Chapter 10

1.3K 38 0
                                    

Enzo's POV

Nalaman kong malapit na ikasal ngayon ang pinsan kong si Aizen kaya nagpasya akong bisita ulit siya. Sigurado naman akong nasa ospital iyon ngayon.

Pagpunta ko sa ospital ni Aizen ay nakita ko siya sa billing. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa billing? Pero nakita ko rin siyang paalis na sa billing kaya lumapit na ako sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo kanina sa billing?" Napasulyap naman si Aizen sa akin habang naglalakad papunta sa elevator.

"Nandiyan ka pala. Binabayaran ko lang yung hospital bill ng isang pasyente ko. Narinig ko kasi kanina ay namomoblema sila sa babayarin dahil isang linggo nakaconfined ang pasyente ko."

"Kaya pala ikaw na ang nagbayad. You're so kind, cous."

"Maya na lang tayo magusap, Enzo. Kailangan ko pang magrounds sa ibang pasyente ko at pumunta ka na lang sa clinic para doon maghintay."

"Okay."

Pero dahil sa 2nd floor ang baba ko pero si Aizen ay sa ibang palapag ang baba niya dahil kailangan pa daw niya magrounds ng mga pasyente. Bad timing yata ang pumunta ko ngayon dahil masyadong busy ni Aizen.

Nakarating na ako sa clinic ni Aizen kaya kumatok na muna ako bago buksan ang glass door ng clinic niya. Nandito rin ang girlfriend and soon to be wife ng pinsan ko.

"Hi." Bati ko sa kanya kaya napaangat siya ng tingin sa akin.

"Aizen isn't here."

"I know. Nagkita kami kanina bago ako pinapunta dito."  Lumapit ako sa desk niya. "I haven't get your name yet."

"Aya. Aya Collins."

"Nice to meet you, Aya. I'm Enzo and I'm sure you know already I'm Aizen's cousin."

"Yes, he told me before about you."

"I'm glad." Nakahinga pa ako ng maluwag dahil doon. "Ang balita ko ay ikakasal na kayong dalawa. Mukhang mauunahan pa niya ako but congrats."

"Hindi ba may fiancee ka?"

"Yep, I have."

I don't know if I consider her as my fiancee or girlfriend. Kahit ilang araw akong wala sa Australia ay alam kong niloloko pa rin niya ako. Hindi ako tanga para hindi ko iyon malalaman agad, she still used me. Tingnan na lang natin kung hindi masisira ang iniingatan mong reputasyon.

"If you don't mind bakit ka pa humahabol sa ibang babae?" Tanong niya sa akin. Kahit pala iyon ay nasabi ni Aizen kay Aya.

Hindi mawala sa isip ko noong bumisita si Aria sa hotel room ko at noong hinalikan niya ako bigla para bang sabik siyang halikan ulit ako. Pero ang hindi ko makakalimutan ang may nangyari sa amin noong gabing iyon. Hindi ko naman pwedeng sabihin niloloko ko si Vanessa pero siya mismo ang niloko ako sa simula pa lang.

Kung magkaroon man bunga ang nangyari sa amin ay handa akong panagutan sila Aria. Tatapusin ko na rin ang kalokohang relasyon na ito.

"I don't really mind. Malalaman at malalaman rin naman ang iba ang tungkol dito." Umupo na ako sa silya malapit sa desk nito. "Hindi ko rin alam kung bakit pero noong pagkakita ko sa kanya ay nahulog na ako sa kanya. Ang bait niyang babae."

Totoo iyon dahil sa tuwing kasama ko si Aria ay masaya ako at para bang ayaw ko na siya mawala pang muli sa akin.

I love her.

Yes, I love her. Ngayon alam ko na ang sagot sa matagal ko ng hinahanap. Mahal ko si Aria at handa akong ipaglaban siya sa kahit ano o kahit sino.

Nakita ko ang pagtango ni Aya.

"Ikaw... bakit si Aizen?"

"He is my classmate since elementary until high school. Ayaw ko talaga sa kanya dahil palagi niya ako pinagtritripan noon."

"Until you fell in love?"

"Hindi." Umiling pa siya ng kanyang ulo. "He is my first love. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya dahil palagi kami nagaaway sa tuwing nagkikita kami."

"Oh. The more you hate, the more you love. That's nice." Nakangiting saad ko sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng inggit kay Aizen dahil makakatuluyan niya ang babaeng minahal niya ng buong buo. "You know, boto ako sayo para kay Aizen. Sa tuwing bumibisita kami dito ay palaging dumidikit sa akin si Aizen noong bata pa siya kaya hanggang ngayon ay close pa rin kami isa't isa."

Nakaramdam ako na may parang humampas sa ulo ko kaya hinimas ko na ang ibaba ng ulo ko.

"Ow." Lumingon ako sa likod. Nakabalik na pala si Aizen galing sa rounds niya. "What is that for?"

"Are you flirting my fiancee?"

"Ang brutal mo and I didn't flirt with your fiancee. Naguusap lang kaming dalawa at may mahal na akong iba kaya nga nandito ako sa Pilipinas ngayon."

May mahal na akong iba.

Proud talaga ako na mahal ko si Aria. Sana nga si Aria na ang babae para sa akin.

"Kung hindi dahil sa kanya hindi mo iisipang umuwi kung saan ka nanggaling."

"Busy lang talaga ako sa trabaho. Mabuti nagawan ko ng paraan."

"Ano pala ang kailangan mo kung bakit nandito ka?"

"Malapit ka na rin naman ikasal, Aiz. Why we don't have a stag party?" Tanong ko. Sana naman pumayag si Aizen dahil minsan nga lang ikakasal ang isang couple.

"Thanks but no thanks."

"Come on! Minsan ka nga lang ikasal kaya pumayag ka na." Tumingin ako kay Aya para sabihin sa kanya na payagan niya si Aizen.

"Fine by me, hubby. As long as you won't cheat on me."

"Oh, pumayag na si Aya kaya sumama ka na and invite your friends na sina Chuck, Buck at Luca." Sabi ko. And I know his friends dahil simulang mga bata pa lang sila ay magkakasama na. Hindi nga naghihiwalay ang apat.

"What?! Fine, alam kong marami ang pinagsamahan naming apat. And I should invite Alex as well."

"The more the merrier."

Nagpaalam na ako sa kanila dahil para bang gusto ko ulit makita si Aria pero wala akong ideya kung saan siya nakatira. Wala kasi siyang binigay na address kung saan siya nakatira ngayon kahit rin naman sa Australia ay wala siyang binibigay sa akin masyadong information tungkol sa kanya. Masyadong mystery si Aria maliban na lang tungkol sa dark past niya.

Naisipan kong tawagan na lang si Aria. Kumunot ang noo ko noong isang ring lang tapos hindi ko na ulit siyang matawagan. Text ko na nga lang siya.

To Aria,
Are you busy today? If not let's meet.

From Aria,
Sorry, Enzo. Busy ako sa work ngayon. Maybe next time.

Napasimangot ako dahil busy siya ngayong araw. Isa lang ibig sabihin noon ay matatagal ulit bago ko makikita si Aria at curious rin ako kung anong klaseng trabaho ang pinapasukan ni Aria ngayon.

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now