Chapter 23

1.2K 37 0
                                    

Eva's POV

Hinihimas ko ang umbok ko tyan. I'm 5 months pregnant pero hanggang ngayon hindi ko na nakita ang lalaking nakabuntis sa akin. Ang sakit kaya kasi hindi na siya nagparamdam sa akin at ang mas masakit pa hindi ko nga siya kilala. Wala siyang alam tungkol sa batang pinagbubuntis ko ngayon.

And I'm expected a baby boy.

"Ate, matagal ko ng gusto tanungin ito sayo. Sino ba talaga ang nakabuntis sayo? Eh, wala ka naman naging boyfriend o wala kang pinakilala sa aking boyfriend mo." Tumingin ako kay James. Wala kasi siyang project na gagawin ngayon. At least may makakasama ako dito. "Imposible naman instant pregnant ka na agad kahit walang lalaki humawak sayo."

"Loko ka talaga. Pero hindi ko kilala ang ama ng pinagbubuntis ko ngayon." Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya ng umupo siya sa tabi ko.

"Ano iyon ni-rape ka ng gagong iyon tapos iiwanan ka rin niya. Hayop pala siya ah."

"Huwag na natin siya pagusapan. Wala na rin tayo magagawa dahil nandito na rin naman ang bata." Pinahid ko ang luha ko na kanina pang pumapatak. Kung pwede nga lang ay makita ko siyang muli para sabihin sa kanyang binuntis niya ako.

"Kahit anong mangyari ay tutulungan kitang alagaan ang anak mo. Dito lang ako." Ngumiti ako sa kapatid ko. Ang swerte ko naman dahil nagkaroon ako ng kapatid katulad ni James. Kahit pasaway ang lalaking ito ay mahal na mahal ko siya.

"Ako ngayon buntis na. Ikaw, kailan mo balak magkaroon ng girlfriend? Pero siguraduhin mong yayain mo muna magpakasal bago buntisin ah."

"Si ate talaga. Dati pinagiinitan mo ang love life ko tapos ngayon ang sex life ko naman. Wala pa sa plano ko iyan."

"Hindi ka na bumabata, James. Iyon lang ang gusto kong sabihin sayo."

"Sige, kung sino ang unang babae magpapatibok ng puso ko ay liligawan ko na siya. Pero kapag wala, tatanda ako ng binata."

"Sige ka mumultuhin ka ni papa kapag wala kang naging asawa. Hindi iyon matutuwa kapag dito na magtatapos ang henerasyon ng pamilya natin." Panakot ko sa kapatid. Alam ko naman kasi takot itong si James sa multo. Kalalaking tao pero duwag naman.

"Hindi magandang biro iyan ah. Kakausapin ko na lang si papa na wala talaga akong napupusuan na babae ngayon. Maybe next year."

"Tingnan mo kasi si Aizen at mukhang malapit na rin ikasal si Luca ngayon. Hindi ba nagpropoae na siya sa kanyang girlfriend?"

"Sanay na rin ako mapag iwanan. Tingnan mo iniwanan nga rin ako ni Chuck." Biglang lumungkot ang mukha ni James. Namatay kasi si Chuck sa sunog at siya lang ang hindi nakaligtas. "Kawawa nga rin si Nika ngayon dahil walang kinilalang ama ang dalawa nilang anak."

"Napag iwanan ka na talaga. Kahit natuloy ang pagkasal ni Chuck sa girlfriend niya ay may mga anak naman sila. At sino pa nga ba yung bago niyong kaibigan?"

"Si Alex."

"Yes. Hindi ba kasal na rin siya sa kaibigan ni Aya?"

"Hay naku, ate. Huwag na nga natin pagusapan ang tungkol sa kasal kasal na iyan. Ang pagusapan na lang natin kung ano ang ipapangalan mo sa magiging anak mo."

"Now you mention that, gusto ko ipangalan sa kanya ay Chase."

"Chase..." Pag ulit ni James sa pangalan ng magiging anak ko. "Astig. Parang sanay siyang manghabol."

"Pasaway ka talaga." Kung hindi ko lang ito kapatid ay kanina ko pa siyang binatukan. "Pagpapahangin lang ako sa labas ah."

Paglabas ko sa bahay namin ay umupo ako sa upuan gawa sa bato para magpahangin. Marami kasing puno sa labas kaya hindi mainit.

Habang ineenjoy ko ang bawat hangin dumampi sa balat ko ay may nakita akong familiar. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon.

Kahit nahihirapan ako maglakad ng mabilis para lang puntahan siya ay ginawa ko pa rin.

"Wait!" Tawag ko sa kanya dahil tumalikod na siy sa akin. Sigurado akong nakita niya ako kanina. "Sabi ko teka lang, mr. Sungit! Hey!"

Humarap ulit siya sa akin pero nakasalubong ang mga kilay nito. Sana nga paglabas ng anak ko hindi masungit katulad ng lalaking ito.

"What do you want?"

"Ikaw ang kailangan. Hindi mo ba nakikitang binuntis mo lang naman ako tapos hindi ka na nagpakita sa akin pagkatapos may nangyari sa atin. Ganyan ka ba sa mga babae mo ah?"

"Excuse me? Sabihin mo sayo na ikaw pa lang ang unang babae ko." Lumabi ako sa asal mg lalaking ito. Bwesit siya.

"Gusto ko rin malaman ang pangalan mo." Pinagkrus ko ang mga braso ko. Kunwari mataray rin ako kahit hindi naman talaga ako mataray.

"Creed. Creed Nicholson."

"I'm Evalyn Fernandez pero tawagin mo na lang akong Eva."

"I know your name. Nakalimutan mo yatang assassin ako and also hacker."

"Inaalam mo ang personal information tungkol sa akin?"

"Not all. Ang alam ko lang namatay ang mga magulang mo sa isang car accident kaya ikaw na lang ang tumayong magulang sa kakaisa mong kapatid. Ngayo'y isa na siyang successful architecture."

"Ano na ang plano mo ngayon?"

"I can't marry you." Deretsong sagot niya sa akin. Walang alinlangan, eh.

"Huh? Bakit naman?"

"Mapapahamak lang kayo dahil sa trabaho ko. Marami akong naging kalaban sa bawat misyon na ginagawa ko. Pero pumapayag akong pagamit mo sa bata ang apilyido ko." Hiniwakan niya ang umbok kong tyan. "It's a boy or girl?"

"Boy. Pinangalan ko siyang Chase."

"Hi, Chase. Daddy's here. Be a good boy at huwag mong pahirapan ang mommy mo ah." Nakita ko ang pagngiti ni Creed. Ngayon ko lang siya nakitang ngiti at bagay sa kanya. Lumalabas ang pagiging gwapo niya pero masungit. Bawas pogi points.

"Magiingat ka sa lahat na misyon na ginagawa mo ah."

"Huwag mo na isipin ang tungkol sa akin. Hindi naman ako mamatay ng basta-basta. Ang gawin mo na lang alagaan mo ng maigi ang sarili mo at kapag nalaman kong hindi mo inaalagaan ang sarili ay magagalit ako sayo."

Kung hindi ko lang alam na wala kaming relasyon ay iniisip kong mahal niya ako at ayaw niyang mawala ako sa kanya. Pero asa naman. Isang assassin iyan kaya delikado ang paligid kapag kasama ko siya. Hindi naman pwede hindi ako lumapit kay Creed dahil balang araw ay hahanapin siya ng anak namin.

"I'm always here to watch over you." Hinalikan niya ako sa noo at nagpaalam na rin siya sa akin.

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now