||• Chapter 43: Survival 1 •||

698 21 4
                                    

BAD NEWS!

I am running out of stock chapters and this is the last one, I got caught up on watching anime and can't find some inspiration or motivation to write, so good luck to me 😅

◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌


Trinity Blythe's POV

I woke up to something moving on my side. Nung tignan ko kung ano o sino ito ay nagulat ako nang malamang si Kayden pala yun.

(Author: Yes... Kayden the cat is back)

"What.... How did you get here?" tanong ko sakanya. And of course he just answered with a meow~ because he can't understand me, he's just a cat. Bumangon ako at nag-indian sit saka hinaplos ang balahibo ni Kayden na pumunta sa mga hita ko at humiga. Cute.

Habang hinahaplos ang kanyang balahibo ay pilit kong iniisip kung paano siya napunta dito.  "Sinundan mo ba ako dito?" tanong ko. Binuksan nito ang mga mata niya at diretsong tumingin saakin saka nag meow~ ng dalawang beses. *sigh* I give up, I know that I look stupid talking to a cat when I know for a fact that he can't talk, neither understand me in the first place.

I grabbed my phone from the table at the side of my bed and checked the time. It's 5:01 in the morning.

*yawn*

Whoo! I better get my day started.

I got off of my bed, got some clothes from my bag which I didn't unpack last night and went to the bathroom leaving Kayden in the bed.

I only took a shower since I plan on jogging today. I'll just take a bath after my jog. When I finished taking a shower I wore my leggings, sports bra, hoodie, foot sock, and rubber shoes. Ilan lang ito sa mga dinala kong extra. Nakasanayan ko na kasing mag-jogging kung maaga akong nagigising para mabuhay ng husto yung kaluluwa kong gusto pang matulog. Tsaka ok rin 'to para sa activity namin.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Kayden na natutulog sa kama ko. Napangiti nalang ako habang tinitignan siya. Lumapit ako dito at hinaplos muli ang kanyang balahibo, and I received a purr in doing so. "Aalis muna ako para mag-jogging. Iiwan na muna kita dito. Wag kang maging pasaway, ok?" pagka-usap ko kay Kayden, hindi naman ito sumagot kaya tumayo na ako at inayos ang buhok ko sa isang simpleng ponytail, hindi parin talaga ako sanay sa hair color ko, kahit mahigit isang buwan na ang nakalipas, hayy.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos at isinara ang pintuan nito ng mabagal para hindi makagawa ng malakas na ingay na makakagising kay Kayden. Nang maisara ko na ay naghanap ako ng ballpen at papel sa kwartong kinalalagyan naming tatlo, buti nalang at meron akong nakita sa isa sa mga drawers na narito.

Went out to jog
-Trinity Blythe

Yan ang sinulat ko sa papel. Iniwan ko ito sa lamesahan at ipinatong dito ang ballpen para di ito mailipad. Nang nakalabas na ako sa dorm naming tatlo ay nagsimula na akong tumakbo paalis sa building na ito.

Nang makaalis na ako sa building ay tinahak ko ang daan kung saan ginanap ang race kahapon. Patuloy lang ako sa pagtakbo nung may tumawag saakin.

"Blythe!" tawag saakin ng isang boses

Lumingon ako sa likuran ko kung saan nanggagaling ang tunog ng hindi tumitigil sa pagtakbo, at doon ko nakita si Xander na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Binagalan ko ang pagtakbo ko para maabutan ako ni Xander.

"Good morning!~" ngiting bati saakin ni Xander nang maabutan ako "Good morning rin!~" pabalik kong bati habang nakangiti rin.

Ibinaling ko ang ulo ko sakanya saka nagtanong "Nag-jo-jogging ka rin pala?" tanong ko dahil di ko naman siya nakikitang nag-jo-jogging sa school grounds dati "Ahh, hindi naman talaga ako nag-jo-jogging, kanina ko lang napagdesisyonang mag-jogging dahil baka sakaling makatulong 'to sa activity." sabi niya habang tumatakbo kami.

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon