||• Chapter 37: Uh-oh•||

1.1K 41 14
                                    

Trinity Blythe's POV

Isang araw nanaman ang lumipas at masasabi kong medyo natatanggap na ng iba si Xander bilang kaibigan rin nila. Si Phoenix? Psh mukhang walang pag-asa sakanya si Xander para makuha ang tiwala niya. Atleast pinapayagan parin niya si Xander na sumama-sama saamin sa mga lakad namin kahapon.

Pero kinakabahan ako....

'Cause this is the day....

(Author: That the lord has made? Char)

Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng iba. Ngayong araw na gaganapin ang activity namin na wala akong kaide-ideya kung ano! Kinakabahan rin ako kasi parang may mali, hindi ko alam kung okay na ba mga inempake ko, nagdala ako ng mga extra pang mga gamit na baka kakailanganin ko sa activity na yun.

2:45 palang gising na ako kaya mabilis akong naghanda at nagbihis sa mga komportable kong damit. 3:15 na nung matapos ako kaya lumabas na ako ng kwarto ko para tignan kung gising na ba yung dalawa and as expected hindi pa hayy!

Kinalabog ko ang mga pintuan nila para magising sila. "Gising na kayong dalawa! Kung hindi pa kayo gigising male-late tayo!" sigaw ko nung mapagod ako sa kaka-kalabog sa mga pintuan nila.

"Trinity naman! Ang aga-aga masyado!" narinig kong sigaw ni Trish

"Kaya ko nga kayo ginigising kasi 3:15 na at 4:00 ang calling time! Remember!" sigaw ko pabalik

Dumeretso na ako sa kusina ng dorm namin at naghanda ng mga kakainin namin nung matapos ay agad na akong kumain at hindi na hinintay yung dalawa dahil kuwarentay singko minutos nalang ay alas kuwatro na ng umaga, kailangan nandun na kami bago mag-alas kuwatro. Matagal pa naman maghanda tong mga kasama ko.

3:27 ay natapos na akong kumain at maghanda saka lang lumabas yung dalawa sa mga kuwarto nila. Nailabas ko na ang mga gamit ko at handa nang umalis pero yung dalawa nandun kumakain palang.

"Bilisan niyo kumain" sabi ko habang aligagang nakatingin sa oras

"Eto na nga eh, halos mabulunan na kami sa bilis naming kumain, may oras pa naman kaya relax ka lang Trinity. " sabi ni Snow habang patuloy na sumusubo ng pagkain.

"Mauna ka nalang doon Trinity hintayin mo nalang kami doon, kami na bahala magsara ng dorm" sabi naman ni Trish

"Sure kayo?" tanong ko sumagot naman sila ng tango "Sige hintayin ko nalang kayo doon" sabi ko at lumabas na ng dorm namin habang bitbit ang mga gamit ko.

Nang makalabas ako sa building kung saan nandoon ang mga dorm naming mga estudyante dito ay nagsimula na akong maglakad papunta sa gate mg school namin. Habang naglalakad ay napansin kong wala akong estudyanteng kasabay na maglakad o tumakbo papunta sa gate ng school. Masyado ba talaga akong maaga?

Medyo malapit na ako sa gate ng school at natuwa ako dahil may natatanaw akong silhouette ng dalawang tao, hindi ako sigurado kung babae ba yung dalawa o lalake dahil medyo malayo pa ako. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makumpirma ko na lalake ang dalawang natanaw ko kanina, grabe ang aga din nila, mas maaga pa saakin.

Nang makarating ako doon ay sunod sunod ang paghinga ko ng malalim habang nakatungo at nakaupo ako sa maletang dala ko, oo may maleta akong dala.

"Trinity ayos ka lang? / Blythe are you ok?" sabay na tanong ng dalawang boses, hindi ko malaman kung kaninong boses y7n dahil pagod parin ako sa paglalakad ko kanina. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata sa nakita.

"X-Xander? P-Phoenix?" habol ang hininga kong sabi

"Yo!" nakangiting bati saakin ni Xander habang si Phoenix naman as usual walang imik. Bigla namang umalis si Phoenix kaya tumingin ako kay Xander at bumati pabalik "Hi"

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon