Chapter 20

1.2K 38 0
                                    

Aria's POV

It is been 3 years, wala pa rin naman nagbago sa buhay ko dahil hindi na rin naman ako nagpakita pang muli kay Enzo.

Kamusta na kaya siya?

"Daddy Creed!" Tumakbo ang anak kong si Rina palapit sa bagong dating na si Creed.

"Hey. Ang laki mo na ah. Ang huling kita ko sayo baby ka pa." Kinarga naman siya ni Creed.

"Rina, ilang beses ko pa sasabihin sayo huwag daddy Creed ang itawag mo sa kanya." Tiningnan ko naman masama si Creed. "At ikaw sinabihan na rin kitang huwag kang papayag tawagin kang daddy ni Rina."

"Sorry. Hindi na talaga mauulit iyon." Natatawang sabi nito. Pinagtatawanan pa talaga ako.

"May ginawa po akong cookies kanina. Gusto niyo po?" Tanong ni Rina kaya binaba na siya ni Creed para dumeretso sa kusina at kunin ang cookies na ginawa niya kanina. Limang taong gulang na si Rina pero wala pa ring ideya ang ama niya na may anak siya sa akin dahil hindi ko naman sinabi sa kanya. Galit siya kaya hindi ko na lang sinabi baka kunin niya sa akin si Rina.

Tumingin ako kay Creed dahil may napansin akong kakaiba sa lalaking ito ngayon.

"Ano meron ah? Mukhang masaya yata ngayon." Sabi ko at umupo naman ito sa sofa.

"I met someone."

"So, in love ka na dito?" Tumabi naman ako kay Creed. Move on na agad sa akin. Sabagay 3 years na rin noong umamin siya sa akin na mahal niya ako.

"Hindi ko naman sinabi sayo na babae ba itong nakilala ko. Paano ka naman nakasiguradong in love ako?"

"Halata sa mukha mo. Kaya sigurado na akong babae iyang nakilala mo." Sinundot ko ang kanyang pisngi. "Sino ito?"

"I don't know her name. Nakita ko lang siya habang nasa kalagitnaan ang isang misyon. Muntik na nga siya mapahamak dahil sa pagdating ng mga kalaban." Kumunot ang noo ko dahil hindi man lang sinabi sa akin may naging misyon pala siya.

"Sino naman ang mga umatake sa inyo?"

"Hindi ko alam. Hindi ko pa kilala kung sino ang tinatawag nilang boss. Kailangan kong alamin ang lahat na ito, Aria."

Nakita ko na ang pagbalik ni Rina sa sala na may dala isang jar ng cookies.

"Heto na po yung cookies." Nilapag naman ni Rina ang jar ng cookies sa center table at kumuha naman si Creed.

"Alam kong matigas ang cookies na ginawa ni Rina pero sabihin mo na lang sa kanyang masarap para hindi masaktan ang bata." Bulong ko kay Creed kaya iyon ang kinatango niya.

"Hm, ang sarap naman nito."

"Talaga po? Gagawan ko pa po kayo sa susunod." Tumakbo si Rina paakyat sa taas.

"Ang sakit naman sa panga nito sa sobrang tigas. Cookies ba ito o bato?" Natatawa na lang ako sa naging reaksyon ni Creed. "Pwede ko ba yata itong ibato sa mga kalaban."

"Tumigil ka na nga. Baka bumaba pa si Rina at marinig ang pinagsasabi mo diyan."

"Pero seryoso na, Aria. Ayaw mo na ba harapin ang ama ni Rina?"

"Para saan pa? Galit pa rin naman siya sa akin noong huling pagki--" Hindi natapos ang sasabihin ko ng pitikin ni Creed ang ilong ko. "Aray! Bakit mo iyon ginawa ah?"

"Hindi iyan ang kilala kong Aria. Saan na ang partner ko?"

"Hindi pa ako handang harapin siya kahit 3 years na rin. Baka kasi hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin o baka takot lang ako malaman ang katotohanan kasal na siya sa ibang babae."

"May nabalitaan ka bang kasal ang isang Enzo Evergreen? Wala, diba? Ibig sabihin ay wala pa siyang asawa o baka naman may hinihintay lang siyang babaeng babalikan siya."

May hinihintay siyang babaeng babalikan siya? Asa naman ako iyon. Galit sa akin si Enzo noon.

"Bakit hindi na lang tayo magbakasyon? Hindi yung puro kulong ka lang dito sa bahay mo at hindi ka na nga lumalabas."

"Kapag bakasyon na lang siguro ni Rina. Hindi pa kasi tapos ang klase nila pero malapit na rin."

"Okay, tawagan mo na lang alo kung nakapili ka na kung tayo magbabakasyon." Tumayo na ito sa kanyang kinauupuan. "Kailangan ko pang bumalik sa head quarter para mag-report. Pasabi na lang kay Rina na kumuha ako ng bato-- este, cookies pala niya."

Loko talaga ang lalaking ito. Ganito ang ugali ni Creed kapag wala kaming misyon. At masyado pa silang close ng anak ko.

Nang makaalis na si Creed ay kinuha ko na yung jar para ibalik sa loob ng kusina pero may narinig akong nagdoorbell. Baka may nakalimutan si Creed kaya bumalik pero ang pagkaalam ko may spare key si Creed.

Pagbukas ko ng gate ay laking gulat ko ng makita kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Enzo..." Napakagat labi ako para pigilan ang pagpatak ng luha ko.

"I finally found you, Aria."

He finally found me?

Hinahanap ako ni Enzo? Pero bakit?

"Bakit?" Naguguluhan akong tanong sa kanya.

"For 3 years I've been looking for you but I don't know where to start. I don't know where you live."

"Mama, umalis na po ba si tito Creed?" Napalingon ako sa aking likuran nang lumabas ng bahay si Rina.

"May anak ka na?" Humarap ako muli kay Enzo. "Sorry, I have no idea kasal ka na pala. Huli na pala ako."

Mas lalo akong naguguluhan sa pinagsasabi nito. Huli saan?

"Mali ang iniisip mo, Enzo. Wala pa akong asawa." Huminto ako sa pagsasalita para huminga ng malalim. Baka ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang tungkol kay Rina.

"Mama, sino po siya?" Lumapit na sa akin si Rina.

"Enzo, pumasok ka na muna para sa loob na tayo magusap."

Alam kong mahaba habang paliwanag itong gagawin ko ngayon kapag sinabi ko sa kanya ang pagkaroon niya ng anak sa akin.

"Um, ano ang gusto mong inumin? Juice or water?"

"Water."

Pumunta na ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref pero naririmig ko dito ang paguusap ng mag-ama.

"Sino po kayo, mister?"

"I'm Enzo Evergreen. And you are, princess?"

"Rina po."

"Kayo lang ba ng mama mo nandito? Nasaan ang daddy mo?"

"Wala po akong daddy. Ang sabi ni mama nasa malayong lugar daw po siya ngayon."

Bumalik na ako sa kanila baka saan pa marating paguusap nilang dalawa. Kilala ko si Rina baka tanungin pa niya si Enzo kung pwede na lang daw ang daddy niya kahit siya naman talaga ang daddy ni Rina.

"Rina, doon ka na muna sa kwarto kasi maguusap lang kami ng bisita natin ngayon."

Mabuti na nga lang ay masunuring bata si Rina kaya umakyat na siya sa taas.

Taming An AssassinUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum