Dragon" nakangiting sabi ni Prof Lenora

Nagpalakpakan naman kaming lahat na nakasaksi sa ginawa ni Phoenix. In my opinion, that was VERY cool.

But I've got one question left...

"Prof Lenora..." sabi ko na nakataas ang mga kamay kaya napatingin silang lahat saakin... nanaman.

"Yes Ms. Avery?" pagtawag pansin saakin ni Prof Lenora

"Uhmm... You showed us how to combine the fire myst with the Earth Dragon, but... How can you take it back?" tanong ko

"Excellent question you have there Ms. Avery, I expect nothing less from Elise's niece" nakangiti niyang saad kaya napangiti rin ako

"Now about, Ms. Avery's question. You can get your myst back from the Earth Dragon by simply using Pyrokinesis to controll the fire inside the Earth Dragon and then use Geo-Thermokinesis to manipulate the lava outside its body and simply imagine yourself sipping your myst back into your body..." paliwanag ni Prof Lenora "Now, Prince Phoenix, would you be so kind enough to demonstrate it?" tanong ni Prof Lenora na bumaling kay Phoenix na tumango lang bilang sagot

Humarap sa direksyon namin si Phoenix at.... tumingin saakin?

Ano nanaman kayang trip neto at may patingin-tingin pa siyang nalalaman?

I raised one eyebrow at him, and the guy just freakin' smirked at me! Argh! I really hate it when he does that!

Tinignan ko siya ng masama na siyang mas nagpalaki pa sa ngisi na nasa mga labi niyang masarap halikan-ay shet 'bat ko naisip yun!

Maya-maya pa ay bumubulong nanaman siya at unti-unti ay umangat siya sa ere. Napatingin ako sa Earth Dragon nang umatungal ito at nakita ko kung paano humi-hiwalay ang myst ni Phoenix dito at para itong hangin na pumalibot sa katawan ni Phoenix hanggang sa tuluyan nang nawala ang myst ni Phoenix sa Earth Dragon. Habang nakapalibot kay Phoenix ang myst niya ay kitang kita namin ang pagbalik ng myst ni Phoenix sa katawan niya na siyang ikinamangha namin dahil habang hinihigop ni Phoenix pabalik sa katawan niya ang myst niya ay lumiliwanag ang katawan niya.

He is like a real PHOENIX!

◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon