||•Chapter 16: FRIENDS???•||

3.2K 80 1
                                    

Aesha's POV

Andito kami ngayong apat na Royal's sa Office ni Head Mistress at nakatulala kaming tatlo (Ako, Willow, at Aeron) sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan namin...

"Anyway Trinity I want you too meet the four Royals" sabi ni Head Mistress tumango nalamang siya bilang sagot niya sa sinabi ni Head Mistress

"Let's start with the girls" ani ni Head Mistress sabay tingin saamin ni Willow... Agad-agad naman kaming tumayo ni Willow sa harapan ng babaeng napakaganda na nasa aming harapan at nagsimulang mag pakilala

"Hi! I'm Princess Aesha Hydrosphere and I am a Water Elementalist" ngiting sambit ko

"Eyy!!! I'm Princess Willow Forester and I am a Earth Elementalist" cool na sambit ni Willow

Nakangiti at sabay naming inilahad ni Willow ang aming kamay sakanya inabot naman niya ito at nagpakilala "Trinity Blythe Avery" maikli lang niyang pakilala sa kanyang sarili... Lumawak ang mga ngiti namin ni Willow matapos siyang magpakilala... Sumunod namang nagpakilala ang mga lalake at syempre ang pinakamatagal sakanila ay si Aeron dahil sa kanyang mga walang kwentang rants.

Ang pinaka interesting lang samin ay yung pagpapakilala ni Phoenix kay Trinity.... Why?

Eh pano ba naman kasi... They were staring at each other eye to eye like they were the only person in this four cornered room😐

And that fact itself caught my interest... Its like they were suddenly connected to each other with some sort of..... Argh! I can't find the right word for it.

Anyway, after the introduction Head Mistress dismissed us, and of course we obeyed her command... We royals were the first ones to get out of the office...

Nagpahuli ako konti dahil gusto kong makasabay maglakad si Blythe... Naghintay ako ng ilang saglit pa bago ko nakitang lumabas si Blythe sa office ni Head Mistress... Hmmm, ano kaya sinabi ni Head Mistress at nahuli ng konti samin si Blythe sa paglabas ng Office?... Maybe its better for me not to intervene...

Kasabay ko ngayon ni Blythe sa paglalakad... Nasa right side niya ako habang yung mga kasama kong Royals eh nasa unahan namin... Nakita kong lumingon sa direksyon namin si Willow at hindi na ako nagtaka na sumabay na rin siya samin ni Blythe sa paglalakad...

Habang naglalakad ay bigla akong nakaramdam ng konting sakit ng ulo at alam ko na kung bakit... Sigurado akong may gustong makipag-usap sakin gamit ang aming mga isip... Pinayagan ko naman ito at napag-alamang si Willow pala iyon...

"Bat kaya ang COLD ng impression niya?" tanong niya gamit ang isip... Tumingin ako sakanya at nakitang nakatingin lang siya sa dinadaanan namin na para bang di ako kinakausap gamit ang isip... Ang galing talaga niya sa ganito... Yung parang ang normal ng lahat ng galaw niya pero di mo alam na may ginagawa pa pala siyang iba... Naglalakad lang siya ng normal sa tabi ni Blythe...

"Ewan ko rin eh... What if basahin natin isip niya baka may makuha tayo" sagot ko sa kanyang tanong... Ipinagtataka ko rin talaga kung bakit ang cold ng impression niya... Maraming mga posibilities, pwedeng ganun talaga siya, pwede ring trip niya lang?, or baka tinatago niya lang yung totoong siya...

"Sige subukan natin" sagot pabalik sakin ni Willow gamit parin ang aming mga isip... Sinubukan kong basahin kung anong iniisip niya ngayon pero wala akong makita o mabasa... BLANK... Wala akong makita ni isa manlang... Hmm... Baka pinipilit niyang wag mag-isip ng masyado para incase na subukan naming basahin yun ay wala kaming makita...

"May nabasa ka ba?" tanong sakin ni Willow

"Wala eh... Baka sinasadya niyang wag magisip ng masyado para di natin mabasa" sagot ko

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon