Chapter 24

1.2K 37 0
                                    

Enzo's POV

Maaga kaming umalis ni Aria para puntahan ang ospital na sinasabi niya kung saan nakaconfined ang ama ko. Hindi namin sinama si Rina dahil abala siya makipag laro kay Gail. Ang saya nga ni Gail sa tuwing kasama niya si Rina parang kababatang kapatid lang niya ang anak namin ni Aria.

"Ito na ang hospital room ni Dennis Evergreen." Sabi ni Aria nang nakatayo kami sa labas ng kwarto. May pangalan naman ng pasyente kung sino ang nandito.

Binuksan ko na ang pinto. Ano pa ba saysay kung kakatok ako kung wala naman siyang kasama. Wala naman sa amin ang nakaalam kung ano nangyari sa kanya.

When I saw a man's lying on a bed, hindi ako makapaniwala na siya nga ito. Hindi ako pwedeng magkamali.

Gusto ko magalit sa kanya pero sa ganitong sitwasyon niya ay hindi ko magawa. Gusto ko ilabas ang lahat na sama ng loob ko sa kanya pero hindi ko magawa.

Isa lang ang pumapasok sa utak ko ngayon, he still my father.

Kahit sa mahabang panahon nawala kayo sa tabi namin ay ikaw pa rin ang hinahanap ni mama gabi-gabi. Sana magising ka na para bumalik ka na sa amin, dad.

Pinunasan ko ang luha ko na kanina pang pumapatak habang kinakausap ko ang ama ko sa aking isipan. Even I hate him but he still my father. Kahit baliktarin ko pa ang mundo ay siya pa rin ang ama ko.

Lumabas ako agad sa kwarto dahil hinihintay ako ni Aria sa labas. Gusto kasi niyang makausap ko magisa ang ama ko.

"How is it? Nakumpira mo na ba siya ang iyong ama?" Tanong ni Aria sa akin.

"Yes. Siya nga si Dennis Evergreen, ang nawawala kong ama."

"Magiging maayos ang lahat, Enzo."

Paguwi namin sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto dahil gusto ko na muna makapagisa ngayon. Gusto ko rin magisip sa tahimik na lugar. Kung paano ko ba sasabihin kila mama buhay ang asawa niya.

"Enzo?" Tumingin ako sa tumawag sa pangalan ko. "Nagaalala ako sayo dahil bigla ka na lang tumahimik nang makaalis tayo ng ospital. What's the problem?"

"I don't know how to tell mom about dad. I know how she wants to see him. How much she missed him. Damn."

"You have tell them, Enzo. Kailangan nila malaman ang totoo."

Hindi na ako sumagot pa kay Aria dahil hinalikan ko siya sa kanyang mga labi. Hindi talaga nakakasawang halikan ang mga labi ni Aria. Kung pwede nga lang araw-arawin ko ang paghalik sa kanya ay matagal ko ng ginawa.

Pinahiga ko na siya sa kama habang patuloy pa rin ang paghahalikan naming dalawa. Sabi ko nga hindi ako mangangakong hindi ko siya mabubuntis ah. Lalaki ako at may needs din ako.

Pagmulat ng mga mata ko ay tumingin ako kay Aria habang natutulog siya ng mahimbing sa tabi ko.

"I can't thank you enough but thank you for coming to my life, Aria." Bulong ko sa kanyang tenga sabay halik sa pisngi nito. Bumangon na rin ako para pulutin ang mga damit ko sa sahig.

Bumaba na rin ako ng hagdanan pero nadatnan ko si mama abalang nanonood ng tv ngayon kaya tinabihan ko na siya.

"Si Aria, Enzo?"

"She still sleeping." Natahimik ako bigla dahil naalala ko na naman ang sarili kong ama. He's alive pero nasa comatose stage nga lang siya. "Mom."

"What is it, son?"

"What will you do if you find out dad is still alive?"

"Bakit gusto mo naman natanong iyan, Enzo?" Nakikita sa gilid ng mata ko nakatintin sa akin si mama.

"Sa mahabang panahon po siyang wala sa atin pero nalaman kong buhay siya." Narinig ko ang paghikbi ni mama kaya humarap na rin ako sa kanya. "Mom, don't cry."

"S-Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo, Enzo?"

"I'm very sure. I saw him with my two eyes. Kahit matagal na rin po ang huling kita ko sa kanya ay hindi ako pwedeng magkamali."

"Saan si Dennis? Saan mo siya nakita?"

"Sa ospital pero nasa comatose siya ngayon."

"I want to see him, Enzo. Samahan mo ko bukas."

"I will. I know you wanted to see dad."

"What's going on? Bakit umiiyak si mama? Bakit mo pinaiyak, Enzo?" Sunod-sunod na tanong ni Gail pagkakitang umiiyak si mama.

"Ang kapal ng mukha mo, Gail. Hindi ko naman iyon magagawa kay mom."

"Daddy!" Nakita ko ang pagtakbo ni Rina papalapit sa akin kaya pinaupo ko na siya sa kandungan ko.

"Bakit naman umiiyak si mama?"

"I saw our father earlier and I told mom everything."

"Talaga? Nasaan siya ngayon? Bakit hindi pa siya bumabalik sa atin? Pero wala naman akong maalala kung ano ang itsura niya."

Bata pa lang kasi si Gail noong nawala ang ama namin kaya siguro wala siyang maalala kung ano ang itsura nito.

"We're going to hospital tomorrow, Enzo."

"Hospital? Ano ang gagawin natin doon?"

"Malalaman mo rin kapag nandoon na tayo bukas. Dapat kasama ka rin, Gail."

"Daddy, saan po si mommy?" Tumingin ako kay Rina nang tanungin niya ako.

"Your mom still sleeping." Nakita ko ang pagngiti ng malapad ni Gail kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

Nakita ko na rin ang pagbaba ni Aria at lumapit naman sa kanya ang anak namin.

"Kailan mo naman balak yayain si Aria pagpakasal? Hindi ka na bumabata, Enzo."

Kahit rin naman ako gusto ko ng yayain si Aria magpakasal pero ang daming problemang dumadating sa amin tapos dumagdag pa ang nangyari kay dad. Hindi ko rin sabihin kay mama ang pagbanta ni Vanessa noon sa akin.

Wala na rin naman akong balita kung ano na ang nangyari kay Vanessa o kung nasaan siya ngayon. Matagal na rin siya hindi magpapakita sa mga media ngayon kasi siya palagi ang center of attraction dahil palagi niyang inaanunsyo ang tungkol sa kasal kuno namin.

"Soon, mom. Pagkatapos ng lahat na problema natin, yayain ko na si Aria magpakasal." Nakangiting sagot ko kay mama. I know Aria is the right girl for me. Not because she is the mother of my daughter but that what my heart said.

I love her till do us part.

Taming An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon