||•Chapter 21: Wind vs Fire (Part 4)•||

2.2K 56 2
                                    

Aeron's POV (time: after Phoenix managed to make his body rise)

Argh! And when did he learn to lift himself up?! When?! Where?!

Tsk that doesn't matter at the moment all what matters is that I should win... Para naman di na ako maliitin ng mayabang na 'to...

"Shall I continue what you started?" he so teasingly asked

"Tss... Go on, try it" sagot ko pabalik halata sa boses ko na naiinis ako

"I'm not gonna try... 'Cause I'm gonna do it" sabi niya at kasabay nun ang paglabas niya ng maraming fire punch na ngayon ay patungo na sa aking direksyon

Hinanda ko ang sarili ko na ilagan ang mga ito... Gaya rin ito ng mga Air Blades ko mabibilis rin... Nagsimula na akong ilagan ang mga ito... Nailagan ko man ang ilan sa mga ito ay di ako sinuwerte sa iba dahilan para matamaan ako sa braso at tiyan...

F*uck... Ang sakit nun... Pero di ko pinahalata ang sakit na nararamdaman ko... Bagkus ay ginamit ko ang Levitation ability ko at pinalutang ang mga maliliit na bato at pinatama sa direksyon niya...

Sa atake kong ito ay hindi siya nakaiwas sa ibang pinatama ko kaya may sugat siya sa pisngi... Nadaplisan iyon ng matulis na batong pinapunta ko sa direksyon niya...

Agad naman siyang bumawi at inayos ang kanyang postura... Gamit ang Wind Generation ablity o mas kilalang Air Blast ay nag-ipon ako ng hangin sa kamay ko at nung nakatingin siya sakin at inaabangan ang gagawin ko ay pinakawalan ko ang hangin na nasa aking palad papunta sa direksyon niya... Hindi siya umalis sa puwesto niya at hinarap ang atake ko... Malamang ay may gagawin siya para kontrahin ang atake ko kaya mas pinalakas ko pa ito... Maya-maya pa ay nakaramdam ang ng init... Kinokontra niya ang Air Blast ko gamit ang Fire Blast Ability niya...

Nagpatuloy ang pagkokontrahan namin ng ilang minuto... Aaminin ko na malakas ang atake niyang ito... Aaminin ko na rin na alam ko ang dahilan kung bakit siya malakas, sa aming apat na Royalties ay siya lang ang pursigidong nag-e-ensayo sa hawak niyang myst...

Unti-unti ay hindi ko na nakakayanan ang Fire Blast niya, kaya dinala ko sa ibang direksyon ang Air Blast ko dahilan para maisama ang Fire Blast niya... At sabay kaming nakababa sa lupa.

Hinihingal ako matapos ang pangyayaring yon... Napatingin ako sakanya at nakitang nakangisi siya pero halata mo rin na napagod siya sa ginawa namin...

(Author: Uhmmm..... Ginawa ninyo?)

Tss umiiral nanaman kalibugan ni author....

Nakatingin parin ako kay Phoenix inaabangan ang kanyang gagawin dahil alam kong aatakihin niya ako ngayong pagod ako....

Habang nakatingin sakanya ay biglang nagkaroon ng apoy na pumalibot sakin... Palakas ito ng palakas sa bawat segundong lumalabas... Naiinitan na ako, ramdam ko ang mga pawis sa noo ko na pababa sa aking leeg... Tsk sigurado akong ginamit niya ang pyrokinesis na ability niya...

Sinubukan ko itong apulahin gamit ang air blast ko, naaapula naman nito ang iba pero bumabalik parin ito at mas lalong lumalakas... Mas umiinit na, at nahihirapan ako konti na huminga...

Bigla nalang naging intense ang init na pumapalibot sakin... Di na ako makahinga ng maayos... Ramdam ko ang sarili ko na napaluhod sa lupa...

Shit! Ginagamit niya ang Thermokinesis ability niya!

◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌

"Please Read"

A/N: Uhmmm... Pwede magtanong? Psh nagtatanong na nga ako eh😂... So ayun, gusto ko lang malaman kung nawi-weirduhan kayo sakin, kasi ini-stalk ko reading lists ng mga followers ko😂... Yun lang, gusto ko lang naman malaman😂

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon