||• Chapter 23: Feelings •||

2.6K 54 4
                                    

Trinity Blythe's POV

Nakakainis talaga yung lalakeng yun kala mo naman kung sino...

As of now, nakabalik na kami nina Snow at Trish sa dorm namin... Pero hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung nangyari kanina... Shet!

"Huy Trinity ano bang nangyayare sayo?" tanong ni Trish na katabi ko na ngayon

"Oo nga kanina ka pa ganyan simula nung umalis tayo sa battle field... Atsaka ba't ka namumula?" segundo naman ni Snow

"W-wala 'to..." mahina kong sagot pero sapat na para marinig nila... Meron naman silang mind reading skills diba? Eh ba't di nila gamitin yun sakin? Hayst hayaan na nga

"Anong wala?! Magsalamin ka kaya para makita mo kung gaano kapula yang mukha mo!" pagpupumilit ni Trish

"Wala nga sabi eh" pagtanggi ko

"Wait... Dahil ba 'to sa...." pambibitin ni Snow

Biglang lumakas ang kabog ng puso ko sa sandaling yun dahil kinakabahan ako... Ewan ko rin kung bakit pero kinakabahan ako...

"Dahil ba 'to sa pag-kindat niya sayo?!" sabay... As in sabay na sinabi nila Snow at Trish yun, as if iisa lang yung iniisip nila... At hindi lang yun... Kinikilig pa sila! Psh

"Tss oo na dahil yun doon... Di ko kasi maalis sa isip ko" pag-amin ko

"Kyaaaaa!~" Kinikilig na sigaw ni Snow

"Yieeeee!~" Kinikilig din na sigaw ni Trish

"Teka nga! Ba't ba kayo kinikilig? Anong meron?" medyo naiinis na tanong ko

"Sagutin mo muna 'to..." Nakangiting sabi ni Snow

"Ano naman yan?" tanong ko... Hindi maganda ang pakiramdam ko sa tatanungin nila...

Bago pa nila ako tanungin kung ano man yun eh nagkatinginan pa sila habang nakangiti ng malapad... Tss weird!

"Hoy ano ba!! Wag nga kayong ganyan! Kinakabahan ako sa itatanong niyo sakin eh! Ano ba kasi-" naputol ako sa pag-huhurumintado ko dahil sa tanong nilang dalawa

"May gusto ka ba kay Phoenix?"

"A-ano?" tanong ko ulit dahik di ako sigurado sa narinig ko

"Ang sabi namin..." paninimula ni Snow

"May" -Trish

"gusto" -Snow

"ka" - Trish

"ba" -Snow

"kay" -Trish

"Phoenix?!" -Sabay nilang isinigaw ang pangalang Phoenix na siyang dahilan upang mas lalong mamula ang aking mukha at ang pagbilis ng tibok ng aking puso...

"A-ano bang p-pinagsasasabi niyo d-diyan ha?!" nauutal kong tanong na may kahalong konting sigaw

"Tinatanong lang namin kung may gusto ka sakanya pero mukhang alam na namin ang sagot kahit di mo pa kami sinasagot" Si Trish na nakatingin sakin, at hindi pa naalis ang malapad niyang ngiti mula kanina

"A-ano naman sana ang sagot sa tanong niyo?" tanong ko

"May gusto ka sakanya"  sambit ni Trish na halata ang kasiguraduhan sa mukha niya

"N-nababaliw na ba kayo?! Pano ako magkakagusto sa mayabang na yun ha?!" pagtanggi ko sa kung ano mang iniisip nila

"Hay nako Blythe! Wag mo na kasi itanggi... Halata naman eh... And don't forget the saying, 'Action speaks louder than Words'... Kaya wag ka na mag-deny kasi halata sayo, hahaha" tumatawa na paliwanag ni Snow sakin...

"Aish! Bahala na nga kayo jan! Pupunta na ako sa kwarto ko!" sigaw ko sabay lakad papunta sa kwarto ko, binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko at pumasok pero bago ko ito isara ay humarap ako sa direksyon nila at sumigaw

"Wala akong gusto sakanya!" sigaw ko sabay sara ng pinto

Sumandal ako sa nakasarang pinto at nagpadausdos pababa hanggang sa makaupo ako sa sahig...

◌⑅⃝●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌

A/N: Merry Christmas and a Happy New Year to  all of you!!! 😘

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon