Chapter 4

1.6K 52 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa airport habang hinihintay ang flight ko papuntang Sydney. Pero sa napapansin ko ay may sumusunod sa akin kaya tumingin ako sa katabi ko.

"What are you doing here?"

"Maybe you need someone to accompany. Alam kong babalik kang Sydney for your sister's birthday at hindi naman ako imbitado."

"Alright. I invited you to come. Hindi naman magagalit si Gail kung may kasama akong iba." Tumayo na ako ng sinabi nandito na yung eroplano ng sasakyan namin papuntang Sydney. "Let's go."

Isang oras rin ang biyahe namin ni Aria nang makarating kami sa Sydney. Sumakay na kami pareho sa cab para makauwi na agad sa bahay.

Nang nakarating na kami ni Aria sa bahay ay sinalubong ako agad ni mama ng yakap. I know how mama missed me so much. Minsan na lang kasi ako nakakauwi rito sa sobrang busy sa trabaho.

"I missed you, son."

"I missed you too, mom."

Napansin agad ni mama na may kasama ako. Hindi kasi maalis ang tingin ni mama kay Aria.

"May kasama ka pala, Enzo."

"Mama, si Aria po. Aria, my beautiful mother, Rebecca Evergreen." Pagpakilala ko sa dalawang magandang babae. Maganda rin naman si mama kahit may edad na.

"Hello po."

"Napakaganda mo naman, hija. Ang akala ko pa naman artista ka."

"She is my model, mom."

"Pasok kayo. Pasok." Alok ni mama sa akin kaya pumasok na kami ni Aria. "Nagugutom na ba kayo? Maghahanda lang ako ng makakain niyo."

"Feel at home lang, Aria kaysa sa hotel ka tumuloy. Dito ka na lang. Meron pa naman kaming guest room kaya doon ka na lang magpahinga. Bukas pa kasi tayo pupunta sa beach to celebrate Gail's birthday." Sinamahan ko na si Aria sa guest room para ilagay na niya ang kanyang mga gamit.

"Saan pala ang kapatid mo?"

"Not sure. Baka kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Palagi kasi wala sa bahay si Gail kapag wala siyang pasok sa school."

My sister is a college student and she turns 18 years old tomorrow. Ang laki ng agwat namin ni Gail because mama doesn't know she's pregnant at the age of 33 years old and when she was in 4 years old doon naman nawala ang ama namin.

Tinawag na kami ni mama para kumain kaya sinamahan ko na rin si Aria papuntang kusina baka kasi maligaw pa siya. Malaki kasi ang bahay namin pero kaming tatlo lang ang nakatira dito.

"You should try this one." Kinuha ang plato naglalaman ng chicken parmigiana at naglagay ako ng isa sa plato ni Aria. "Specialty iyan ni mama."

"I'm home!" Rinig ang boses ni Gail. Sa lakas pa naman. "Nandito ka na pa-- May bisita pala tayo."

"Aria, si Gail nga pala. Kakaisang kapatid ko. Gail, si Aria. An acquaintance."

"Hello, ate Aria. Ang ganda niyo po." Tumingin naman sa akin si Gail. "Ngayon ka lang nagsama ng ibang babae maliban kay Vanessa, Enzo."

"Inimbita ko na rin siyang sumama dito. Siguro naman ayos lang sayo, no?"

"Siyempre naman. Iniimbita rin kita bukas sa beach party ko, ate Aria."

"Salamat, Gail."

Pagtapos namin kumain ni Aria ay nakita ko siya sa may sala habang may hawak na picture frame.

"That's my best friend. His name is Trevor Santiago." Binalik na niya muna ang picture frame bago pa tumingin sa akin si Aria. "Bigla na lang siya nawala na parang bula. Wala na rin akong balita sa kanya kung buhay pa siya o hindi."

"Ano nangyari?"

"Hindi ko alam ang saktong pangyayari kung bakit nawala si Trevor. Hindi rin ako sigurado kung konektado ba ito sa trabaho niya."

Ang trabaho kasi ni Trevor ay isang inventor at ang huling usap namin ay may balak siyang gumawa ng isang dangerous weapon at iyon ay ang serum. Sobrang delikado noon lalo na kung gagamitin sa masasamang bagay. Pagtapos ng paguusap namin noon ay hindi na ulit siya tumawag sa akin. Pero may isang package nagpadeliver sa akin noong last year galing kay Trevor pero walang address kung saan siya ngayon. Kung saan siya makikita. Pagbukas ko sa package ay nakita ko ang isang bote ng serum at nabasa ko rin ang sulat niya. Hinihiling niyang itago sa ligtas na lugar ang serum pero wala rin sa sulat kung saan ko siya pwedeng makita. Alam ko kahit buhay ko ay manganganib kapag nalaman ng mga humahabol kay Trevor na may alam ako kung saan nakatago ang serum.

Kinaumagahan ay maaga kami pumunta sa beach kaya nga itong birthday girl excited na magswimming kahit tirik na tirik pa ang araw.

"Ate Aria, swimming po tayo." Pagyaya ni Gail habang naglalagay siya ng sunscreen sa buong katawan niya.

"Sige, ikaw na lang." Sabi ni Aria.

"Are you scared of water? Or maybe you can't swim" Tanong ko kaya lumingon sa akin si Aria.

"Hindi naman sa ganoon. Marunong ako lumangoy pero ayaw ko lang talaga sumisid sa dagat ngayon."

"Takot ka masunog? Gusto mo lagyan kita ng sunscreen para hindi ka masunog sa araw." Kinuha ko ang sunscreen ni Gail. Tumango si Aria kaya humiga habang nakatalikod sa akin at nilalagyan ko na rin siya ng sunscreen sa likod.

Pinanood ko na lang sina Aria at Gail sa dagat. Kahit dalawang beses pa lang magkasama silang dalawa ay nakikita kong close agad si Gail kay Aria.

"Enzo, alam ko iyang iniisip mo." Lumingon ako kay mama. Ano ibig sabihin niya doon? Ang iniisip ko lang naman ay ang pagiging close nina Gail at Aria. "Mahal mo na ba?"

"Kaibigan ko lang po si Aria."

"Dahil mahal mo pa rin si Vanessa? Ayaw ko sabihin sayo ito pero noong unang beses mo siya pinakilala sa amin ay ayaw ko rin kay Vanessa."

Hindi na ako sumagot kay mama dahil hindi ko pwede sabihin sa kanila ang nangyari. Matagal na ako niloloko ni Vanessa dahil sa pagkakaroon ng relasyon sa isang model rin.

Sa isang restaurant kami kumain ng lunch. Kitang kita nga kay Gail na sobrang saya nga ngayong araw. Nang matapos na kami kumain ay bumalik na sina mama at Gail sa hotel pero ako ay naglalakad na muna sa dalampasigan hanggang nakita ko si Aria nakatingin sa dagat.

"What are you doing here?"

"Ineenjoy ang simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Alam mo ba ngayon lang ako naging masaya katulad nito simulang namatay ang pamilya ko." Nagulat ako sa biglang pagkwento ni Aria tungkol sa kanya. Siguro nga wala pa ako masyadong alam tungkol sa kanya.

"What happened to your family?"

"Hindi ko rin alam kung bakit. Wala naman nakaaway si papa kaya gawin iyon dahil isa kaming masayang pamilya. Kasama ang mga magulang ko at dalawa kong kapatid na lalaki. Hanggang sa may narinig kami ni mama putok na isang baril mula sa sala namin at doon ko nakita kung paano pinatay ng mga armadong lalaki si papa at ang dalawa kong kapatid. Tinago naman ako ni mama sa basement at sinabi niya sa akin na huwag ako lalabas doon pero harap-harapan ko kung paano nila pinatay si mama. Ako lang ang nakaligtas."

"I'm sorry. I have no idea." Pinunasan ko na ang luha ni Aria na kanina pang pumapatak. Sa hindi inaasahan ay dumampi ang labi ko sa kanya pero ako rin ang humiwalay. "Sorry."

"I know you still love her, Enzo. Dahil ang pangalan ng fiancee mo ang palagi mong sinasabi noong gabing iyon?" Kumunot ang noo ko ng umalis sa harapan ko si Aria.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now