Chapter 13

1.1K 36 0
                                    

Aria's POV

Nakatingin ako kay Creed na abala sa kanyang phone. Ano kaya ang pinapanood niya at kailangan pa niya magsuot ng earphone. Palapit na sana ako sa kanya pero narinig ko siyang nag-tsk. May problema siguro ang lalaking ito ngayon.

"Aria, I don't want to show you this pero kailangan mong malaman." Binigay niya sa akin ang kanyang phone at pinapanood sa akin ang isang video.

"I would like to tell you, I am going to marry with my fiance next week." Sabi ni Vanessa sa mga media. Napagusapan na pala nila Enzo ang tungkol sa kasal nila.

"Your fiance? Mr. Enzo Evergreen the professional photographer?"

"Yes. Who else?"

"But he is just a photographer. What do you like about him, ms. Vanessa?"

"Everything about him but I like more about Enzo is being sweet and caring."

Binalik ko na kay Creed ang kanyang phone dahil hindi ko na kayang tapusin ang interview ni Vanessa tungkol sa kasal na gagapin next week.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? May fiancee na talaga si Enzo bago ko pa siya nakilala.

"Tuloy pa rin ang misyon natin, Aria. Kailangan natin matapos ito ngayon." Tumango ako kay Creed pero wala ako sa sarili ko ngayon. Masakit. Nagmahal ako sa maling tao at binigay ko ang sarili sa maling tao.

Ang tanga ko sa pagibig.

"Kailangan natin mahanap agad kung saan nakatago ang serum. Alam ko wala rito sa Pilipinas dahil minsan lang naman pumunta dito si Enzo at sa tingin ko may laboratory or kahit saang lugar pwedeng itago ni Enzo ang serum sa Australia. Kailangan kong bumalik doon para hanapin."

"Hindi naman ko naman hahayaan na gagawin mo itong magisa, Aria. Kaya sasama ako sayo sa paghahanap kung pwede itago ang serum."

"Paano si Rina? Hindi naman pwede iwanan dito magisa ang anak ko."

"Alam kong sasabihin mo iyan. Sorry kung nagdesisyon ako na hindi ko sinasabi sayo." Kunot noo akong nakatitig kay Creed.

"Desisyon? Tungkol saan?"

"Isasama natin si Rina sa Australia."

"What?! Hindi naman ako papayag, Creed. Ayaw ko mapahamak ang anak ko dahil sa trabaho natin."

"Pareho tayo walang kamag anak dito, Aria kaya wala tayo pwedeng pagiwanan kay Rina. Mas mabuti pang isama na lang natin siya sa Australia at hindi ko siya hahayaan mapahamak. Napamahal na rin sa akin ang anak mo."

May iba pa ba akong choice? Gusto ko na talaga matapos itong misyon para hindi ko na ulit makikita si Enzo dahil ako lang din naman ang nasasaktan. Ako lang naman ang nagmahal sa aming dalawa.

Enzo, sana mapatawad mo ko kapag nalaman mo ang totoo.

"Pumapayag na ako isama natin si Rina sa Australia at ikaw na ang bahala sa kanya habang hinahanap ko ang tamang lugar. Babalitaan na lang kita kung nahanap ko na para mapagusapan nating ang next move na gagawin natin."

"Mabuti pa nga. Huwag mong kalimutan na tawagin ako ah." Tumango lang ako sa kanya.

"Kailan ang alis natin? Para naman maasikaso ko na ang mga gamit ni Rina."

"Mamayang gabi na dahil kailangan na natin kumilos. Tumawag na kasi sa akin si Harry at kapag hindi pa natin mahanap ang serum ay ipapagawa na lang daw niya ang trabaho sa ibang assassin."

Sinundo na kami ni Creed para sabay na daw kami pumunta sa airport habang si Rina ay ang himbing ng tulog. Ayaw ko naman kasi gisingin ang anak ko at baka umiyak pa siya.

"Magpahinga ka na. Mahaba pa ang biyahe natin papuntang Australia." Sabi ni Creed nang nakaupo na kami sa may seat number namin. "Gigising na lang kita kung nandoon na tayo."

Para tuloy kaming magasawa nito ni Creed at may kasama pa kaming bata. Alam ko naman walang gusto sa akin ang partner ko dahil noong nalaman ko rin ang dark past niya bago pa siya naging assassin.

"Creed, ano nangyari sa likod?" May nakita kasi akong malaking peklat sa kanyang likod at tinginan naman ni Creed iyon.

"This is from my past. Wala pa akong alam na may ginagawang illegal ang sarili kong ama noon hanggang nalaman ko na lang nagbebenta pala siya ng iba't ibang klase ng droga. Hindi ko naman siya mapigilan dahil wala naman akong laban sa kanya noon at siya na lang naman ang natitira kong pamilya simulang namatay sa isang aksidente ang ina ko. Until I met a girl, naging close kami sa isa't isa pero nalaman iyon ng ama ko. Nirape at pinatay siya habang wala ako sa bahay. Nalaman ko na lang patay na siya noong narinig ko ang pinaguusapan ng ama at ang mga kasamahan nito. Sobrang galit ko sa kanya ay inagaw ko ang isang baril ng kasamahan niya at iniisa isa ko silang pinatay kahit ang ama ko. Dahil wala pa naman ako sa tamang edad para ikulong ay nilagay na lang ako sa bahay ampunan para doon tumira."

"Paano mo naman nakuha ang peklat na iyan?"

"Dahil wala rin naman ako matitirahan noon kaya kung saan saan na lang nakatira hanggang may nakaaway ako. Marami sila habang ako ay nagiisa lang kaya tinorture nila ako at mabuti na lang may tumulong sa akin na isa nilang kasamahan kahit alam niyang mapapahamak siya kapag nalaman ng iba ang ginawa niya." Tumingin ulit si Creed sa kanyang likuran. "Kaya sa tuwing nakikita ko ito ay naalala ko ang lahat na iyon."

Nakaramdam ako na parang may gumigising na sa akin kaya namulat na ako. Nakita ko sa labas ng bitana ay may araw na sa labas, ibig sabihin umaga na pala.

"Malapit na ba tayo?"

"Yes. Ano pala ang gusto mong almusalin?"

"Ano na lang.. Um, kape na lang siguro ang almusalin ko ngayon."

"Sigurado ka?" Tumango na lang ako kay Creed at saktong may flight stewardess sa amin kaya sinabi na ng kasama ko ang gusto namin. Kape sa amin dalawa samantala kay Rina ay gatas. Baby pa kasi ang anak ko.

"May hotel na ba tayo matutuluyan?"

"Meron na. Inasikaso ko na ang lahat kagabi bago pa tayo umalis."

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now