Chapter 19

1.2K 35 0
                                    

Sabi ko nga sa inyo dalawa ang story mangyayari dito. But don't worry hindi pa tapos ang story nina Enzo at Aria. Hahaha

~~~

Eva's POV

Abala ako ngayon sa paghahanda ng agahan namin magkapatid. Kaming dalawa na lang kasi ang magkasama simulang namatay ang mga magulang namin sa isang car accident at ako na rin ang nagalaga sa kababatang kapatid ko.

"Hep!" Pagpigil ko sa kanya. Alam ko naman papasok ito sa trabaho na hindi pa kumakain.

"Ate naman. Nagmamadali na ako."

"Hindi kita papaalisin sa bahay kapag hindi ka pa kumakain. Magagalit ako sayo, James."

Wala na rin naman magagawa ang kapatid ko kaya umupo na siya sa harapan ng hapag. Isa kasing masipag ang kapatid kong ito at kinakalimutan na ang sarili niya. Siya lang naman si arch. James Fernandez pero tawag sa kanya ng mga kaibigan niya ay Buck.

"Wala ka pa rin bang girlfriend hanggang ngayon?"

"Si ate talaga. Wala nga akong oras sa sarili ko sa ibang tao pa kaya. Hindi naman ako naghahanap ng babae para maging girlfriend ko. Maghihintay ako sa tamang panahon baka dumating na siya sa akin. Sa ngayon ikaw ang priority ko, ate." Napapaluha ako dahil ang sweet talaga ng kapatid ko.

"Huwag mo na ako isipin, James. Masaya na ako dahil nakapagtapos ka sa pagaaral mo at kung saan man ngayon sina mama at papa ay proud sila sayo."

"Oo na. Umagang umaga ang drama mo na naman. Ikaw na lang kasi ang maghanap ng boyfriend para hindi mo na pakialaman ang love life ko baka sa susunod papakialaman mo na rin pati ang sex life ko."

Natawa na lang sa kapatid ko. Loko talaga ito.

Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Evalyn Fernandez. Imbes na Evelyn ang spelling ng pangalan ko naging Evalyn. Weird kasi ang mga magulang ko.

Lumabas na ako ng bahay dahil wala rin naman akong ginagawa.

Saan naman kaya pupunta?

Habang naglalakad ako ay may umagaw ng atensyon ko. Isang napaka gwapong lalaki nakita ko sa buong mundo pero sa nakikita ko ay malungkot siya. Sayang naman ang pagiging gwapo niya kung ganyan ang mukha.

"Miss, are you done observing me?" Napatingin ulit ako sa maganda niyang mukha dahil napansin pala niyang nakatintin ako sa kanya. Nakahiya.

"Sorry" Napasinghap ako dahil tinutukan niya ako ng baril. Ayaw ko pa mamatay. "Hey! Wala naman akong gina--"

Hinila niya ako ng may narinig akong putok ng isang baril. Ano iyon? May gusto bang pumatay sa akin? Wala naman ako naging kaaway.

"Tsk. Hanggang dito ay nasundan ako ng mga kampon ni Satanas." Sabi niya sabay putok nito sa baril niya pero ako ay natatakot sa nangyayari. "Huwag ka matakot, miss. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka."

"Paano naman ako hindi matatakot? Sino ba ang mga iyon ah?"

"Mga kampon ni Satanas."

"Mga kampon ni Sanatas?! Nagbibiro ka ba?!"

"Huwag ka ngang sumigaw diyan at tumahimik ka na lang dahil nakakairita ang boses mo." Sagot nito. Aba't ang bastos pala ng lalaking ito ah. "Kung hindi ka tumahimik gagawin kitang pain sa mga kalaban."

Tumahimik na lang ako baka gawin talaga niyang pain ako sa mga kalaban niya. Ayaw ko pa mamatay. Naghihintay ang kapatid ko sa akin.

Hinila na niya ang braso ko para makatakas na sa pwesto namin kanina.

"Ano ka ba talaga, mister?"

"Assassin." Deretsong sagot niya habang tumatakbo kami. "Kailangan makaalis ka na sa lugar na ito para hindi ka mahanap ng mga kalaban ko."

"Assas--" Huminto siya sa paglalakad sabay lapit sa akin at laking gulat ko na lang ng halikan niya ako sa labi. First kiss ko!

"Isang beses ka pang magsalita ay hindi lang halik ang gagawin ko sayo. Baka rapin din kita."

"Aba, ang bastos mo! Virgin pa ako." Nakita ko ang pagngisi niya.

"Edi masaya dahil ako ang nakauna sayo."

Walang hiya talaga at may balak pa talagang kunin ang matagal ko ng iniingatan. Ibibigay ko lang ito sa lalaking makakasama mo habang buhay. Ang kapal din ng mukha niya. Akala mo kung sinong gwapo.

"Hanggang dito na lang kita mahahatid, miss. Kailangan ko pang ligpitin ang mga kalat sa paligid."

"Okay na dito as long as hindi mo na ko rapin."

Narinig ko ang kanyang pagtawa. Bigla tuloy lumambot ang tuhod ko sa tawa niya ngayon ah.

"Sa tingin mo gagawin ko talaga iyon sayo? Masyado ka talagang assuming, miss. At ito na rin naman ang huling pagkikita nating dalawa."

"Kainis ka! Bwesit!" Inis kong sambit at sumakay na ako ng taxi. Hindi ko kasi dala ang kotse ko noong pumunta ako dito dahil malapit lang naman ang bahay namin sa pinuntahan ko. Hindi ko naman kasi alam ang nakilala kong bastos na lalaki ay isa pa lang assassin kaya delikado talaga sumama sa kanya baka mamatay pa ako.

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Pero ang sabi niya ito na daw ang huling pagkikita naming dalawa. Ibig sabihin hindi ko na ulit siya makikita pang muli.

Love at first sight pa naman ako sa kanya pero bastos at masungit ang lalaking iyon. Sayang lang ang pagiging gwapo niya kung ganoon naman ang ugali.

Nakita kong tumatawag si James sa akin kaya agad iyon sinagot.

"Ate, ayos ka lang ba? Nabalitaan ko kasi kanina may nagputukan daw malapit sa atin."

"Ayos lang ako. May lumigtas sa akin kanina kaya wala akong galos."

"Kailangan pala natin magpasalamat sa kanya."

"James, huwag na. Isa ring delikado ang tumulong sa akin at hindi natin siya kilala. Basta magiingat ka na lang din dahil palagi ka wala sa bahay."

"Don't worry about me. Hindi na ako bata kaya ko na alagaan ang sarili."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin..."

"I know. Ikaw din magiingat. At hindi pala ako makakauwi ngayon dahil may kailangan pa akong tapusin na project sa Cebu." Hindi na hinintay ng kapatid ko ang sagot ko dahil binaba na niya ang tawag.

Umikot pala si manong driver kaya napamahal ang binayad ko sa kanya para lang makarating ako sa bahay.

Pagbaba ko sa taxi ay nagtataka ako kung bakit bukas ang pinto ng gate. Pagkaalam ko ay sinarado ko ito bago ako umalis kanina. Binuksan ko na ang gate at sinarado ko para makasiguradong wala talaga makakapasok.

"Bakit ngayon ka lang?" May narinig akong boses na kinagulat ko.

"Ay kalabaw!" Tiningnan ko kung sino nagsalita. Siya yung lalaking bastos ah. "Ano ang ginagawa mo rito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Hindi na siya sumagot dahil lumapit siya sa akin kaya lumalayo ako sa kanya. Natatakot ako pwede niyang gawin. Hindi pa naman uuwi mamayang gabi ni James dahil may project pa siyang ginagawa ngayon sa Cebu.

Hanggang sa wala na akong maatrasan dahil pader na itong nasa likuran ko.

"Diyan ka lang! Huwag kang lalapit sa akin!" Pagbanta ko sa kanya pero tuloy pa rin siyang lumapit sa akin sabay halik sa mga labi ko. "Mmm..."

"Biglang nagbago ang isip ko ngayon at nalaman ko na lang hindi uuwi ngayong gabi ang kapatid mo kaya tayong dalawa lang ang nandito ngayon." Sabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now