Chapter 15

1.2K 34 1
                                    

Pagsapit ng gabi ay pumunta na nga kami ni Creed sa may pier at inaasahan na namin maraming bantay nagbabantay sa labas ng factory. Nagtatago nga lang kami sa likod ng isang malaking pader malapit sa factory. Binigyan ako ng signal ni Creed kapag napatumba na niya ang lahat na bantay sa labas.

Napahanga ako ng patumbahin na niya ang kalalakihang bantay ng factory kahit nagiisa lang siya. Hindi na nakakapagtataka kung bakit siya ang kinuha ni Harry para maging partner ko sa misyong ito. Isa kasing magaling assassin si Creed pero mas magaling siya tumarget sa malayuan kumpara sa combat battle.

Nabkita ko na rin binigyan na ako ni Creed ng signal kaya sumunod na ako sa kanya. Ang sunod na ginagawa niya ay ang ininsert ang passcode para mabuksan ang pinto ng factory. Ang galing talaga niya dahil nabuksan niya ang pinto na walang kahirap hirap.

"Baka main love ka na sa akin ah." Nakangising sabi nito sa akin.

"Asa ka pa. Trabaho na muna ang asikasuhin natin ngayon bago ang ibang bagay. Gusto ko na rin umuwi." Nagtatago ulit kami sa pader dahil may mga nagtatrabaho pa rin sa ganitong oras. "Ano ang gagawin natin?"

"Leave this to me." Nakita ko ang pagsuot niya ng mask at may binato siyang grenade-liked pero isa pa lang smoke bomb. "Suotin mo na ang binigay kong mask sayo kanina."

Sinuot ko naman yung mask bago pa sumunod sa kanya. Nakikita kong nahihirapan siya sa pangalawang passcode dahil kailangan ng finger print dito para maaccess ang code.

"Marupok na ang mga pinto dito. Kapag pinuwersa ko ito ay masisira agad ang pinto." Isang malakas na sipa ang ginawa ni Creed para masira ang pinto.

Hinubad na rin namin ang mask nang nakapasok na kami sa huling kwarto. Alam kong ito ang kwarto kung saan makikita ang vault na iyon.

"Creed, ito na yung vault naglalaman ng isang serum." Sabi ko at lumapit naman sa akin si Creed.

"Buksan mo na yung vault bago pa magising ang mga tauhan ni Enzo. Kahit anong oras ay pwede sila magising at mahuli pa tayo." Utos niya sa akin at agad ko naman pinaikot ang switch ng vault para magbukas until I heard a click sound. Nabuksan ko na ang vault kaya binuksan ko na bago kunin ang bote ng serum. "Malapit na natin matapos ang mis--"

Pareho kasi kami ni Creed nagulat nang biglang tumunog ang buong factory.

"Shit, kailangan na natin umalis dito. Kundi pareho tayo mapahamak." Hinawakan na ni Creed ang kamay ko at sabay na rin kami tumakbo palabas ng factory. Paglabas namin ay nakarinig ako isang helicopter. Iyon na siguro ang sundo namin.

"Mauna ka na, Creed." Sabi ko sa kanya.

Pagkababa ng ladder sa helicopter ay nauna na ngang umakyat si Creed at paakyat na sana ako biglang may tumawag sa akin.

"Aria?" Pareho kasi kami ni Enzo nagulat.

"Enzo, I..."

"Aria, bilisan mo!" Napaangat ako ng tingin dahil sa sigaw ni Creed. Napahawak na lang ako sa ladder bago pa umalis ang helicopter na hindi man lang nasabi kay Enzo. Ngayon alam na niya kung ano ako kaya sigurado akong galit na siya sa akin.

I'm sorry, Enzo.

Pagkarating namin sa head quarter ay bumaba na kaming lahat kahit ang mga tauhan ni Harry. Alam kong isang mayaman si Harry dahil handa siyang magbayad sa amin na malaking halaga para sa serum na ito.

Pero may tumakip sa ilong ko at biglang nanghina ang buong katawan ko sa pinaamoy sa akin.

"Creed..." Iyon na lang ang huling nasabi ko bago pa ako nawalan ng malay.

Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam pa rin ako ng hilo sa nangyari kanina. Damn, nasaan na ba ako? Ano ba nangyari? Si Creed? Wala ang partner ko dito sa kwartong ito kung saan ako ngayon.

"You are finally wake up." Sabi noong kalbong may peklat sa mukha at may inabot siya sa akin isang plato ng pagkain. "Now, eat!"

Tumayo na rin ako bago pa siya tumalikod sa akin. Mabuti na nga lang binigay sa akin ni Creed kanina ang isang stun gun bago pa namin ginawa ang misyon kaya ginamit ko sa kalbong iyon ang stun gun at natumba na nga siya sa harapan ko. Kinapa ko siya kung may baril ba siya. May isa siyang caliber 45 at tiningnan ko rin kung may bala ba ito.

Ang swerte ko. Maraming bala pa ito.

Hindi na muna ako magiisip ng ibang bagay dahil ang kailangan ko lang ay mahanap ko si Creed. Kailangan ko rin siyang iligtas.

Sa tingin ko ay nasa isang basement ako ng head quarter ni Harry at gusto niyang ipapatay kami ni Creed kapag natapos na itong misyon. Akala siguro niya mauutakan niya ang isang assassin na katulad ko dahil maling tao ang kinalaban niya. Ako yata si Aria Bailey, isa sa mga magagaling na assassin. Bata pa lang ako ay may nag-train na sa akin humawak ng baril pero hindi siya isang assassin kundi isa siyang mafia. I'm a former member of his mafia pero sa kalagitnaan ng misyon ko ay tumakas ako at hindi na nagpakita pang muli sa kanila. He always hunted me.

May nakita akong dalawang bantay sa labas ng isang kwarto. Sa tingin ko ay nandoon nila kinulong si Creed and I have no other choice because I need to save my partner. Pinatumba ko ang dalawang bantay gamit ang caliber nakuha ko kanina. Kinuha ko na rin ang baril nila, just incase.

"Creed, nandiyan ka ba?"

"Hello?" Kumunot ang noo ko dahil hindi boses ni Creed ang nasa loob.

"Whoever you are. Stay back because I'm going to open this door." Hindi ko alam kung umatras ba siya o hindi. Hindi ko na problema kung nabaril ko siya dahil hindi siya sumunod sa akin.

Pagputok ko sa baril ay agad ko binuksan ang pinto. Mas lalong kumunot ang noo ng makita ko kung sino itong nasa harapan ko. He looks familiar

"Thank you, miss."

"You better leave this place. It's dangerous here." Hindi maalis ang tingin ko sa kanya dahil iniisip ko kung saan ko ba siya nakita. "Wait, are you Trevor Santiago?"

"Yes, I am."

Buhay ang kaibigan ni Enzo. Kapag nalaman niyang buhay ang kanyang kaiban ay matutuwa iyon panigurado ako.

Sinamahan ko na siya para makabas siyang buhay pero nakarinig akong putok ng isang baril.

Creed!

Kailangan kong puntahan si Creed ngayon kaya iniwanan ko na si Trevor sa may helicopter dahil mas ligtas na doon bago pa ako bumalik sa loob para hanapin si Creed.

"Can you tell to your partner the truth?" Kumunot ang noo ko. Anong katotohanan iyon?

Taming An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon