Chapter 22

1.2K 41 0
                                    

Bumalik kami ni Enzo sa Australia dahil ang sabi niya ay pupuntahan daw namin ang pamilya niya sa Sydney at papakilala niya sa kanila si Rina. Pero naalala ko bigla ang huling paguusap namin ni Creed.

"Creed, sorry dahil hindi matutuloy ang bakasyon natin kasi kailangan namin pumunta sa Australia kasama si Enzo."

"I understand. Siya naman dapat ang kasama si Rina hindi ako dahil siya ang ama ng anak mo. Masaya ako para sayo."

"Alam ko naman makakahanap ka ng iba para sayo."

"Hindi na ako umaasa. Limang buwan na rin lumipas noong huling kita ko doon sa babaeng niligtas ko."

"In love ka nga sa kanya."

"Siguro nga. Maganda naman siya pero maingay kaya naiirita ako minsan sa kanya."

"Sana balang araw ay makita mo ulit siya."

"Hindi na nga ako umaasa. Pero maiba tayo, habang nasa misyon ako may nakita akong dokumento tungkol kay Dennis Evergreen." Kumunot ang noo ko. Someone related to Enzo?

"Dennis Evergreen?"

"Yes. Enzo's father." Napasinghap ako sa aking narinig. Wala akong alam tungkol sa ama ni Enzo dahil minsan ay wala naman siyang nababanggit sa akin.

"Ano meron sa kanya?"

"Nakalagay doon kung saan makikita siya ngayon at kung bakit hindi na siya nagparamdam sa pamilya nito."

"Bakit? Sa anong dahilan?"

"He is in comatose stage. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay at sabi ko nga sayo walang alam ang pamilya ni Enzo na buhay pa siya."

"Hey." Bumalik ang katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Enzo habang karga niya si Rina. "What are you thinking all about?"

"Paano kung makita mo ulit ang sarili mong ama? Ano ang gagawin mo?" Kumunot ang noo nito sa biglang pagtanong ko sa kanya sa ganoon klase ng tanong.

"I have no idea if he is still alive or not. Matagal na kaming balita tungkol sa kanya."

"Pero gusto mo siya makita ulit?"

"For mom and Gail. I guess, yes. Bakit mo natanong sa akin ang tungkol diyan?"

"Ayaw ko naman magsinungaling pa sayo kaya sasabihin ko na rin. Bago pa tayo umalis ay nakausap ko si Creed at sinabi niya sa akin kung saan pwedeng makita si Dennis Evergreen."

"What the-- Are you serious? Sinasabi mo bang buhay siya?" Hindi makapaniwala ang mukha ni Enzo ngayon.

"He still alive but in a comatose stage, Enzo. Kaya wala na kayong balita tungkol sa kanya."

"Alam mo ba kung saang ospital?"

"Yes, I know. Puntahan na lang natin bukas ang ospital kung saan siya ngayon."

Pagkarating namin sa bahay nila sa Sydney ay hindi na nga binibitawan ni Enzo ang kamay ko para naman mawawala ulit ako sa kanya.

"Hi, mom."

"Enzo." Binaling naman ng mama ni Enzo sa akin. "It's good to see you again, Aria."

"Kayo rin po."

"Sino naman iyang batang kasama niyo?"

"Mom, this is Rina my daughter."

"Your daughter? Hindi mo sinabi sa akin may anak na pala kayo ni Aria."

"Actually, ngayon ko lang po nalaman ang tungkol kay Rina."

"Sorry po. Hindi ko ginustong itago sa inyo ang tungkol kay Rina."

"It's okay. Hindi pa kasi alam ng anak ko kung mahal ka ba talaga niya noon pa kaya nga pumunta pa siya ng Pilipinas para alamin ang kasagutan." Hindi ko inaasahan na ganoon ang dahilan ni Enzo. Kahit noon pa talaga ay mahal na niya ako.

"Si mom talaga. Si Gail po pala."

"Nasa bahay ng kaibigan niya pero pauwi na rin iyon mamaya. Umupo na muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Pumunta na sa kusina ang mama ni Enzo.

"Ilalagay ko lang si Rina sa kwarto para makatulog na siya ng mahimbing." Tumango ako kay Enzo at pumanhik na siya sa taas.

"I'm ho-- OMG! Ate Aria?" Ngumiti ako kay Gail at niyakap niya ako para bang sabik na sabik makita ulit ako. "I miss you."

"I missed you too, Gail."

"Mabuti naman po kasama na kayo ni Enzo pabalik dito. Kundi ka pa niya kasama ay magagalit na ako sa kanya."

"Makakasama mo na ulit ako, Gail." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Talaga, ate? Magpapakasal na ba kayo ni Enzo?" Tumango ako sa kanya. Tinanong na rin naman ako ni Enzo kung papayag ba ako magpakasal sa kanya at umoo naman ako kahit wala pa namang singsing. "Oh my! I'm so happy. I have a future sister-in-law like you."

"Ano ang pinaguusapan niyong dalawa?" Nilingon namin ni Gail si Enzo habang naglalakad ito papalapit sa amin.

"Enzo, hindi mo sinabi sa akin magpapakasal na pala kayo ni ate Aria."

"Siyempre. Doon rin naman ang punta namin ni Aria at saka may anak na kami."

"I'm so happy for the both of you. I want to see my nephew or niece."

"Mamaya na lang, Gail. Napagod si Rina sa biyahe namin kanina."

"I have a niece. That's nice. Okay, punta lang ako sa kwarto ko. See you." Pumanhik na si Gail sa taas nila.

"Napalibutan ako ng apat na babae ngayon."

"Hindi kaya. Ngayon pa kaya nalaman mong buhay ang ama mo."

"We're not sure yet. Hindi pa ako makakasigurado kung siya ba talaga ang nakita ng partner mo. Kailangan natin puntahan ang ospital para makasigurado."

"Naniniwala akong siya iyon dahil hindi pa sa akin nagsisinungaling si Creed. Sa tagal pa naman namin magkasama sa trabaho."

"Gaano ka ba tiwala sa kanya?"

"Kanino? Kay Creed?" Tumango lang sa akin si Enzo. "Sobrang tiwala ako sa kanya. Maliban sayo ay pinagkatiwalaan ko rin si Creed."

"Why you trusted me that much?"

"Dahil mahal din kita. Teka nga, bakit ka ba nagtatanong sa akin ng ganyan?"

"You said, you love me. Kailan pa?" Tanong niya ulit. Aba, hindi pinansin ang tanong ko kanina.

"Simulang pinanganak ko si Rina."

"Paano kung hindi dumating sa atin si Rina, hindi mo rin ba ako mamahalin?"

"Mamahalin pa rin kita dahil hindi ka naman mahirap mahalin, Enzo. Natakot lang ako umamin sayo lalo na kung malaman mo ang trabaho ko."

"Mga anak, kain na kayong dalawa." Tawag sa amin ng mama ni Enzo.

Sabay na kami ni Enzo pumunta sa kusina nila para kumain pero iniwanam na kami ng mama niya.

"Aria." Tumingin ako may Enzo habang kumakain kami pareho. "Ang akala ko ba isa kang assassin."

"Assassin naman talaga ako."

"Pero para sa akin isa kang magnanakaw." Kumunot ang noo ko. Wala naman ako ninakaw noon ah.

"Huh? Hindi ako magnanakaw."

"Magnanakaw ka. Ninakaw ko kasi ang puso ko." Napangiti ako bigla. Corny siya but at the same time kinikilig ako.

"Enzo, ganoon na ba ang tama mo sa akin?" Tumango siya sa akin. "Magpatingin ka na kaya sa doctor."

"Aray. Hindi ko naman kailangan ng doctor dahil walang gamot sa kabaliwan ko para sayo."

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now