Chapter 18

1.2K 30 0
                                    

Ilang buwan na rin ako rito sa Pilipinas para hanapin lang si Aria pero palagi naman akong bigo sa paghahanap sa kanya. Kulang na lang ay sumuko na ako sa paghanap.

Nagpasya ako pumunta sa bar pero nakita ko si Buck. Kaya lumapit na ako sa kanya.

"Buck." Lumingon siya sa akin.

"Hey, Enzo. Nasa itaas ang iba." Napakurap ako dahil nandito rin pala yung ibang kaibigan niya.

Sumama na rin ako may Buck para puntahan ang iba. Kahit malayo pa lang kami ay rinig na rinig na namin ang ingay nila sa loob ng VIP room. Nakalimutan yata nilang hindi sound proof ito.

"Hey, guys." Pag agaw ko ng atensyon nilang lahat.

"Bakit nandito ka pa rin?" Bungad ni Aizen sa akin. Ang sweet talaga ng pinsan ko kahit kailan.

"Wow. You're so sweet as ever."

Inirapan na lang ako ni Aizen at tumingin naman siya kay Alex.

"Alex, ang tahinik mo naman yata." Sabi ni Aizen dahilan para napatingin kaming lahat sa kanila.

"Huh? Ah, iniisip ko lang yung sinabi ni mama sa akin noon."

"Ano iyon, pre?" Tanong ni Luca.

"Pinapauwi ako sa states."

"Ano?! Paano naman ako?" Ang bakla naman pakinggan ng sinabi ni Aizen. Kung hindi ko lang alam kasal na itong pinsan ko baka iisipin kong bakla siya. "Hindi ko naman kaya hawakan yung ospital na magisa."

"Alam ko naman kaya mong hawakan ang ospital habang wala ako. Babalik rin naman ako agad."

"Pumapayag kang bumalik ng states?" Tanong ulit ni Luca pero ngayon ay seyoso na ang mukha. Nakakaramdam ako na hindi magandang atmosphere.

"Yes. Bakit?"

"Alam ko may gusto ka kay Callie dahil sa tuwing nagkasama kayo ay masaya siya sayo."

Sinong Callie?

Ah. Naalala ko na kung sino iyon. Siya iyong naging bridesmaid ni Aya noong kasal niya.

"Totoo ba iyon, Alex?! Eh, tomboy ang kaibigan ni Aya." Hindi naman makapaniwala si Buck.

"Yes, since I met her." Tumingin naman si Alex kay Luca. "Ganoon ka rin naman. Akala mo hindi ko mapapansin noong kasal ni Aizen."

"Totoo oala ang sabi ni Aizen na may gusto ka kay Callie, Luca." Nagsalita muli si Buck.

"Yes, hindi ordinaryong babae si Callie kaya siguro nagustuhan ko rin siya."

"Pero ang alam nating lahat hindi ka pumapasok sa isang seryosong relasyon." Tugon naman ni Aizen.

"Mas mabuti pang huwag mo ng ituloy kung ano ang plano mo, Luca." Sa haba ng oras ay ngayon lang nagsalita si Chuck. Ang tahimik kasi niya kanina.

"Sang ayon ako kay Chuck. Kung hindi lang buntis ang asawa ko baka masuntok ka noon pag nalan niyang pinaiyak ko ang kaibigan niya. At hindi lang iyon malalagot ka rin kay Caleb."

"Yung Caleb yung kakambal, no?" Tanong ni Alex.

"Yes, katulad ni Aizen magaling rin sa basketball si Caleb at mabait. Hindi siya nagagalit na walang dahilan, hindi katulad ni Callie." Kwento ni Buck. So, isa pa lang war freak ang Callie na ito.

May narinig akong tumunog na phone and I'm sure it's not mine. Iba ang ring tone ng phone ko.

"Aya, bakit?" Napalingon ako kay Aizen.

"Lad, what's wrong? Bakit ka tumatawag?"

Nakita ko rin napatayo si Aizen sa kanyang kinauupuan dahilan para mapalingon sa kanya ang iba.

"Okay. Pupunta na ako diyan." Binaba na rin ni Aizen ang phone niya.

"What's wrong, cous?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman ganito ang magiging mukha ni Aizen kung walang problema. I know him.

"Sinugod si Aya sa ospital. Kailangan kong pumunta doon."

"Sama kami. Gusto rin namin malaman ang kalagayan ni Aya."

Nakisakay na ako sa kotse ni Aizen dahil ako lang naman ang walang kotse dito. I feel like I'm poor.

"Everythin's okay."

"I know. Alam ko namang malusog ang kambal."

Pagkarating namin sa ospital ay sabay sabay kami nakarating at dumeretso kami sa emergency room. Dahil hindi naman pwede marami ang pumasok sa loob kaya si Aizen na lang ang papasok.

"Sana walang mangyaring masama kay Aya." Tumingin ako kay Buck.

"Walang masamang mangyayari sa kanya."

Nakita na namin lumabas si Aizen kasama niya si Eizen ang panganay nila at may kasama pa siyang babae. Siya yung kaibigan ni Aya.

"Musta na si Aya?" Tanong ni Buck.

"Aizen, alis na ako. Balitaan mo na lang ako kung kamusta na si Aya ah." Sabi niya kaya tumango na lang ang pinsan ko.

"Nasa delivery room na ngayon si Aya."

"Nandito na pala ang kambal mo, Aiz." Masayang sambit ni Buck.

Masaya rin ako para sa pinsan ko dahil parating na ang kambal nila. Ako kaya kailan magkakaroon ng anak? Naunahan pa ako ni Aizen.

"Oo nga, eh."

"Maghintay na tayo sa labas ng delivery room." Tugon ko kaya tumango sa akin si Aizen.

Pagkarating namin sa delivery room ay wala pang doctor na lumalabas.

"Magiging okay lang po ba si mommy at mga kapatid ko, daddy?" Tumingin ako kay Eizen dahil halatang nagaalala siya sa nangyari kay Aya.

"Yew, lad."

"Hi, Eizen." Lumuhod ako sa harapan ni Eizen.

"Hello po, tito Enzo."

"I'm sure you're hungry. Tara na muna sa canteen." Pag alok ko kay Eizen para makakain na muna siya.

"Baka hindi ka pa kumakain, lad."

"Okay po, daddy."

Sinamahan ko na nga si Eizen sa canteen at umorder na kami ng isang burger steak para sa kanya.

"Tito, magiging okay po ba sila?"

"Walang masamang mangyayari sa mommy at mga kapatid mo. Kaya huwag ka magisip."

"Natakot po kasi ako kanina at mabuti na lang nasa bahay rin si tita Callie."

"Magiging maayos ang lahat." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Bumalik na kami sa iba pero karga ko na si Eizen ngayon dahil nakatulog na ang bata.

"Nakatulog na siya. Pagod yata." Sani ko ng nakabalik na ako.

"Pwede bang hatid mo na si Mykiel sa bahay?" Inabot sa akin ni Aizen ang susi ng kanyang kotse.

"Sa bahay ko na lang kaya muna si Eizen? Para may kasama siya."

Bahay mo, Enzo? Paalala ko lang sana sayo wala ka sa Australia ngayon.

"Salamat, Enzo." Ngumiti lang ako sa pinsan ko.

"Balitaan mo na lang ako ah." Tumango naman siya sa akin kua nagpaalam na rin ako sa iba.

Taming An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon