Chapter 14

1.1K 36 0
                                    

Huminga na muna ako ng malalim bago ako magsimula maghanap ng isang laboratory o kahit anong lugar. Pero napaisip ako hindi namin ito mahahanap agad kung hindi sabihin sa amin ni Enzo kung saan niya tinago ang serum na iyon.

Huminto ako sa isang electronic appliances store at napatingin ako sa TV dahil pinapalabas ang interview ni Vanessa sa media. Si Vanessa lang ang nandito at kahit minsan ay hindi nagpakita sa interview si Enzo. O baka naman gawa gawa lang ng babaeng ito ang tungkol sa kasal kuno nila.

Mamilog ang mga mata ko ng makita ko sa reflection kung sino ang nasa likuran ko ngayon. Agad naman ako lumingon para makasiguradong hindi ako nagmamalik mata lang.

"Enzo?" Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Masaya akong makita siyang muli.

"Aria? What are you doing here? Imposible namang sinusundan mo ko dito." Natatawang sabi niya sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Sinundan talaga namin siya dito para alamim kung saan niya tinago ang serum para maibigay na namin sa kliyente namin ang kailangan niya. Sayang din kasi ang ibabayad niya sa amin at kailangan ko din iyon para kay Rina.

"Nalaman ko kasi malapit ka na ikasal kaya pumunta ako rito para makasigurado." Pagsisinungaling ko. Hindi iyon ang pinapunta ko dito.

"It's already a month since she announced about our wedding, Aria. Walang kasal magaganap dahil nakipaghiwalay na ako kay Van noong pagbalik ko rito." Nakita kong nguti ng pilit si Enzo sa akin. Ano nangyari sa kanya? Nasaan na yung masayahing Enzo na kilala ko? Nawala na yata. Hinawakan na niya rin ang kamay ko. "Can you come with me? May gusto kasi ako ipakita sayo at baka ito na rin kasi ang huling pagkikita nating dalawa."

"Huh? What are you talking about?"

Paano na si Rina?

Sabagay wala naman siyang alam tungkol kay Rina dahil wala naman akong sinabi kay Enzo na may anak kami. Na ako yung babaeng nakasama niya noong naglasing siya 2 years ago. Masakit para sa akin dahil wala siyang naalala na may nangyari sa amin noon.

Hindi na sumagot pang muli si Enzo na may humintong cab sa harapan namin. Mayaman ang pamilya nito pero wala siyang sariling kotse para hindi na siya gumastos sa pamasahe.

Nakarating na kami sa pier. Nagtataka ako kung ano ang ginagawa namin dito sa pier at pumasok kami sa isang lumang factory pero may tao pa rin magtatrabaho dito.

"Hindi kaya dito nakatago ang serum?" Tanong ni Creed sa earpiece.

Sana nga nandito nakatago ang serum para matapos na namin ang misyon na ito at baka ito na talaga ang huling pagkikita naming dalawa. After this mission hindi na ulit ako makikipagkita pang muli kay Enzo.

Tinour ako ni Enzo sa loob ng lumang factory hanggang sa umabot kami sa kaloob looban ng factory na ito at may nakita ako isang vault. Nandoon kaya ang serum na kailangan namin? Sana nga. Pinihit na rin ni Enzo yung vault para bumukas at isang maliit na bote ang laman noon.

"Iyon na ang kailangan natin, Aria."

"Bakit mo sa akin pinapakita sa akin ito? Ang alam ko ay isang dangerous weapon itong pinapakita mo sa akin ngayon."

"You're right. Kaya hindi ko basta basta pinapakita na kahit sino ang serum dahil masyadong delikado ito. Nakatanggap kasi akong message galing kay Trevor noon at iyon na ang huling sulat natanggap ko galing sa kanya. Tinago ko ito dahil iyon ang sabi sa sulat niya." Binalik na niya ang serum sa loob ng vault bago humarap sa akin. "Ikaw pa lang ang unang tao pinakita ko ang serum na iyon."

"Naniniwala ka ba na buhay pa rin ang kaibigan mo?" Biglang tanong ko sa kanya.

"Of course. Walang bangkay nakita ang mga pulis para patunay patay na si Trevor."

Enzo, I'm really sorry sa gagawin namin para makuha lang ang serum.

Kailangan kong gawin ito para sa misyon namin ni Creed at mukhang ito na rin naman ang una at huling pagsasama namin ni Creed sa isang misyon dahil pagtapos nito ay balik sa dati ang buhay naming dalawa. But I already accepted him as my partner. He is a great partner I have.

"Aria, kailangan mo na bumalik dito. Paguusapan na natin ang plano para matapos na itong misyon natin."

"Enzo, I have to go. Baka kasi hinahanap na ako ni Creed."

"Your boyfriend?" Napakurap ako. Inakala ni Enzo na boyfriend ko si Creed. Assuming din pala ang ama ni Rina ah. Wala naman gusto sa akin si Creed at kaya lang naman kami magkasama dahil sa misyon. That's all.

"No, Creed is not my boyfriend. Partner ko lang siya sa trabaho ko. Wala naman gusto sa akin ang lalaking iyon o baka naman lalaki ang hanap niya." Biro ko kahit alam ko namang maririnig ako ni Creed.

"Aria, hindi lalaki ang hanap ko. At sabihin ko ito sa akin ngayon, may gusto na akong iba kaya huwag mong sabihin sa lahat na tao lalaki ang hanap ko hindi babae." Bakas sa boses ni Creed ang inis.

Pagbalik ko sa bahay na tinitirahan namin. Nainis nga rin ako kay Creed dahil ang sabi ko hotel ang dapat matutuluyan namin pero bumili pala siya ng bahay rito. Ang sabi pa niya sa akin noon na dito siya titira kasama ang babaeng papakasalan niya.

"Pagusapag na natin ang tungkol sa plano gagawin natin mamayang gabi." Panimula ni Creed.

"Mamayang gabi na ba?"

"Yes, kung hindi natin gawin ito. Kailan mo gusto? At kailangan na natin tapusin dahil tumawag na naman sa akin si Harry. Kung natin matapos agad ito ngayong buwan ay maghahanap na daw siya ng kapalit mo, Aria. Hindi naman ako papayag na may papalit sayo dahil ikaw lang ang partner ko." Napangiti ako sa sinabi ni Creed. Naging mabuting kaibigan naman si Creed kahit may turnilyo din maluwag sa kanya.

"Okay. Ano ang plano natin mamayang gabi?"

"Papasok tayo sa factory para kunin ang serum na iyon at sasabihan ko na rin si Harry na makukuha na natin ang pinapagawa niya sa atin para magpadala siya ng helicopter at maihatid tayo sa head quarter."

"Paano naman tayo makakapasok sa factory? May bantay sa labas at may mga codes din bawat pinto doon."

"Huwag mo na isipin ang mga bantay."

"Ano naman ang gagawin mo? Huwag mong sabihin sa akin ay papatayin mo silang lahat? Creed, mga inosente ang tao sa factory kaya huwag mo silang papatayin."

"Hindi ko sila papatayin. Gagamitan ko lang sila ng stun gun para maitumba silang lahat kahit rin yung mga nagtatrabaho doon. At sa codes naman, sana huwag mong kalimugan hacker rin itong partner mo. Ang dapat mong gawin na lang ay kunin ang serum then mission accomplished!"

Taming An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon