||• Chapter 42: Goodnight•||

743 22 4
                                    

Trinity Blythe's POV

Bumati ang ibang elementalist habang ako nakatulala lang sa kagandahan ng babaeng nasa harapan ko. Dahil sa kakatulala ko ay kita ko ang unti unti niyang pagtingin sa direksyon namin, ay hindi, saakin pala siya nakatingin!

Nanlaki ang mata ko nung naglakad siya palapit sa saakin at tumayo siya sa harapan ko habang nakangiti.

Ngumiti naman ako pabalik kahit maliit lang yun na ngiti para naman hindi nakakahiya.

Σ(⊙▽⊙")

Gulat na gulat ako nung hawakan niya ang kanang pisngi ko.

She's caressing my cheeks and that actually made me blush, I feel my cheeks burning. As reaction to my cheeks blushing she softly laughed. Damn.

"What's your name dear one?" mahinhin niyang tanong habang hawak parin ang pisngi ko "B-Blythe... T-Trinity Blythe..." nahihiya kong sabi. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Aeron na kanina pa nakatulala rin sa babaeng nagngangalang Fayre.

"Trinity Blythe... That's a pretty name for a pretty girl." ngiti niyang sabi "Tha-" naputol ang pagpapasalamat ko nung bigla niyang hinalikan ang noo ko.

Pagkalapat na pagkalapat ng mga labi niya sa noo ko ay nakaramdam ako ng kapayapaan, na parang nawawala lahat ng lungkot at sakit.

"There..." usal niya pagkatapos niyang halikan ang noo ko "...you're healed. " sabi niya na nagpalito saakin. Tumingin siya sa mga paa ko at doon ko lang naalala na nagkaroon nga pala ako ng ankle sprain.

Sinubukan kong igalaw galaw ito at natuwa nung wala na yung sakit. Malapad ang ngiting tumingin ako kay Fayre. Oo Fayre lang ang tawag ko sakanya dahil hindi ko alam kung tatawagin ko ba siyang ma'am, hindi naman siya professor. Hayy.

"Maraming salamat po" sabi ko habang nakangiting nakatingin sakanya.

"You're welcome, Blythe." ani niya saka tumalikod para maglakad na pabalik kung saan siya nakapwesto kanina "And Blythe?" tawag niya saakin, agad naman akong tumingin sakanya. Lumingon siya saakin at sumagot "Just call me Fayre." ngiting sabi niya, tumango naman ako bilang sagot.

~♥~

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon, at alam niyo na kung kanino galing, kay Fayre syempre. Sa pamamagitan ng kapangyarihan niya ay naglagay siya ng sampung malalaki at mahahabang lamesahan na naglalaman ng mga masasarap na pagkain, may mga desserts pa!

Ang mga kasama ko dito sa lamesahan na ito ay ang mga Royal's, si Xander, si Snow, si Trish at ang iba pang elementalist.

Yung tatlong lalake halatang halata na naiinis sila sa isa't isa. Pano ko nalaman? Ganito kasi yan, kanina nag-aagawan sila ng upuan, ewan ko ba kung nakit gusto nilang umupo sa upuan na nasa harapan ko. Tapos nag-aagawan rin sila ng pagkain, minsan inilalayo ng isa yung pagkain na kukunin ng isa tsk. Isa pa yung masasamang tinginan nila eh halatang halata. Hayy. Kung pwede lang nilang gamitin yung myst nila, siguro nagpapatayan na sila.

"Aesha, psst!" mahinang pagtawag ko kay Aesha na nasa kanan ko. "Hmm..." usal niya habang kunakain siya "May sasabihin ako..." mahina ko paring sabi "Ano yun?" ani niya saka itinigil ang pagkain at humarap saakin

"Bakit hindi mo patigilin si Aeron sa pakikipag-away niya? Di mo ba nahahalata?" taka pero mahinang tanong ko para hindi nila marinig, ganun rin naman ang ginawa ni Aesha nung sumagot siya "Bakit ko sana siya papatigilin? Ano bang pake ko?" halata ang iritasyon niyang sabi. Nagtaka naman ako doon "Akala ko ba gusto mo siya?" tanong ko "Noon yon hindi na ngayon!" mahina niyang sigaw pero sapat na para marinig ko ang sinasabi niya. "Bakit anong nangyari?" tanong ko, dahil paanong hindi na niya gusto si Aeron? "Kasi hindi siya isang gentleman! Biruin mo, tumakbo kami ng napakalayo tapos sabi ko magpahinga muna kasi pagod na ako, pumayag naman siya." panimula niya "Oh, pinagpahinga ka naman pala eh. Diba act yon ng isang gentleman?" ani ko "Tss. Pinagpahinga nga ako, ng ISANG MINUTO! ISANG MINUTO BLYTHE!" hindi na niya napigilan ang sarili at napasigaw na sabay turo kay Aeron na takang nakatingin sakanya "PINAGPAHINGA AKO NG MOKONG NA YAN NG ISANG MINUTO! TAPOS TUMAKBO ULIT NG HINDI AKO HINIHINTAY! MUNTIKAN PA AKONG NAWALA! AT NANGYARI ANG LAHAT NG YON DAHIL TAKOT SIYANG MATALO KAY PHOENIX! EH WALA RIN NAMANG NANGYARI, DAHIL KAHIT ANONG GAWIN NIYANG PAGTAKBO MAS MABILIS PARIN SI PHOENIX! NAUNAHAN PA NGA SIYA NI XANDER EH! TSK!" malakas na sigaw ni Aesha na nakaagaw ng atensyon ng lahat! Oo lahat! Pati sina Head Mistress, ang mga Professor at si Fayre.

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon