Chapter 1

5K 83 0
                                    

2 years ago...
Sydney, Australia

Abala ako nagiimpake ng mga gamit ko dahil kailangan kong pumunta sa Melbourne para doon magpatayo ng sariling studio at magtrabaho. Isa nga pala akong professional photographer dahil iyon ang pangarap ko simulang bata pa lang ako. May isa pa akong dahilan kaya pupunta ng Melbourne kasi nandoon din nakatira ang aking fiancee na si Vanessa Crawford. Isa siyang sikat na model sa buong bansa. Biglang boyfriend niya ay proud ako sa kanya dahil na-achieved na niya ang kanyang pangarap.

"Enzo, do you really need to go?" Napatingin ako sa likuran ko habang nagaayos ng mga gamit. Nakatayo sa may doorframe ng kwarto ko ang kapatid kong si Gail.

"Yes, Gail. Alam mo naman malapit na rin ako ikasal kaya paguusapan na rin namin ni Van ang kasal pagbalik niya galing New York." Sagot ko sa kapatid. May photoshoot kasi si Vanessa sa New York at gusto ko rin siyang supresahin na mapapadalas na ang magsama naming dalawa. I love her so much kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya.

"Ugh, I hate her. Sana magising ka sa katotohanan." Sabi ni Gail bago pa siya umalis ng kwarto ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Alam ko naman mamimiss lang ako ng kakaisang kapatid ko kaya ganyan. Bibisita pa rin naman ako rito kapag wala akong ginagawa. O kaya every weekend.

"Enzo, may bisita ka!" Rinig kong sigaw ni mama. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Bad timing ang dating niya kung sino man siya.

Lumabas na ako sa kwarto para bumaba ng hagdan pero laking gulat ko ng makita si Aizen. Si Aizen ay kakaisang pinsan ko dahil nagiisang anak lang naman siya bago pa maghiwalay ang mga magulang niya. Close din kami sa isa't isa noong mga bata pa kami at mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon.

"Napapasyal ka yata dito. Hindi ka ba busy?" Tanong ko kay Aizen. Ngayon lang ulit nakabalik si Aizen sa Australia, ang akala ko nga ay nakalimutan na niya kami.

"Busy pa rin ako. Alam mo naman ang doctor, diba? Maraming ginagawang trabaho pero nagbakasyon na muna ako. Masyadong stress sa ospital ngayon."

"Alam mo bad timing ang punta mo ngayon. Mamaya na ang alis ko papuntang Melbourne tapos sabay ang dating mo."

"Ano ang gagawin mo sa Melbourne?" Kunot noo tanong niya sa akin.

"Doon na ako titira at baka gagawa na rin ng sariling pamilya. Your cousin already have a fiancee. I know she is the right girl for me kaya nagpropose ako sa kanya bago siya umalis papuntang New York."

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo, insan? I mean, hindi na ba magbabago ang isip mo dahil hindi biro ang pagpapakasal."

"Yes, it's 200% sure na ako si Van talaga ang babae para sa akin."

"Congrats. I'm so happy for you." Tinapik ni Aizen ang balikat ko pero napansin ko sa mga mata niya ang lungkot.

"What's wrong? May gumugulo ba sa utak mo ngayon?"

"Kahit matagal na panahon na rin nangyari pero ang hirap kalimutan ang ex girlfriend ko." Napakurap ako dahil hindi ko alam may naging ex girlfriend pala si Aizen hindi ko man lang alam. "She was my first love. Ang akala ko kasi siya na ang babae para sa akin pero iniwanan niya lang ako."

"It's okay, cous. Marami pa namang babae diyan para sayo baka mahanap mo rin siya balang araw."

"Sinubukan ko na makipag relasyon noong nasa US pa ako pero hindi ko magawang magseryoso sa isang relasyon ngayon. Ayaw ko lang siguro masaktan katulad ng ginawa ng ex ko sa akin noon."

"Ayos lang yan. Nandito naman kami pamilya mo, Aizen." Nakita kong ngumiti si Aizen.

"Mamayang gabi pa naman ang alis mo. Pasyal naman tayo dito dahil matagal tagal na rin ang huling punta ko rito."

"Sure. Kukunin ko lang sa taas ang camera ko."

Pumunta kami ngayon ni Aizen sa Royal Botanic Garden dahil ito lang ang magandang pasyalan kahit umaga pa. Pero hindi ko naman sinabing hindi maganda ang ibang pasyalan dito sa Sydney. Maganda nga pumasyal dito kapag gabi dahil maeenjoy ang sightseeing.

"Ano na ang plano mo pagkatapos mo dito?" Tanong ko kay Aizen habang kumuha ng mga litrato ng mga halaman.

"Kailangan ko rin pumunta ng Italy dahil doon kami magkikita ng kaibigan ko."

"Hanggang kailan ka dito?" Tumingin ako kay Aizen na ngayo'y nakaupo na siya sa bench. Tingnan mo ito nakaupo na siya, akala mo pa naman ang layo ng nilakad namin. For your information, sumakay kami ng cab para makarating kami dito sa Royal Botanic Garden.

"May 2-3 days."

Sasagot pa sana ako pero may nakita akong magandang babae dumaan sa harapan ko habang kumukuha ako ng litrato.

Who is she?

Para kasi siyang model ng isang women magazine. Sobrang ganda niya. Dyosa? Pwede. Pero may kasama siyang lalaki.

No doubt, boyfriend niya iyon.

Ang swerte ng lalaki dahil siya ang naging girlfriend noong babae.

"Enzo, ayos ka lang?" Napatingin ako kay Aizen nang magsalita siya.

"Huh? Ah, oo naman. Bakit mo natanong?"

"Tulala ka kasi kanina. Ano ba ang problema?"

"May nakita kasi akong magandang halaman kanina kaya iniisip ko kung anong klaseng halaman iyon. Naalala ko hindi nga pala ako isang botanist." Pagdadahilan ko. Imposible naman na-love at first sight ako doon sa babae kanina.

"Ang weird ka na, insan. Balik na lang ako sa hotel para makapag pahinga na ako. Baka maiwanan ka pa." Tumayo na ito sa kanyang kinauupuan.

"Oo na. Alam ko namang may flight pa ako mamayang gabi."

"See you next time. Baka susunod sa Melbourne naman ako bumisita at pasyal mo din ako doon ah." Naglakad na palayo sa akin si Aizen.

Ako pa yung tinawag niyang weird dahil natulala ako kanina sa babae, hindi sa halaman. Inaamin ko naman magaganda ang mga halaman dito.

Bumalik na ako sa bahay para magasikaso na ang alis ko papuntang Melbourne. Baka nga maiwanan talaga ako ng eroplano ko papuntang Melbourne. Wala kasi akong sariling sasakyan para makatipid pamasahe.

"Magiingat ka doon palagi, Enzo."

"Yes po, ma. Bibisita naman po ako dito every weekend." Nakangiting sagot ko kay mama at tumingin ako kay Gail dahil simula kanina ay hindi na ako kinikibo ng kapatid ko. "Gail, I know you hate Van pero siya talaga ang mahal ko. Sana matatanggap ko rin siya balang araw para sa akin. Ito lang ang hihilingin ng kuya mo."

"Hindi ako mangangako pero susubukan ko." Napangiti ako sa sagot ng kapatid. "Mahal kita kaya ayaw kong masaktan ka dahil sa kanya. Kapag nalaman kong sinaktan ka niya, baka makalimutan kong isa siyang sikat na model at ipahiya ko siya sa media."

"Ikaw talaga. Hindi naman gagawin ni Van iyon dahil alam kong mahal niya rin ako." Niyakap ko si Gail. Mahal na mahal ko rin ang kapatid ko. Ngayon lang kami magkakahiwalay na dalawa.

~~~

Hello, guys! Binago ko ang title ng story. From Catching Her Heart to Taming An Assassin.

Sana aware kayo na 2 stories ang mangyayari dito.

-Skye

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now