Chapter 21

1.2K 41 0
                                    

Napakagat labi ako dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa kwento ko kay Enzo.

"One more bite your lower lips, I am going to kiss you." Tumingin ako kay Enzo na seryoso ang kanyang mukha. "Are you going to start talking? Or what?"

"Alam ko naman hindi mo maalala yung gabing maglasing ka 5 years ago." Nakita ko ang pagbilog ng mga mata ni Enzo.

"Huwag mong sabihin ikaw yung... Oh shit! That means Rina is my daughter?"

"Oo, anak mo si Rina. I'm sorry dahil hindi ko naman intensyon itago sayo ang tungkol sa kanya. Sasabihin ko rin naman sana sayo pagkatapos ng misyon namin ni Creed pero nahuli mo kami noon kaya nauna ang takot ko baka magalit ka sa--" Nagulat na lang ako ng hilain ako para yakapin. "Enzo?"

"Yes, I am mad at you but when I saw my friend is alive because of what you did. Nawala na lang bigla ang galit ko sayo, Aria. Tatlong taon kita hinanap pero hindi ako sumuko sa paghahanap sayo kahit umabor na ako ng taon para lang mahanap ka. Hinihiling ko pa noon sana magkaroon na ako ng anak dahil naunahan na ako ng pinsan ko pero iyon pala may anak na ako hindi ko man lang alam."

"Sorry talaga."

"Shh, ngayon nahanap na kita at nalaman kong may anak ako sayo. Aria, marry me."

"Huh?" Napaangat ako ng ulo para tingnan siya.

"I said marry me."

"Narinig ko ang sinabi mo kanina pero bakit gusto mo ako pakasalan? Hindi mo naman ako mahal."

"Who told you that I don't love you? Sa tingin mo ba hahanapin pa kita kung hindi naman kita mahal ah? Makikipaghiwalay ba ako kay Vanessa kahit ilang beses na niya ako--" Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi nito sabay halik sa kanyang mga labi.

"Yes, I will marry you." Nauulang sagot ko. "Pero magpapakasal lang tayo kung magpakilala ka kay Rina."

"Damn, hindi mo alam kung gaano ako kasaya na malaman kong may anak ako sayo, Aria. Kapag nalaman nila mama ang tungkol dito sigurado akong matutuwa sila ni Gail."

Muli akong hinalikan ni Enzo kaya hindi na ako nagdalawang isip tumugon sa kanya. Tama ang kaibigan niya kapag pinaliwanag ko kay Enzo ang nangyari ay nawala ang galit nito sa akin.

"Mama?" Pareho kami ni Enzo lumingon kay Rina. "Bakit po kayo magkikiss? Ang sabi po ng teacher ko kapag nagkiss ang dalawa dapat daw sa mag-boyfriend o mag-asawa."

"Come here, princess." Tawag ni Enzo kaya lumapit naman sa kanya si Rina at pinaupo nito sa kanyang kandungan.

"Kayo po ba ang daddy ko?" Pasimpleng tumango si Enzo kay Rina. "Bakit ngayon po kayo?"

"Sorry kung ngayon lang dumating si daddy. Pero ang importante ay makakasama ko kayo ng mommy mo."

"Hindi niyo na po ba kami iiwanam ni mama?"

"Hinding hindi ko na kayo iiwanam dahil makakasama niyo na ako habang buhay, princess."

"Yay! Hindi na po ako aasarin ng mga kaklase ko na walang daddy dahil bumalik na ang daddy ko. Pero kahit inaasar ako ng mga kaklase ko ay tinutulungan naman ako ni kuya Eizen." Kumumot ang noo ko dahil wala akong maalala na may naging kaibigan na pala si Rina. Wala kasi siyang kinukwento sa akin.

"He is your cousin, Rina." Napatingin ako kay Enzo kaya ngumiti siya sa akin.

"Talaga po? Paano po iyon nangyari, daddy?"

"His father is my cousin."

"Hindi ko alam may kamag anak ka pala dito. Ang akala ko kasi sa Australia ang kamag anak mo."

"May kamag anak din ako rito. Aizen Evergreen ang pangalan niya at isa siyang magaling na cardiologist nakilala ko."

Sa apilyido pa lang ay halatang kamag anak niga silang dalawa. Siguro pareho silang mabait dahil mabait na tao si Enzo.

"Papakilala ko kayo sa kanya kahit sa pamilya niya."

"Daddy, pwede po ba favor?"

"Sure, princess. Anything."

"Pwede niyo po ba ako bigyan ni mama ng baby sister?" Pakiramdam ko parang umakyat ang lahat na dugo ko sa ulo dahil sa pagkapula ng mukha ko.

"Oh? Let me try to talk with your mommy first." Nilingon naman ako ng mag-ama ko. Sigurado akong pulang pula pa rin amg mukha ko hanggang ngayon.

"Octopus na po si mama."

"She is the most prettiest octopus I've ever seen."

Kailan ba naging bolero si Enzo ng ganito ah?

"Mama, pumapayag na po ba kayo bigyan ako ng baby sister para may kalaro ako?"

"Rina, ano kasi..." Hindi ko tuloy alam kung paano ko ba sasabihin kay Rina. Wala pa akong balak sundan siya.

"Princess, maglaro ka na muna para kausapin ko ang mommy." Umalis na si Rina sa kandungan ni Enzo.

"Para saan ba ang paguusapan natin? Wala pa naman akong balak sundan si Rina."

"But I want a basketball team or soccer team, Aria."

"Enzo..." Pinandilatan ko siya ng mata.

Ang gusto pa talaga niya isang basketball team o soccer team. Mas naiintindihan ko ang basketball team dahil lima lang naman ang kailangan sa isang team pero ang soccer team. My god! Eleven ang kailangan sa isang team.

"I know pero hindi ako mangangako sayo na hindi kita mabubuntis bago ang kasal natin ah. At bago ko makalimutan kaya kita gusto mahanap para sabihan kita tungkol dito..."

"Tungkol saan?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Vanessa threated me when I broke up with her."

"Sa tingin mo ba kaya niya ako ipahamak? Nakalimutan mo yata isang assassin itong kausap mo ngayon, Enzo at hindi naman ako papayag mapahamak rin si Rina dahil dadaan na muna siya sa kamatayan."

"I really want to protect you and Rina from her. Hindi rin naman ako papayag mapahamak kayong dalawa."

"Enzo." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Hindi mo na kailangan gawin iyon dahil kaya ko naman protektahan ang sarili at si Rina. Pangako mo lang sa akin kahit anong mangyari, ang mga kamay na ito ay para lang kumuha ng magagandang litrato."

Kahit ang unang kita ko pa lang sa litratong kuha ni Enzo noon ay magustuhan ko na. Isang masterpiece ang mga litratong iyon  at naging number 1 fan pa niya ako kahit hindi naman natuloy ang pagiging model ko sa studio niya noon.

"Aria, gusto mo ba magtrabaho sa akin? You signed a contract before pero hindi naman natuloy ang pagtrabaho mo dahil bigla ka na lang nawala. And this time if you sign a contract again you will work for me."

"Pwede ba?"

"Of course. You are welcome to work for me. At ako na ang bahala kay Rina dahil gusto ko bumawi sa kanya sa mga panahong wala ako sa tabi niya."

Taming An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon