||• Chapter 6: First Day•||

3.6K 91 0
                                    

Trinity Blythe's POV

Mga 7 minutes kaming nagpaliko-liko sa mga hallway hanggang sa nakarating kami sa classroom namin!

Huminga ako ng malalim at humawak sa kamay ni Snow, sabay-sabay kaming pumasok na tatlo at natigilan naman ang kaninang maingay na classroom! Lahat sila napatingin sakin!!

Shete!!! Kinabahan ako bigla!!! Unti-unti kaming naglakad na tatlo papunta sa bandang likod ng classroom... Habang naglalakad ay may naririnig ako mga bulungan

"Who is she?"

"Siya daw yung bagong student"

"Ano daw ang Myst niya?"

"Hindi pa alam"

"Tss. I'm sure it's gonna be a low type of Myst"

"Well we don't know maybe it's a powerful one"

"Tss she's gonna dream high for that"

Napatingin ako sa babaeng kanina ko pa napapansing lagi ako binabash tsk!

Hmpf! Unang araw palang ng klase may basher na ako... Pano pa kaya sa mga susunod na segundo? Minuto?!  Oras?!!  Araw?!!!  Linggo?!!!!  Buwan?!!!!!  Taon?!!!!!!

dT^Tb

"Wag mo nalang pansinin si Stacey" bulong sakin ni Snow "Tsaka wag ka ngang OA... Masyado mo naman atang iniisip kung anong iisipin nila sayo" dagdag pa niya habang mahinang bumubungisngis

"Stacey?" Patanong kong sabi at tumango naman siya

"Stacey yung pangalan ng nakakainis na babaeng yun" sagot niya

Sinunod ko nalang yung sinabi ni Snow at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad papunta sa likod... Naupo na kami at maya-maya ay dumating na yung prof... Lalake siya at halata mong hindi pa gaanong matanda dahil maayos pa rin naman ang pangangatawan nito... Pumunta lang ito sa harap, ibinuka nito ang kanyang bibig na handa na sanang magsalita ngunit naudlot dahil may isang lalakeng biglang pumasok... At nagtilian naman yung mga kaklase ko lalo na yung mga babae!!! Sumabay rin sakanila sina Snow at Trish sa pagsigaw!!

Tsk ano bang meron sakanya? Hindi naman maikakaila na gwapo siya at maganda ang postura ng katawan... Ang buhok niya ay kulay fiery red, ang mata naman ay dark shade of red ang kulay, may matangos na ilong, mapupulang labi at bumagay rin sakanya ang uniform ng school...

Cold ang aura niya pero bagay ito sa gwapo niyang itsura-- teka nga!? Bat ko ba iniisip ang lalakeng 'to?! Tsaka bat ko siya dinefine ng ganun? Sino ba siya? Umupo ang lalake sa backside ng classroom malapit saming tatlo pero ako ang pinakamalapit sakanya saaming tatlo...

Maya-maya ay kinalabit ko na si Snow para magtanong

"Sino ba siya?" Inosenteng tanong ko

"Seriously di mo siya kilala?" Gulat na tanong ni Snow

"Eh pano ko ba siya makikilala kung bago palang ako dito?" Depensa ko sa sarili

"Hehehe sorry naman ice user lang" sabi niya habang naka-peace sign

"Pero seryoso na sasabihin ko na kung sino siya" sabi ni Snow habang halata mong kinikilig na ewan tsk

"Sino nga kasi siya?! Dami pa kasing sinasabi eh pwede namang deretsuhin! Sabihin mo lang kung sasagutin mo talaga yung tanong ko kasi kung hindi edi magtatanong nalang ako sa iba" Mahina kong sigaw sakanya

"Aish! Eto na nga sasabihin na sayo... Siya lang naman kasi ang nag-iisang PHEONIX FOSTER!!" kinikilig na sabi ni Snow

Siya si Pheonix Foster? Kaya pala red ang peg... Anyways, ibig sabihin nun ay hawak niya ang Fire Element? Cool.

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon