||• Chapter 28: Kingdoms •||

2K 47 7
                                    

Trinity Blythe's POV

Andito na ulit kami sa loob ng classroom namin dahil sabi ng nurse ay pwede na raw akong makaalis pero mag-ingat lang daw dahil malapit na daw namaga yung paa ko kanina.

Isang oras rin pala akong nakatulog kanina kaya pagka-gising ko at pagkatapos ng mga tanungan ay tinanong nila kung pwede na daw ba akong makaalis at pumayag yung nurse. Dumeretso naman kami sa cafeteria para kumain, so bale naka-skip ako---ay di lang pala ako pati rin pala yung mga royals tapos si Snow at Trish...

Binantayan daw kasi nila ako kaya ayun nag-skip sila ng isang subject... Dahil saakin... Huwaaah! Feeling ko tuloy ang special ko sa grupong 'to.

Pero syempre feeling ko lang kasi medyo feelingera ako =_=

Anyways, kasalukuyan na kaming nakikinig sa nagtuturo saamin na si Prof. Luke, siya ang nagtuturo saamin tungkol sa mga history ng Magical World or Realm na ito.

Tumingin ako sa paligid ko at nakitang inaantok na yung iba, na-bo-boringan na siguro kasi alan nila yung tungkol sa dini-dicuss ni sir?

Basta ako hindi ako masyadong nabo-boringan kasi nga bago palang naman ako dito.

"As you all know ang Magic Realm natin ay may anim na Kingdom kung isasali natin ang kaharian ng ating mga kalaban... Ang unang Kingdom ay ang Kingdom kung saan nakatayo ang school na ito, ang Mystique Kingdom, alam ko namang alam ninyo na ang Mystique Kindom ay ang pinakamapakas sa lahat ng mga kaharian,  at ito ay pinamumunuan ng pamilyang Crest... " Paliwanag ni Sir

So Mystique Kingdom pala ang tawag sa Kingdom na ito,  at ang namumuno ay ang pamilyang Crest...

Crest....

Why does that surname sound familiar...

" Ang sumunod naman na kaharian ay ang Farius Kingdom, dito nakatira ang mga may fire na myst pero hindi lahat ay may kakayahan na ganito, ito naman ay pinamumunuan ng Foster Family, na siyang pamilya ng leader ng ating mga Royal si Prince Phoenix Foster..."

Ahhh... So dun siya nanggaling and siya pa ang leader ng mga Royal's...

Prince Phoenix Foster...

Ba't ba ang gandang pakinggan ng pangalan niya...

Wait what the heck?!

Aish! Hayaan na nga!

"Pangatlo ay ang Waylon Kingdom, dito niyo makikita ang mga may wind na myst pero gaya ng iba pang kaharian ay hindi lahat ay may ganitong kakayahan, pinamumunuan ito ng Windale Family, ang pinagmulan ni Prince Aeron Windale..."

Ohh... Sa Waylon Kingdom nanggaling si Aeron... Pero pag titignan mo siya sa ugali mukhang hindi siya prinsipe =_=

Bagay rin sakanya yung myst niya na wind dahil tulad ng myst niya mahangin din siya tss

"Ang pang-apat na kaharian ay ang Atlantis Kingdom, dito naninirahan ang mga water users ngunit hindi lahat ng naroon ay taglay ito. Pinamumunuan ito ng Hydrospehere Family,  ang pamilya ng ating prinsesa na si Aesha Hydrosphere..."

So Atlantis Kingdom pala...

"Ang pang-apat na kaharian ay ang Ethania Kingdom kung saan naman nakatira ang mga earth users ngunit hindi lahat ay may kakayahan na ganito, ito naman ay pinamumunuan ng pamilyang Forester, na siyang pamilya ng ating mahal na prinsesang si Willow Forester..."

So dun pala nanggaling si Willow... At talaga namang silang apat ay Royals at hindi basta basta ang mga kaharian... Pero diba dapat anim na kaharian kung isasali ang kaharian ng kalaban... Ano naman kaya sakanila... At sino ang namumuno...

"At ang pinakahuli sa lahat... Ang kaharian ng mga kalaban... Ang Dark Kingdom... "

Dark Kingdom...

"Sila ay pinamumunuan ng Blackwood Family... Sina King Vladimir Blackwood at ang Prinsipe nila na si Kayden Blackwood..."

Σ(O_O;)

My eyes literaly went wide open upon hearing the name of the prince of the Dark Kingdom...

Kayden Blackwood....

Kayden...

That's the name that I heard when I was choosing a name for the black cat....

Could it be?!

B-but nah! it's impossible!

Its just a name so why make a fuss about it...

Okay Trinity Blythe Avery... Stay calm... Its just a coincidence... No need to worry...

And besides, its just a name of my cat... A Cat! For goodness sake... And for crying out loud! How can a person or a prince or whatever thing that came from the enemies side, can come easily inside this academy?! They have tight security!

URGH!!!

◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon