Chapter 9

1.3K 36 0
                                    

Aria's POV

Binaba ko na ang tawag habang kausap si Enzo kanina dahil tumatawag rin sa akin si Creed. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit tumatawag ang lalaking ito sa akin? Sana walang nangyaring masama kay Rina.

"May nangyari ba kay Rina?" Tanong ko sa kanya pagkasagot ng tawag.

"Wala pero kailangan mo bumalik dito?"

"Why? Ano ba nangyari sayo? Akala ko ba gusto mong kausapin si Enzo para matapos na itong misyon natin kaya nga nandito ako ngayon sa Australia pero noong pumunta ako sa studio niya busy daw siya sabi ng assistant niya." Mahabang paliwanag ko kay Creed.

"Hindi busy ang lalaking iyan. Nakita ko siya kanina dito. Nandito siya sa Pilipinas, Aria kaya bumalik ka na agad. Naasikaso ko na ang schedule ng flight mo. Mamayang gabi na."

"What? Seryoso ka ba diyan?"

"Oo, Aria. Hindi ako nagkamli siya ang nakita ko kanina."

"Okay. Babalik na muna ako sa hotel ko para kunin ang mga gamit ko." Binaba ko na ng tawag.

Hindi ko alam nasa Pilipinas pala si Enzo ngayon. Ano naman kaya ang ginagawa niya doon? Nandoon siya sa Pilipinas habang ang fiancee niya ay nandito sa Melbourne. Nalaman ko rin kasing hindi pala kasal si Enzo kaya masaya ako. Hindi naman kasi ako papayag maging anak sa labas si Rina. Kailangan ko lang kumuha ng tyempo para sabihin sa kanya ang lahat pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya isa akong assassin. Natatakot akong hindi niya ako tanggapin pero ngayon ang mahalaga kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Rina ay tanggapin niya ng buo ang anak niya.

Mga ilang oras din ang biyahe ko pabalik ng Pilipinas. Medyo may jetlag pa ako dahil sa sobrang haba ng biyahe at mabuti na lang sinundo ako ni Creed sa airport.

"Alam kong pagod ka pa ngayon kaya hatid na lang kita sa bahay mo at bukas na lang tayo magsimula sa gagawin natin." Nilagay na niya ang mga gamit ko sa compartment.

"Hindi ba naging makulit si Rina habang wala ako?"

"Hindi naman pero hinahanap ka niya sa akin noong isang araw. But don't worry, sinabi ko naman sa kanyang busy ka lang."

Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Creed ang ganoon kay Rina. Baby pa lang naman ang anak ko.

"Si Enzo lang ba ang nakita mo noon?"

"Oo." Maiksing sagot niya.

Bakit ganoon? Mas lalo kong gusto makita si Enzo ngayon.

Dalawang taon na rin noong huling kita naming dalawa at umalis ako na walang paalam sa kanya. Ayaw ko kasi mapahamak siya o kahit sino sa mahalaga sa kanya dahil lang sa trabaho ko. Pero handa naman ako makipag patayan kung sino man ang may magtanggka sa buhay ni Enzo o sa pamilya nito. Napamahal na rin sa akin ang pamilya ni Enzo. Nakikita kong mahal din nila ako and they don't treat me different.

Siguro kapag nalaman nila kung ano ang trabaho ko ay maging iba na ang tingin nila sa akin. Lalo si Gail. Tinuring ako ni Gail bilang isang nakakatandang kapatid dahil silang dalawa lang naman ni Enzo ang magkapatid. Gail wants a older or younger sister pero hindi naman siya pinalad magkaroon. Nalaman ko rin matagal na pala sila walang balita sa ama nila.

"Creed, pwede mo ba ibigay sa akin kung saan tumutuloy si Enzo ngayon?"

"Bukas ko na ibigay sayo. Magpahinga ka na muna."

Kinaumagahan ay magising ako wala pang araw dahil inaasikaso ko ang lahat na kailangan ko habang hinihintay ang pagtawag ni Creed. Ang sabi kasi niya sa akin kagabi ay tatawag siya sa akin. Hanggang ngayon ay wala pa rin tawag galing kay Creed.

Abala kami ni Rina kumain ng almusal. Tuwang tuwa nga ang anak kong makita niya ulit ako, akala pa naman sobrang tagal kong nawala. Makita lang masaya ang anak ko ay masaya na rin ako.

May narinig na akong nagdoorbell baka si Creed na iyon kaya tumayo na ako para pagbuksan siya ng gate.

"Bakit hindi ka tumatawag sa akin kanina ah. Ang sabi mo pa naman kagabi tatawag ka bago dumeretso dito." Inis kong sambit sa kanya.

"Sorry. Kakagising ko lang at wala pa akong kain dahil dumeretso na ako dito."

"Bwesit ka talaga kahit kailan. Pumasok ka na nga para kumain na muna ng almusal tapos ibigay mo na rin sa akin kung ko pwedeng makita si Enzo."

May part sa akin na gusto kong makita ulit si Enzo pero ginagawa ko ito para sa misyon namin. Alam ko naman pagkatapos nito ay hindi ko muli makikita si Enzo o pwede rin sabihin kakasal na rin siya anytime soon. Anytime they can announce about their wedding. Pero hindi ko tanggap kung mangyari iyon. Kahit isa akong assassin ay hindi ako pumapatay ng isang inosenteng tao.

Pumunta na ako sa hotel kung saan tumutuloy si Enzo ngayon habang nandito siya sa Pilipinas. Hindi na ako lumapit sa receptionist dahil alam ko naman kung saan ang room number ni Enzo dahil binigay ni Creed kanina. Maasahan talaga ang lalaking iyon.

"Nandito na ako sa labas ng kwarto niya."

"Kumatok ka na." Sabi ni Creed sa earpiece na suot ko.

Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng kwarto ni Enzo.

"Wait a minute." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Enzo sa likod ng pintong ito. Magkikita na ulit kami ni Enzo after 2 years. Nakita ko na ang pagbukas nang pinto at niluwa noon ang isang topless na lalaki. "Aria?! What are you do--"

Hindi ko tinapos ang sasabi niya dahil sinalubong ko siya ng isang halik sa labi. Hindi ko alam kung bakit ko hinalikan si Enzo ngayon. Sabik lang siguro akong makita siyang muli. Hindi nga nagdalawang isip si Enzo na tumugon sa halik ko pero ako na rin ang humiwalay sa amin.

"What was that?" May ngiti sa mga labi niya.

"Sorry." Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin kay Enzo. Nahihiya tuloy ako sa ginawa ko kanina.

"Pasok ka na muna." Niluwagan na niya ang pinto para makapasok ako sa loob. Ang amoy ni Enzo ang maamoy sa buong hotel room niya. "Bakit ka pala nandito? Paano mo nalaman kung saan ako tumutuloy?"

"Gusto lang sana kitang kausapin ngayon kaya bumalik ako agad galing Australia." Sagot ko sa una niyang tanong pero ang pangalawa ay hindi ko pwede kung paano ko nalaman.

"Ano naman ang ginagawa mo sa Australia?"

"I really want to talk with you. Ang akala ko kasi nasa Australia ka but Creed called me last time nagkita daw kayo. Kaya bumalik ako agad." Napansin kong biglang tumahimik si Enzo ngayon. Ano nangyari sa kanya? Ang hirap talaga intindihin ang mga lalaki.

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now