||• Chapter 29: Concern? •||

1.8K 55 4
                                    

This chapter is a thank you for 100 followers!!!

Happy Reading guys!

~♥~

Trinity Blythe's POV

*ring~ ring~*

"That's all for today class... Next time I am gonna talk about the history of each Kingdom." sabi ni Prof. Luke sabay kuha ng mga gamit sa lamesahan at lumabas na ng classroom.

Hayst! Nag-ring na... Ibig sabihin Creature Class na!

Ang Creature Class, ayon kila Snow at Trish ay isang subject na nagpapakilala saamin ng mga kakaibang hayop o mga hayop na normal naming nakikita at ipinaliliwanag saamin ang tungkol dito, halimbawa ay kung saan sila nakatira, ano ang mga kinakain, anong type sila at iba pa.

Nung first day ay hindi pa kami pinakitaan ng mga hayop sa subject na ito at nagpakilala lang dahil first day palang naman, tapos kahapon naman ay wala si Prof Lenora dahil nasa mission daw siya ayon kay Head Mistress, kaya sobrang excited ako ngayon dahil makakakita na ako ng kakaibang hayop!

Agad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo dahil syempre hindi sa classroom gaganapin ang subject na ito kundi sa field kung saan malawak.

"Uy Trinity! Hintayin mo naman kami!" pasigaw na tawag sakin ni Trish nung malapit na ako sa pintuan

"Di naman halatang excited ka diba?" sarkastikong sabi ni Snow habang nag-aayos ng gamit niya kasama si Trish at ang iba rin sa mga Royals ay nag-aayos ng gamit

"Dalian niyo na kasi!" sabi ko naman sakanila habang pasulyap-sulyap sa field kung saan gaganapin ang klase namin

"Blythe hindi mawawala ang field pati na rin ang next subject natin kaya chill!" sabi ni Snow kaya naman tumahimik nalang ako at naghintay PATIENTLY para sa kanila.

At sa wakas ay natapos na silang mag-ayos ng mga gamit nila kaya naman lumabas na kaming lahat pero nauna kaming tatlo nila Trish at Snow kesa sa mga Royals.

Mas binilisan ko ang paglalakad ko dahil kami nalang pito ang wala sa field.

"Ano ka ba Trinity, ang bilis mo maglakad" ani Trish

"Blythe! Pinapaalala ko lang sayo na malapit na daw mamaga yang paa mo! Kaya magdahan-dahan ka nga sa paglalakad! Baka mamaya ay baka kung anong mangyari sayo!" pasigaw na sabi ni Snow dahil medyo malayo na ako sakanila.

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa field. Yieeeee! Excited na ako!!! Makakakita na ako ng mga hayop na nandito sa mundong ito!

Excited ako kasi gustong-gusto ko sa mga bagay na kakaiba! At gusto kong makita ang mga bagay na kakaiba sa mundong ito dahil wala pa akong masyadong alam sa lugar na ito bukod sa tirahan ang mundong 'to ng mga taong may mga kapangyarihan.

Sigurado naman ako na marami akong makikitang kakaiba dito dahil nga World of Magic ito yieee-

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong naramdaman ang pag-angat ko mula sa lupa...

At hindi lang iyon may bumuhat saakin ng bridal style!

Tumingin ako ng masama sa bumuhat saakin pero bigla iyong napalitan ng gulat nang makita ko ang bumuhat saakin.

"P-Phoe-n-nix?..."

Σ(⊙▽⊙") <-----ako

(¬_¬) <----- siya

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon