Chapter 5

1.6K 47 0
                                    

Present...

Aria's POV

Palakad lakad lang ako sa loob ng bahay ko pagtapos kong kausapin ang kliyente namin ng partner, but I don't consider him as my partner dahil minsan nakakairita siya. Daig pang boyfriend ko sa masyadong pakialamero sa ginagawa ko. I really want to remind him he is not my boyfriend, don't act like one.

"Anong petsa na at mabuti na isipan mo pang magparamdam sa akin, Creed? Tumawag ang kliyente natin at galit na siya dahil dalawang taon na pero hindi pa rin natin malaman kung nasaan ang serum na pinapahanap niya sa atin! Hindi niya pwede ibigay ang misyon na ito sa ibang assassin."

May duda na akong may kinalaman si Enzo kung saan makatago ang serum dahil napag alaman ko ang gumawa sa serum ay ang matalik niyang kaibigan na si Trevor Santiago. Pero ayaw ko naman ipahamak si Enzo dito at kailangan ko pa rin pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Sorry, Aria. Traffic sa lahat na daanan papunta dito sa inyo."

Hindi ko pa pala nasasabi pagtapos ng beach party ni Gail, ang kapatid ni Enzo ay kinausap ko na muna si Creed na bumalik na muna kami ng Pilipinas. Gusto ko na muna magisip sa nangyayari sa akin. Ni minsan ay hindi ako nag-share sa nangyari sa akin noon. Tungkol sa pagpatay sa pamilya ko. Kay Enzo pa lang pero dahil suot ko ang earpiece noong panahon iyon ay sigurado akong narinig rin ni Creed.

"Whatever. Kailangan na natin magasikaso na dalawa para matapos na itong misyon." Naghilamos ako ng mukha gamit ang palad ko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon.

"All you need to go back in Australia, Aria. You have to face him again. Kahit ayaw mo na siyang makita ay siya lang ang susi para mahanap natin ang serum na pinapahanap sa atin ni Harry." Nanigas ang buong katawan ko pero hindi pwede magkita ulit kami ni Enzo. Umalis ako ng walang paalam sa kanya. At sa loob ng dalawang taon ay pinutol ko ang ugnayan sa kanya. "I hate to say this but you also have to tell him about Rina."

Si Rina ang bunga noong gabing naglasing at may nangyari sa aming dalawa ni Enzo. Walang maalala si Enzo sa nangyari kaya hindi ko na pinaalala sa kanya at sigrado akong kasal na siya ngayon. Dahil ang balita ay nagkabalikan na sila ng dati niyang fiancee na si Vanessa Crawford.

"No, no. Hindi ko iyan gagawin dahil ayaw ko makasira ng isang relasyon. Isa akong assassin at pumapatay lang ako ng tao kung kailangan pero hindi ako manimira ng isang relasyon, Creed."

"Aria, you have to do this -- I mean for our mission. Hindi ba gusto mong matapos na itong misyon natin? Kaya gawin mo na ito. Siya lang talaga ang susi natin para mahanap kung saan ang serum na iyon. Isipin mo sa loob ng dalawang taon ay hindi mo pa nakakasama ng matagal si Rina dahil kailangan natin asikasuhin ang misyon na ito."

Tama si Creed. Gusto ko ngang makasama ang anak ko ng matagal. Simulang pinanganak ko si Rina ay minsan ko na lang siya nakakasama dahil sa misyon na ito. Kailangan ko talaga gawin ito para matapos na.

"Fine, gagawin ko na." Sabi ko kahit labag sa kalooban ko. May chance na magkikita muli kami ni Enzo pero gagawin ko ito para sa misyon ko, hindi para sa kanya at hinding hindi niya malalaman ang tungkol kay Rina.

"Heto ang gadget na kailangan mo para sa misyon." Binigay sa akin ni Creed ang isang earpiece. "Kahit nandito ako sa Pilipinas para alagaan si Rina ay may communication pa rin tayo para pagusapan ang misyon. Kakamustahin na rin kita."

"Kailan ba ang alis ko papuntang Australia?"

"Mamayang gabi na."

Mamayang gabi?

Wala na ako magagawa dahil kailangan ko na talaga ito matapos agad. Hindi na ako magpapaalam sa anak ko dahil hindi naman niya maiintindihan ang ginagawa ko at sana balang araw ay hindi maging katulad ko si Rina na isang assassin.

Hintayin mo ang pagbalik ni mommy, Rina.

"Mommy?" Lumingon ako dahil gising na ang anak ko habang kumukusot ito ng mata.

"Yes, baby?" Kinarga ko na si Rina.

"I'm hungry." Tumingin naman siya agad kay Creed. "Daddy Creed!"

"Hi, Rina."

Ang akala kasi ni Rina si Creed ang daddy niya dahil si Creed ang nakikita niya palagi kong kasama. Hindi naman pinigilan ng lalaking ito kahit alam naman niyang hindi siya ang ama ni Rina.

"Ikaw na muna bahala kay Rina habang nagtitimpla ako ng gatas niya." Binigay ko si Rina kay Creed. Pumunta na rin ako sa kusina para magtimpla ng gatas sa bote ng anak ko.

Bumalik na ako sa kanila pero kumunot ang noo ko sa narinig ko ang sinabi ni Rina kay Creed.

"Gusto ko po kayo na lang ang magiging daddy ko. Hindi naman po ako mahal ng tunay kong daddy kasi wala dito sa tabi namin ni mommy."

May alam si Rina ang tungkol sa tunay niyang daddy? Ni minsan ay hindi ko binabanggit kay Rina ang tungkol kay Enzo. Teka, parang kilala ko na kung sino ang nagsabi sa anak ko.

Binigyan ko ng isang masamang titig si Creed at mukhang nakaramdam naman siya sa titig ko. Humanda ka talaga sa akin lalaki ka.

"Baby, heto na ang gatas mo." Binigay ko na kay Rina ang bote ng kanyang gatas.

"Thank you, mommy."

"Bakit ganoon ka makatingin sa akin kanina? Para bang papatayin mo na ako sa titig mo."

"Maguusap tayong dalawa mamaya at humanda ka sa akin."

"Wala naman akong ginagawang masama, Aria. Kung tungkol sa sinabi ni Rina kanina ay hindi ko inaasahan sasabihin niya iyon at ikaw pa nga nagsabi sa akin na dapat sabihin sa bata na hindi ako ang tunay niyang ama. Ginawa ko naman."

Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin kay Rina ang tungkol sa daddy niya balang araw dahil alam ko naman hindi ko maitatago ang tungkol kay Enzo. Malalaman at malalaman rin ni Rina kung sino talaga ang ama niya. Hindi ko naman pwedeng sanihin sa anak ko na may sariling pamilya na ang daddy niya. Ang gusto ko mangyari kahit hindi niya kilala si Enzo ay mahalin niya rin. Hindi ko kasi alam na buntis ako bago pa ako bumalik ng Pilipinas.

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now