||• Chapter 41: Jealous? •||

852 26 6
                                    

Trinity Blythe's POV

"Blythe..." tawag ng isang boses sa pangalan ko

Sino ba 'tong tumatawag saakin? Ano ba kailangan neto?

"Blythe..." tawag ulit saakin nung boses

"Hmm..." ungol ko pero halata rito ang inis

"Gising ka na..." sabi ng boses.

Hayy!! Ano ba yan! Baka ginigising ako nina Snow at Trish dahil late nanaman ako para sa klase.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko na gusto pang manatiling sarado dahil sa antok na nararamdaman ko.

Nang maimulat ko na ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang isang mukha na napakalapit sa mukha ko.

At dahil hindi pa buo ang diwa ko ay parang hindi maproseso ng utak ko kung sino 'tong nasa harap ng mukha ko.

Ano naman kaya problema neto? Medyo nakita ko pa na ngumingiti-ngiti pa 'tong elementalist na ginugulo ako. Tapos nakasira pa siya ng araw ng isang tao-este elementalist daw kahit wala pa naman akong kapangyarihan.

Pero teka hindi si Snow at Trish 'tong malapit ang mukha saakin.

Unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko.

Nang luminaw ng tuluyan ang paningin ko ay nalaman ko na kung sino ang kaharap ko. "Ikaw lang pala Xander..." antok ko pang sabi. Tumawa naman siya ng mahina, pero di pa rin tinatanggal ang mukha niya na malapit parin sa mukha ko. Wait....

"Xander?!" gulat kong sabi at itinulak palayo sa mukha ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.

"Aray naman!" ani niya habang hinahawakan ang mukha niyang itinulak ko.

"Ano bang ginagawa mo sa kwarto ko at bakit ang lapit ng mukha mo sakin kanina!" nahihiya kong sigaw habang nakaupo at itinatakip ang kumot sa katawan ko hanggang sa ilong.

"Kwarto mo?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Oo! Kwarto ko!" ani ko saka inilibot ang paningin ko "Nandito ka sa kwar-" napatigil ako sa pagsasalita nung mapansin kong wala pala ako sa "kwarto ko..." Nasaan ba ako? "Hindi mo ba naaalala?" tanong ni Xander habang nakangiting nakatingin saakin?

Nagtaka naman ako hanggang sa maalala ko yung, pag-gising namin ng maaga, si Phoenix na naging partner ko, yung pagbili namin ng mga gamit, yung pagsakay namin ng flying bus, yung... race.....

Nangyari ang lahat ng yun nang dahil sa activity na binanggit saamin ng mga Professor....

"May amnesia ka pa ba Blythe?" halata ang nang-aasar na tono niya habang natatawa na nagtatanong

"Tigilan mo nga ako Xander! Bakit mo ba ako ginising eh kita mong nagpapahinga yung tao." ani ko saka tinuro ang paa kong may benda

Mahina siyang tumawa bago sumagot "Ginising kita kasi may announcement na sasabihin si Head Mistress, kailangan daw na nandoon lahat ng estudyante." ani niya habang nakangiting nakatingin saakin.

"Ganun ba?" ani ko saka bumaba ng hinihigaan kong hospital bed, pero napatigil dahil sa sakit na dulot ng sprain ko daw.

Napaupo nalang ulit ako sa hospital bed saka tumingin sa paa kong may benda. "Masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Xander.

"Tss. Obvious ba?" inis kong tanong, hindi dahil kay Xander, kundi dahil sa sprain ko na nagbibigay dahilan para hindi ako makakilos ng normal.

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon