Chapter 27

1.2K 35 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ay dinala ko si Aria kung saan ko siyang unang nakita. Noon pa lang ay humanga na ako sa kagandahan ni Aria at ang akala mo noon ay meron na siyang boyfriend. Hindi nga ako makapaniwalang sa ganda ni Aria ay wala pa siya naging boyfriend at ako ang unang lalaking pumasok sa buhay niya.

"Ano ang ginagawa natin dito?" Tinanong ako ni Aria habang hawak ko ang kanyang kamay. Ang dami kasing tourist ngayon dito sa Royal Botanic Garden.

"Dito ang unang beses kita nakita kasama yung Creed na iyon."

"Talaga? Ah, tama. Naalala ko na dumaan nga ako dito noon pero sinundan naman ni Creed. I remember that, pagkatapos ibigay ang magiging misyon namin ay hindi ko gusto na pagkakaroon ng partner. Sa dami na naging misyon ko ay iyon pa lang ang misyon kong mayroong partner."

"Being an assassin, ilang tao na ba ang napatay mo?" Biglaang tanong ko sa kanya. I don't know why I ask her that kind of question.

"Countless. Pero hindi naman ako pumapatay ng taong inosente. Pinapatay ko lang ay katulad ng isang drug lord pero ang mas masakit sa akin yung akala ko tinuring talaga nila ako parang anak kaya nila ako kinupkop. Ang totoo pala may atraso sila sa akin."

"What do you mean?"

"Naikwento ko na rin naman sayo nangyari sa pamilya ko after that may umampon sa akin. Isang mafia boss at siya din ang nagturo sa akin kung paano gumamit ng baril. I was a former member of mafia before I become an assassin. Sa kalagitnaan ng misyon ay tumakas ako. Bumalik ako ng Pilipinas para makalayo sa kanila hanggang naging assassin ako, handang pumatay ng taong hahadlad sa misyon ko."

"May balak ka rin bang patayin ako kapag nalaman ko ang binabalak mo noon at maging hadlang ako sa misyon niyo?" Hindi ko naisip na pwede pala mangyari sa akin noon. Isa nga naman kasing professional killer si Aria at handa talaga siya pumatay ng tao.

"Sabi ko nga sayo hindi ko magagawang pumatay ng inosente at kung maging hadlang ka man ay hindi ko pa rin magagawang patayin ka."

"Dahil mahal mo ko?" Tumango lang ang sagot na binigay sa akin ni Aria.

"Nakaramdam ako ng guilt noong gabing iyon. Nasaktan kita. Hindi ko alam kung paano kita haharapin pagkatapos mangyaring iyon pero kinapalan ko na lang ang mukha ko para humingi ng tawad sayo kahit malabong matatawad mo ako."

"Kalimutan na lang natin kung ano ang nangyari noon. Ang importante ay--" Naputol ang sasabihin ko ng marinig kaming putok ng isang baril at mga tao ay nagsitakbuhan.

"Putok ng isang baril iyon ah?"

"Aria, umalis na tayo dito. Baka ano pa ang mangyari sa inyo ng magiging anak natin. Ayaw ko naman mapahamak kayong dalawa kahit isa ka pang assassin ay pwede ka pa ring mamatay sa mangyayari." Hindi naman ako papayag na may mangyaring masama kay Aria at sa magiging anak namin. Lalaban din ako sa hanggang sa kamatayan.

Habang naglalakad kami ni Aria palayo sa garden ay nakita kong may tinatawagan siya. Sa tingin ko ang tinatawagan niya ay ang kanyang partner na si Creed.

"Creed, I need your help." Sabi ni Aria sa kausap niya sa telepono. Sabi na nga ba si Creed ang tinatawagan niya at nakakaramdam ako ng selos. Hindi ko man lang magawang protektahan si Aria.

"May narinig akong putok ng isang baril kanina kaya gusto kong alamin mo kung sino iyon."

"I'm fine. Wala nangyari sa--" Inagaw ko ang phone ni Aria kaya napasimangot siya sa akin.

"Hello, this is Enzo."

"Ano ang kailangan mo? Ibalik mo ang phone ni Aria dahil siya ang kausap ko."

"I think I know who can do this. Kung gusto mo malaman makinig ka na muna sa akin. Kung ayaw mo ibabalik ko na kay Aria ang phone niya."

"Okay, go ahead. Tell me who."

"Vanessa Crawford, my ex fiancee. She threated me before papatayin niya ang mga taong mahalaga sa akin hanggang hindi ako bumabalik sa kanya."

"Fuck. I knew it. Inatake rin ako ng mga tauhan ng babaeng iyan noong araw. Hindi ko lang masabi kay Aria dahil ayaw ko naman magaalala siya sa akin. Okay, ako na ang bahala sa ex fiancee mong baliw." Binalik ko na kay Aria ang phone niya pagkababa ni Creed.

"Ano nangyari? May kinalaman ba talaga dito si Vanessa?"

"Sigurado ako. Mukhang tinotoo niya ang pagbanta niya sa akin noong araw na nakipaghiwalay ako sa kanya. Ang akala ko pa naman nagbibiro lang siya dahil simula noon hindi na siya nagpakita pang muli sa TV para maging center of attraction ng mga media."

"She's insane, Enzo. Hindi naman ako papayag na may mapahamak sa taong mahalaga sa akin. Ayaw kong mamatayan ulit. Handa akong lumalaban hanggang sa kamatayan."

"Aria, please, don't.. Ayaw ko naman kung pati ikaw ay mawala sa akin." Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Aria. "Ipangako mo sa akin hindi ka papasok sa ganitong bagay, Aria."

"Enzo, I can't. Trabaho ko ito. Ganito ang trabaho ko."

"Please. I can't live without you. Isipin mo man lang hindi lang ako ang malulungkot kung may mangyaring masama sayo, pati rin si Rina. Papayag ka bang makita ang anak nating malulungkot?"

Sana pagisipan ni Aria ang pwedeng mangyari sa kanya. Hindi siya immortal na hindi tatalab ang bala sa bawat tama sa kanyang katawan.

"Sana pagisipan mo ang pwedeng mangyari. May pamilya kang pwedeng iwanan sa mundo kung may mangyaring masama sayo. Hindi ka nagiisa ngayon, Aria dahil kasama mo na ako at may mga anak pa tayo."

Naramdam ko ang mainit na palad ni Aria na dumampi sa pisngi ko.

"Hindi naman ako papayag na iwanan ko kayong dalawa." Kinuha ko ang isang kamay nito at hinalikan ang likod ng kanyang kamay.

"Thank you, Aria."

Paguwi namin sa bahay ay nakita ko si mama nanonood ng balita. Ang bilis naman dahil nasa balita na agad ang nangyari kanina sa garden. May ilang tao rin ang sugatan sa pangyayari.

"Enzo, Aria, ayos lang ba kayong dalawa?" Bakas sa boses ni mama ang pagaalala.

"Yes, mom. Wala naman pong nangyari masama sa amin ni Aria."

"Salamat naman kung sa ganoon. Nagaalala ako noong napanood ko yung balita dahil ang pagkaalam ko medyo malapit sa restaurant na pinuntahan niyo kanina sa nangyaring aksidente."

Napatingin ako kay Aria dahil bigla ko naalala si Alex at ang pamilya nito. Agad kong tinawagan si Alex at sana wala nangyaring masama sa kanila.

"Alex, okay lang ba kayo?" Tanong ko sa kanya pagkasagot ng tawag ko.

"We're fine. Bumalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin bago mangyari ang putukan kanina. Kayo ni Aria?"

"Ayos lang kami ni Aria."

Nakahinga ako ng maluwag dahil walang nangyaring masama sa kaibigan ni Aizen.

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now